Fractum 14

142 3 0
                                    

Broken 14: Sleep

“You’ll eat alone, right? Sasabayan kita,” pinal niyang sabi.

Napaawang ang labi ko. I eat alone in school because I don’t have friends.

“Umi-English na, p’re. Tara na,” yaya ng isa.

Inangat ko ulit ang tingin ko sa mga kaibigan niya pero nakaalis na sila. Ngumiti na lang ako kay Luxen at tumango ng isang beses.

We started eating. Luxen is so talkative but not questionative so I don’t find him boring. He was shy on his first months of being a transferee here. I wonder what changed him.

“Ang Kuya ko, na sa Batangas, seminarista. Hindi ko alam kung magpapari ga iyon o ano. Puro babae naman ang na sa messenger niya,” kwento niya habang ikinukumpas ang tinidor niya sa kawalan.

Tumango ako sa kaniya at sumubo ng pagkain. Nakakatakas sa kaniya ang Batangueno accent dahil doon siya lumaki. Tuloy-tuloy ang kumpas ng tinidor niya sa harap habang nakaharap siya sa akin habang nakain.

“Tapos pati pinsan namin, pinapatos niya. Babe pa ang tawagan! Minsan nandidiri ako, pero wala, eh. Kuya ko naman iyon. Tanggapin ko na lang,” nakangiwi niyang sabi.

Napatawa ako sa ekspresyon niya. Ang asim tingnan ng maputi at makinis niyang mukha.

“Close kayo ng Kuya mo?” tanong ko.

Humarap lalo siya sa akin. He’s got that amazed and glad look in his eyes again everytime I ask a question. Kumurp siya ng isang beses at lumunok. Nakita ko ang pagtaas baba ng Adam’s apple niya. Pagwapo siya nang pagwapo. But my interest in him isn’t really heightening. Waivering, pwede pa.

“Parang normal na magkapatid lang. parehas kaming lalaki, eh. Nagsusuntukan kami minsan tapos kapag lumingon si Mama, kunwari bati-bati lang. Hindi ba ganoon naman talaga ang magkapatid?” pagkwento at pagtanong niya bigla sa akin.

Tumango na lang ulit ako, not knowing what to say.

“Wala akong kapatid, eh. Minsan gusto ko ng Kuya, pero alam kong hindi naman pwede. Tsaka ako rin ang Ate sa aming mga magpipinsan,” balik ko sa kaniya.

We talked more until the next teacher came. Bumalik na siya sa upuan niya sa third row. Ilang beses ko rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin kapag naliligaw ang tingin ko sa paligid.

“Sanguine!” sigaw ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

Lumingon ako roon. Hindi ako Monday cleaner pero tumulong ako kaya nagtagal pa ako sa classroom bago ako bumaba. May tumulong din sa akin sa pagbaba ng bag ko ng lubro kaya naging mabilis lang ang pagbaba ko. Luxen is now jogging towards me with his blue Jansport backpack.

Ngumiti ako sa kaniya. Why did he call me?

Lumingon siya sa likod ko. Nang ibalik niya ang tingin niya sa akin ay ngumiti na siya at bahagyang hiningal kaya nagtaas-baba ang didbib.

“Hatid na kita,” saad niya at akmang kukunin ang bag ko ng libro.

Iniwas ko ang bag ko sa kaniya at itinulak iyon sa likod ko. Medyo nagtaka siya kaya medyo bumagsak ang ngiti niya. I smiled at him more. It’s not the first time someone waited for me just to accompany me back to my house.

But I don’t let them. Baka mahuli ako ni Mama.

“Hindi na, Lux. Salamat,” nakangiti kong saad sa kaniya.

Ngumuso siya. Lumingon ulit siya sa likod ko kaya lumingon din ako roon. He thinks someone else is going to walk me to my house.

“Sige na…” he pleaded with a sad voice.

His chin lowered and he looked at me with cute puppy eyes.

“Hindi na talaga, Lux. Walang maghahatid sa akin, oh. Mag-isa lang ako,” pag-assure ko sa kaniya.

Inangat niya na ang baba niya at medyo bumuntong hininga siya. Umusili ang pang-ibabang labi niya na nagmumukhang maliit na pagnguso. I tapped his shoulder.

“Sumabay ka na sa service mo. Baka maiwan ka nila. Thanks for the offer,” saad ko saka tumalikod at naglakad na.

That’s not the first time and it will never be. And that’s how I normally talk to anyone. I guess I’m just really friendly that others would take it as flirting, huh?

Tuesday morning and it’s the same routine. Again, Luxen got my bag first than the others, and I talked to the others while walking up the stairs.

Pagkarating ko sa harap ng upuan ko, tumayo agad si Luxen at ibinaba niya ang bag ko mula sa balikat ko at mabilis niyang inilapag sa sahig. He sat on Iris’ chair again.

“Check your bag,” excited niyang sabi habang nakapangalumbaba na naman sa armchair ko.

Naitagilid ko ang ulo ko. Mabilis niyang naibaba ang backpack ko kanina. I don’t think he put something in there.

Inangat ko ang bag ko ng libro. Napabuntong hininga siya sa disappointment sa sarili niya.

“Ang talino,” nanghihinayang niyang sbai.

Napangiti ako roon. Hindi niya ako mauutakan.

There’s a small envelope origami inside. Isang rabbit na pink ang nakatayo sa isang puting snow flake. May googly eyes ang rabbit at isang tingin ay alam kong siya mismo ang gumawa nito.

Inangat ko ang origami para makuha ang atensyon niya pero kagaya kahapon, sa akin lang nakatuon ang pansin niya.

“Why is it a rabbit?” taka kong tanong.

Ngumiti siya ng malaki at mas lalo niyang sinakop ng kamay niya ang pisngi niya, “Para maalala mo ako. Mukha akong rabbit,” explain niya at inilabas niya ang ngiti niya gamit ang ngipin niya.

I didn’t smile back. Tiningnan ko lang ang malalim niyang brown na mata.

“You’re not a rabbit, Luxen. Nor do you look like one. I don’t see you as a rabbit,” seryoso kong sabi.

Napanguso siya pero agad ding napangiti. Namula ang maputi niyang leeg at tainga. He looks flushed red.

“Ang sweet,” kinikilig na kumento niya.

Napailing na lang ako sa kaniya. Inilabas ko ang Filipino book ko in expectation for the first subject. Inilabas ko rin ang white na big notebook ko para i-review ang notes na ginawa ko kahapon bilang pag-advance study.

Dinungaw ako ni Luxen pero mabilis na dumantay sa harap niya si Iris. Ngumiti siya kay Iris but I can sense the fakeness in his smile. I know that since I have given fake smiles before.

“Paupo. Doon ka muna sa upuan ko,” suggest niya at nilingon ang upuan niya sa malayong third row.

Napanagat ang mga kilay ko. I don’t get him. Ang alam ko ay may past sila ni Iris bago ako. The past two years are their realtionships hold, kahit hindi pa siya rito nag-aaral. I can’t believe he turned down Iris like that.

Nilingon ko rin ang upuan ni Luxen. Nagkumpulan ang mga kaklase kong lalaki roon at alam kong uncomfortable umupo roon ang isang babae. Lalo pa’t si Iris.

Iris is the only one I can almost call a friend in here. I don’t call anyone of my classmates my friends because for me, they are just acquiantances. I don’t want to be attached nor involved with them.

Padabog na ibinaba ni Iris ang mabigat na pink niyang bag. Marahas siyang bumuntong hininga bago taas noong hinarap si Luxen.

“Hindi na. Kay Caete na ako uupo,” halos galit na sagot niya bago tumulak paalis.

Akala ko paaalisin ni Iris si Luxen sa upuan niya dahil mukhang galit siya pero pinagbigyan niya pa rin ito. Nilingon ako ni Luxen ng may magandang ngiti at nag-iwas agad ako ng tingin.

An affair is not something I want to be involved with. I hope Luxen fixed his issues with Iris before entagling with me.

The class started. Hindi gaanong mahirap ang lesson namin ngayon sa Filipino dahil wala pang grammar. I recited a lot of times and I can see Luxen in my peripheral vision watching me everytime with amused and proud eyes. He would clap everytime I got a question right or if I give an information needed for the lesson.

Science time ang sunod ng Filipino namin at wala pang thirty minutes, namamataan ko ang pagbaling-baling ng ulo ni Luxen kung saan-saan. I leaned forward at dinungaw ko ang muka niya at nakitang tulog na siya. Dahil nakalapit ang katawan ko sa kaniya, isang baling ng ulo niya ay bumagsak ito sa balikat ko.

Ngumiti ako ng peke sa harapan. This boy--! Why is he sleeping in class?! The lesson is not even that boring! Species extinction lang!

Dinutdot ko ng kaliwang hintuturo ko ang noo niya palayo kaya bumagsak mula sa balikat ko. Tahimik na sinalo ng kanang kamay ko ang bumagsak niyang ulo. Sinundan ko ng tingin ang nag di-discuss sa harap at tahimik na ipinagdasal na hindi niya kami mapansin.

Bahagya ng nagising si Luxen kaya napaangat na ang ulo niya. Nagulantang ako nang tumingin sa amin ang teacher pero hindi ko ipinahalata iyon. I kept a straight face. Nang iiwas ng teacher ang tingin sa amin, siniko ko si Luxen at nagsulat ako sa libro ko.

‘Don’t sleep.’

Kinuha niya ang sariling ballpen niya at humarap siya sa libro ko. Sinundan ko ulit ng tingin ang teacher at siniko ko ulit siya dahil medyo malapit na siya masyado.

Bumalik siya sa pagkakaharap niya sa blackboard pero nakakuba pa rin ang likod niya, parang tamad na tamad makinig sa mga hayop at sa type of extinction events. Ibinaba ko ang tingin ng mata ko para mabasa ang isinulat niya.

‘Hindi ako natutulog’. Sulat niya sa isang magulong sulat panlalaki. Why is his penmanship this bad? Mas pangit pa ito kaysa sa sulat ko.

Hindi raw natutulog. Bumagsak na nga siya sa balikat ko!

Nilingon ko siya gamit ang mata ko pero nilingon niya ako gamit ang katawan niya. He smiled at me widely as if saying that he’s wide awake now. I only stared back at him.

Ako ulit ang sinabayan ni Luxen sa pagkain. Pakiramdam ko, na-e-enjoy ni Luxen ito dahil mukha siyang pinag-aagawan. Nagi-guilty ako sa mga kaibigan niya kasi sa akin nalapit si Luxen kada recess at lunch. But it feels okay to have someone to eat with. What’s not okay is when they stop and leave and I’m alone again. That’s why I don’t like unsure friends.

Even with a good Luxen, I still don’t feel anything for him more than a friend or a brother.

I just hope he knows that. I know that he knows my reputation, anyway.

I fell asleep after lunch. I feel so drained after the mathematics quiz earlier but I am sure of my answers. Well, I’ll say I’m not sure but I know that I answered all the problems with right formulas and solutions.

Akala ko aasarin ako ni Luxen dahil ako naman ang nakatulog matapos niyang makatulog kanina sa science. Pero hindi niya ako inasar o nginitian o tiningnan man lang ng mapangasar. I even woke up with him in my side, caressing and stroking my hair as he looked at me gently.

Tumuwid agad ako ng upo. Sinapo ko ang mukhang ko para mangapa kung may dumi sa mukha ko. Hindi ako masyadong nag-aayos sa school pero hindi rin naman ako papayag na magmukha akong dugyot.

“Good morning,” bati ni Luxen sa gilid ko.

Inaantok akong napangiti sa kaniya. Kumuba ako sa pagkakaupo at ang dalawang kamay ko ay na sa babang gitna ng hita ko habang inaantok akong nakangiti sa kaniya.

“Good mornoon,” I joked even with my sleepy throaty voice.

Yumuko siya sa pagkakaupo at may kinuha mula roon. Humikab ako kaya napuno ng luha ang mga mata ko. nakita ko ang pamilyar na hgugis ng tubigan ko kahit nanlalabo ang mga mata ko.

Idinikit ni Luxen ang stainless steel kong tubigan sa pisngi niya. Inilapit niya ang kamay niya sa pisngi ko at gamit ang hinlalaki niya, marahan niyang pinunasan ang gilid ng kanan kong mata para matanggal ang namuo kong luha roon. My vision immediately lost its blur.

“Inom ka ng tubig,” saad niya nang maibaba niya ang kamay niya mula sa mata ko.

Namangha ako sa ginawa niya sa mata ko. Inaantok akong napakurap ng mabagal at lalong napangiti sa kaniya.

“Ang galing. Paano mo nagawa iyon…” inaantok kong tanong sa kaniya.

Inangat ko ang dalawang kamay ko at nagkusot ako ng mata. Marahang ibinaba ni Luxen ang mga kamay kong marahas na kumukuskos sa mata ko kaya bumaba ang kamay namin sa armchair ko.

“Huwag mong ganunin. Hahapdi ang mata mo,” babala niya.

Miss Ci made a grand entrance kaya humiwalay ako kay Luxen.

“Saglit lang ako, Sanguine. Babalik ako,” paalam ni Luxen pagkarating ng afternoon recess.

Tumango lang ako sa kaniya. I’m not leaving the room because I need to study for a quiz in computer. Nakipag-apiran si Luxen sa mga lalaking nag-aabang sa akin sa labas kaya napangiti ako at kalauna’y napatawa.

“Sorry, p’re. Solo ko pa si Sanguine,” biro ni Luxen sa isa sa mga lalakig naghihintay sa akin sa labas.

Napatawa ako roon pero hindi na ako lumingon sa pintuan. Kilala ko ang boses ni Luxen kaya alam ko kung sino ang naririnig ko.

Hindi niya ako solo. Solo ako ng pag-aaral ko. Makikipagtitigan ako sa notes ko hanggang sa magustuhan niya ako at pumasok siya sa utak ko. I need you notes. Stay with me. Napatawa ako sa sariling naiisip.

“Kung ako sa iyo, Luxen, hindi ko iiwan yan kahit lunch pa,” rinig kong sabi ng hindi ko kilalang lalaki pero tingin ko’y si Laurence.

“Hindi ko naman siya iniiwan. Kasama niya ako kapag lunch at nagpaalam akong babalik din agad ngayon…” pag-inform ng boses ni Luxen hanggang sa humina na nang humina ang boses nila, hudyat na pababa na sila ng hagdan.

I continued reviewing my notes in my white big notebook. Key word at term na ang nakasulat sa notes ko kaya madali na dapat ito. Analyze, memorize, then review.

Sa recitation, kailangan ko ng explanation. Pero sa identification quiz, kailangan ko lang ang key word at term. Mas gusto ko ang magmemorize kaysa magsolve. I’m good at both but people think that I’m better in the latter. I liked the first one better. It will depend on my personal preference anyway. unless my mother wants me to do the later.

Tahimik na inilapag ng isang maputing kamay ang plastic ng sandamakmak na cheese stick sa desk ng armchair ko. I lifted my gaze to watch Luxen sit beside me.

He knows I like these. He knows I like cheese. He knows that I don’t want to be disturbed and I will not be disturbed when I’m studying and he respects that. What more does he know about me?

“Salamat,” pag-acknowledge at pag appreciate ko sa effort na ibinigay niya.

“Ako na ang gagawa ng assignments mo para hindi ka na mahirapan,” pag-suggest niya.

Lumingon ako sa kaniya ng may ngiting mapangasar. He knows I’m better than him with school dtuff.

“You know I can do that on my own,” may pangangasar na sabi ko sa kaniya.

“I can help you…” he offered, smiling, too.

Tinaasan ko siya ng kilay, “You know…” pag-hint ko pa sa kaniya.

Marahan siyang napatawa. He’s surrendering now, “Okay… okay. Alam ko namang mas magaling ka sa ating dalawa sa academics. You won’t need my help,” natatawa niyang sabi.

A woman can handle herself without a man. I can do what I’m good at without anyone’s help, especially if it’s a man.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at tahimik na siyang nanood habang nag aaral ako. Kumakain din siya ng sariling cheese sticks niya at ngumuya na lang ako sa sariling akin. I continued reviewing and memorizing my notes with him quietly, beside me.

I got a perfect score after the quiz. Luxen smiled at me and handed another white paper with my handwrites and some red ink. Sinilip ko kung ano iyon.

Agape Sanguine Laude. Grade 9-Bourgeoisie. Mathematics 9. Score: 20/20.

I smiled more as I examined my hard earned perfect mathematics quiz.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now