Fractum 24

123 1 0
                                    

Broken 24: Birthday

The hell of an exam week is now finished. Nakahinga ako ng maluwag matapos ang isang linggong pagkakagulo ng buhay ko at sobrang puyat.

My normal days are never the same. Saturday na at may pasok si Mama. I’m left alone in her house as I stare at my phone. Hindi ko binuksan man lang. Noong ibinalik sa akin ay nakabukas ang data at pinatay ko lang. hindi ko na binuksan ang social media accounts ko.

My life is never the same. Kada uwi ni Mama ay kung hindi niya ako binubungangaan, cold treatment naman. Nananahimik lang ako madalas pero malamang sa kaniya ay bastos ang nagiging labas ko.

Ang mga social media accounts ko ay iniisip ko kung bubuksan ko pa ba o hindi. I think chrome will be a good thing if I don’t want to be seen online.

Frequent ang practices namin dahil next week na ang foundation day. Kasunod noon ay Christmas party. Hectic, but less hectic than having regular classes and exams. For the next whole week, practice days lang. I am one of the lead majorettes chosen by the school principal. Kada practice, hindi ako nagpapaalam kay Mama. Takas. Walang paalam. Sariling gastos.

Mabilis ang mga naging araw. Wala akong probelma sa practices dahil mabilis akong nakakasunod sa steps. Thanks to the Laude blood. Malambot ang katawan. Lahi.

Before I knew it, December 16 na. I’ll deactivate later. Ayoko nang makakita ng mga bating kaplastikan bukas. I hate my birthday. I don’t need to be alive. I didn’t. I will never.

It’s a Friday afternoon. Kanina nangyari ang Christmas party namin. Wala namang nangyari masyado.

Panaka-naka ang tingin ko sa dining table na tanaw ko mula sa pinto ng kwarto ko. I’m watching a movie in my laptop.

Himala at naghahanda si Mama. Nakakapagtaka. She won’t do that for nothing. What is she up to…

Iniwas ko ang tingin ko nang gumalaw siya. Mukha siyang gumagawa ng graham cake at spaghetti. Naalala kong nag-uwi siya ng ice cream. Bukas ay may pasok siya kaya mag-isa pa rin ako sa birthday ko. It’s the same every year. Minsan kahit linggo ang birthday ko, ramdam ko pa ring wala lang din iyon.

My birthday is nothing to me. Paano naman magiging importante iyon sa akin kung hindi naman ako gusto ng magulang ko na mabuhay, at naghiwalay sila noong unang taon ko ng pagkabuhay.

I stopped crying eversince that first day of exam. Kahit sinabi ko sa sarili ko na ihahagulgol ko lahat pagkatapos ng exams, hindi na ako naluha man lang noon. Siguro dahil na rin sa pagod.

Noong mabilis kong naalala lahat mula pagkabata ko, naging madalang na ng madalang ang pag ooverthink ko. sa dami ba naman ng nangyayari sa buhay ko, wala na akong oras para makapag isip maliban na lang sa mga kailangan kong sabihin.

Nagpost ako ng pictures ko noong foundation day. The majorettes costume is not that flashy. Papasang panggala ko lang ang suot naming highwaist denim shorts at foundation t-shirt. Binawi na lang namin sa high knee boots at headdress.

May napansin ako. Noon, lagi ko tina-tag kay Mama ang posts ko at kahit hindi ko tina-tag si Mama, lagi siya nagco-comment. Ngayong wala siya at binlock niya ako, napansin kong hindi na nag-comment o nag-like man lang na katrabaho ni Mama.

Na-frustrate ako noong una. Ang usual three hundred plus likes ng isang post ko ay naging seventy plus na lang. I realized that whoever are those included in the seventy plus are the only ones that are real to me.

Galit na galit pa si Mama noon. Kung may load daw ba ako at nakapag-post ako. Hindi naman kailangan ng load para makapag-post. At ano naman kung may load ako? Pera ko na iyon na ipon kong hindi ko man lang nagalaw buong buhay ko.

Mataas ang rank ni Mama sa trabaho niya. I really realized it. Napagtanto ko rin na ang mga nagungutang kay Mama ay sa akin nagpapapansin para makagood shot kay Mama at ngayong wala kami sa maayos na estado ni Mama, nawala ang mga papansin sa akin sa isang iglap.

Ganoon ang nagagawa ng kapangyarihan, huh? People will kneel and beg for a chance.

Now I really see the greed. Nakuha na agad ng Mama ko ang simpatya ng lahat ng tao. I only have Luxen with me and a few boy friends while my mother has the whole world with her.

Tears are not a weapon. Bukod sa ganda, luha na ang ginagamit ni Mama. Sa isang iglap, naaawa na lahat sa kaniya. She goes around and report to people that I always make her cry. Hindi naman totoo. The fake issue makes her cry. It’s fake but she believes it. Siya lang rin ang guamagawa ng iakakagalit niya.

Hintayin ko na lang na magpasko. Malamang may mas ibubuga pa ang sinasabing pamilya ko pagdating sa nangyaring issue ko.

I picked my phone up. Dine-activate ko ang Facebook bago ini-uninstall. I can’t unblock people who my mother blocked using my account. I don’t think Luxen will hate me for blocking him since it was not me. I uninstalled messenger, too. Wala na akong gagawin diyan. Dinelete ko ang Twitter at Instagram. Youtube na lang ang natira.

Napabuntong hininga ako. Goodbye, social media life.

Now, what’s up with her making food for my so called birthday? She looks to tame today. Kahapon ay nagbuga siya ng apoy. Imposibleng naupos agad ang apoy na iyon. She really won’t do this for nothing.

I don’t believe it’s just for my birthday. I wil never believe that. I need a reason. Kahit unreasonable, just her reason. I’ll investigate. But I won’t ask her directly.

“Anak, mag-ayos ka. Mag-picture tayo…” malambot niyang sabi.

Dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko ang bag ko ng makeup at inilabas ang concealer, liptint, at eyelash curler. Lumabas ako papunta sa sala dahil naroon ang nag iisang malaking salamin sa buong bahay.

Hindi matigil ang pag iisip ko habang nag-aayos. Pinahiran ko ng kaunting concealer ang eyebags ko bago blinend iyon gamit ang kanang ring finger ko. Hindi malakas ang pwersa ng mga ring finger kaya tama lang sa marahang pagpahid sa eyebags ko.

Picture? Para sa memories, o para sa social media? I doubt that it’s for the memories.

I faked every smile. I smiled so much that for others it will look like I’m so happy but for others it will really seem fake.

I woke up late on Decemeber 17. Walang kwenta ang araw na ito. Eleven AM na. Kanina pa tumatawag si Papa pero nakakaligtaan ko lang.

I checked my phone. Dalawang tao ang nag-text sa akin. Dalawa lang talaga dahil hindi ko naman pwedeng ipamigay ang number ko.

Inuna kong buksan ang mas maraming message.

Mama:

Ndi k masearch sa fb! Anong ginawa mo sa account mo!
Ndi raw sila makabati sa iyo ano b ginawa mo sa fb mo ayusin mo at ndi k nila mabati!
Puro doon n nmn ang bati sa post ko

Nakagat ko ang dila ko sa nagbaabdyang iritasyon. Ang sugat ng dila ko ay hindi mahilom hilom dahil araw-araw ko pa ring kailangang kagatin ang kawawang dila na ito.

This is the hidden agenda. For Facebook. Dahil nakuha na niya ang kinakailangan niyang pictures ko, galit na naman siya ngayon.

I can hear her angry screams even in just her messages. Hindi capslock pero may exclamation point kaya damang-dama pa rin ang sigaw at galit.

She was so sweet yesterday. Mabuti na lang at hindi ako umasa sa biglaan niyang pagbuti kaya hindi na ako nasaktan at nagulat man lang na balik apoy na naman siya ngayon.

I opened the second message. Iisa lang.

Papi:

Happy bday anak! Hndi k sumasag0t sa tawag q?

Napangiti ako ng kaunti kahit wala sa sarili. Nag-vibrate ang cellphone ko at tumingala muna ako bago sinagot iyon. Akala ko nakalimutan na ni Papa ang birthday ko. Not that it’s a big deal. But it’s different with Papa. Everything I’d different when it comes to Papa.

It was a short call. Unang sentence na sinabi sa akin ni Papa ay ang pagbati niya. Mabilis ring natapos dahil may gagawin yata sila.

I deactivated my account. Ayoko sanang buksan iyon hanggang bukas pero sa text pa lang ay nagbubunganga na si Mama at nabanggit din ni Papa kanina ay bubuksan ko na lang ulit ang Facebook ko Mamaya. Ila-log-out ko rin agad. I’m not expecting any greeting from anyone. Paninindigan ko ang kawalan ko ng pakialam sa sarili kong birthday.

I chilled the whole afternoon. Dapat araw-araw daw akong naglalaba pero ipinagpapaliban ko muna iyon ngayong araw. Total ay buong linggo na rin akong laba ng laba kahit pa noong kakauwi ko lang pagkatapos mag-majorette, naglaba agad ako. Wala rin naman akong lalabhan na damit ko, damit lang ni Mama.

Hindi na rin ako kumain kagaya ng nakagawian ko. Noong huli, hindi ako nakain dahil baka manaba ako at magmukhang panget sa pagme-majorette. First time ko kasi kaya nahihiya akong magmukhang tanga. Ngayon, natuloy-tuloy ko na lang.

I slept half of the day. Nakakapangsisi. Sana pala sa hapon na lang ako natulog pagkarating ni Mama.

Isang oras bago dumating si Mama ay naligo ako. Hindi pa ako nakakapagbihis ay binuksan ko na ang accounts ko. Kaka-install ko lang ng mga apps.

It’s a normal day. Hindi rin ako bombarded ng notifications dahil hindi naman ako kilala. Tsaka wala kong mga babaeng kaibigan. Puro lalaki. Puro mga binlock ni Mama. Kung may babati man sa akin, peke lang rin.

Konting scroll ay bumungad agad sa akin ang mahabang post ni Mama. Na sa unahan ang happy birthday. It’s a lenghthy post. Sandamakmak ang words. Sa dulo ay may ‘iloveyou’ pa.

I dont believe this. I can’t believe this.

Ang sweet sa post. Parang hindi nakapagsalita ng masakit na salita. Wala ring sorry.

Hindi ko na binasa ang buong post. Nakita ko na rin ang mga pictures. Hindi ako naka-tag kaya kalmado ang notifications ko.

Napapakurap ako. Sumisigaw sa utak ko ang boses at mura sa akin ng Mama ko. Sumisingit ang sweet niyang post.

Still the same like always? Just for show. Mukhang masayang pamilya—este mag-ina sa social media. Sweet. Ang sweet talaga. Sa social media nga lang.

Sa personal? Kapag kami lang dalawa? Napatawa ako ng mapait sa sarili ko.

Hindi niya ba talaga kayang magpakatotoo? Hindi kami maayos. Galit siya sa akin dahil sa fake issue. Sigurado akong galit din yan mamaya pagkauwi niya.

Tapos sa Facebook? Happy mother-daughter?

I love you raw? Hindi ko narinig iyan kahit kailan sa personal pero nakikita ko ngayon sa isang post na public sa social media. Bakit hindi na lang niya sa akin mismo sabihin? I don’t need the publicity if in private we’re not in good terms.

Hindi lahat ng nakikita sa Facebook totoo. Kagaya sa mga relasyon. Kung sino pa ang post nang post ng masasayang pictures nila, iyon pa ang tunay na magkakaaway sa totoong buhay. Social media is another façade, but it’s not for the better.

Kagaya sa aming mag-ina, ang sweet sa social media. Sa totoong buhay, kapag kami lang dalawa, mas marami pang beses kaming magkagulo kaysa magkaayos.

Happy family, ‘no? Sa social media lang.

I hate it. I hate my birthday more. It’s so fake! Nasasaktan akong peke lang ang ipinapakita niya!

Bakit sa ibang tao niya palagi ipinapakita? Bakit hindi sa akin lang?

Kapag nasa publiko kami, ang bait niya sa akin. Kapag kaming dalwa lang, oras-oras na akong minumura at sinisigawan.

She really looks like a good mother. With money beauty and power, she looks so good of a mother. To others.

To me? for me? It’s all fake. As fake as the issue with Luxen. I have seen it. Kung paano niya pinlastik ang nga katrabaho niya at kaklase ko, at ipaparangal niya sa aking pakikisama lang iyon. Ang kabaitan ng mga salita niya kapag kaharap anf isang tao, at kapag nakatalikod na ay sinasabihan na niya ng masama. Ang mabuting pakikitungo niya sa kain sa publiko, pero ang pagmumura niya sa akin sa pribado.

In the future, I don’t care if I look like the worst mother in public as long as my daughter thinks of me as a good mother. I won’t care about other people’s opinion and I will only care about my daughter and husband.

I don’t like the public life anymore. Kung ganito lang rin pala, ayaw ko na. I’ll choose the lowkey life over this.

Kumalabog ang gate. Na sa gate pa lang siya ay rnig ko na ang boses niya habang ginagalaw ang washing machine sa terrace.

“Palibhasa birthday mo, hindi ka na naglaba?!” palaging nanggagalaiting boses niya.

Sana pala naglaba na lang ako. I should have disregarded my birthday so much more. Sana pala naglaba ako ngayon kahit birthday ko.

“Ang account mo! Kung ano-anong ginagawa mo sa account mo at hindi ka na ma-search at ma-tag!” siga wniya agad pagkapasok.

Tahimik lang ako kagaya ng nakagawian ko na magmula pa noong issue. I unblocked all my boy friends as a gift for myself and them. Inin-ignore messages ko muna para kung i-check ni Mama ang cellphone ko, hindi makikita ang chats nila. Mabilis kong dinelete ang application at nag-install ng bago. I logged out my Facebook account.

“Hindi kita ma-tag! Puro ka kalokohan! Kapag sa lalaki mo, hala, sige ka, sa akin ganito ka! Bwisit!” sigaw-sigaw niya.

Naungkat na naamna ng issue.

She unblocked me for this. Wow. Para ipakita sa mundong maayos kami kahit hindi naman talaga? Kung maayos kami, bakit ganito siya ngayon?

Of course, hindi niya ako mata-tag! She should have known! She should have expected that! Binlock niya ako sa Facebook. In-unblock niya. Natural lang na hindi na kami friends!

This is so frustrating! Bakit ba sa akin na lang lahat ng sisi?!

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now