Fractum 2

415 9 0
                                    

Broken 2: Basketball

It was my first year of living when they decided to break up. Siguro, dahil sa kaarawan ko sila naghiwalay, kaya ako mismo, hindi gusto ang birthday ko. I don’t hate it, but I don’t like it either. Noon, akala ko ayaw ko lang kasi masyadong maraming plastic at peke ang bumabati sa akin. Sa social media, ang mga kakilala kong plastic, sobrang sweet bumati sa akin. Sa celebration ng birthday ko, ang mga matatanda ang namemeke sa akin.

Ngayong mas naiiisip ko, bakit kaya sinabi pa sa akin ng mga magulang ko na sa mismong first birthday ko sila naghiwalay? Was it to torture me? Sinasabi ba nilang dapat hindi na lang ako nabuhay sa mundo? Sinasabi ba nilang nagsisisi sila na dumating ako, sa pamaamagitan ng pagsasabing sa mismong first birthday ko sila naghiwalay? Pwede namang hindi nila sabihin, lalo na’t wala pa akong isip noon. Bakit sinabi pa nila?

If it was to torture me, it isn’t working. Kahit anong overthink ko, hindi ako naiiyak kapag naiisip kong naghiwalay ang mga magulang ko. Since I am optimistic, I think it’s more of a blessing. Kapag pamilya ang lesson, umiiyak ang mga kaklase kong broken family rin. Pero ako, hindi. I keep a strong face. Others ask me how I do it, but it’s all natural for me. Thoughts of my broken family does not make me cry at all.

Minsan naiisip ko, naisip man lang ba nila na kailangan ko ang parehas na magulang sa paglaki ko? Siguro naisip nila, pero hindi ganoon kalakas ang naging hatak at pinili pa rin nilang umalis sa isa’t isa. Kulang ako, kaya hindi nila piniling magsama, kahit para sa akin man lang. Naisip nila ako, pero kinulang ako. Kulang ang pagmamahal nila sa akin. O kung minahal man lang ba nila ako? Kasi hindi naman ako naniniwala sa pagmamahal sa kahit ano.

“Siguro naisip nila ako,” pampalubag loob ko sa sarili ko.

Kahit alam kong hindi ako naniniwala sa pag-ibig, alam kong hindi rin ako naniniwala sa hatred. Dahil kung galit ako, bakit hindi ngayon? Kung galit ako, bakit hollow lang ang pakiramdam ko?

Hate is strong but love is stronger, they say. Kung mas malakas ang pag-ibig, bakit mas nagtatagal ang galit kaysa sa pagmamahal? Because love is not real. It’s not true. It will never be true. Pigs don’t fly. Love is not real.

Mature raw ako, physically and mentally, for my age of twelve years old. I have a mature façade, that is. I don’t speak my mind. I don’t let them see what’s inside me. If they can enter my mind, they’ll propably know and understand me. But since they can’t, they don’t know me.

My outer look is not me and my mind. It’s my strong and mature façade. I qualify for a sweet, nice, and good social butterfly. But if they see my mind, I might qualify for a psychiatric hospital. That’s not a good thing so I keep that inside of me.

Summer. I’m finally in my hometown, Batangas.

I always liked the city life, not this. I mostly think of girly things and dreams. I want to be a model, a beauty queen, and an idol. It’s the normal girly thoughts. But just last year, grade 6, when we started having lessons about it, for the first time, I wanted something else. For the first time… I wanted to be a doctor.

Niligpit ko ang makalat na damit ko at inilagay sa racket. Inilagay ko ang liptint, powerbank ni AJ, earphone, suklay, salamin, at wallet sa maliit na green na shoulder bag ko.

We’re going out to watch basketball. Kung sa Cavite ay nakakulong ako mag-isa at kahit sa umaga’y hindi makalabas, dito sa Batangas, malaya akong nakakagala kasama ang pamilya ko.

“J! AJ! Alexandra Jane!” malakas na sigaw ko dahil na sa kusina yata ang babaeng iyon.

Nakain na naman!

“Bakit ga,” bored na sagot niya, papalapit na.

“Hindi ka magpapalit? Iyan na ang suot mo?” tanong ko nang makita ko siya.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now