Fractum 12

134 3 0
                                    

Broken 12: Cavite City

Naalimpunagtan ako sa bigat na nararamdaman at sa mapanakit na sinag ng araw. Itinulak ko ang kung ano mang nagpaparamdam sa akin ng kabigatan.

Umungot ako sa iritasyon. Nagtaklob ako ng manipis na kumot para malabanan ang sinag ng araw pero wala iyong natulong. Marahas kong tinanggal ang kumot sa ulo ko at ininangat ko ang sarili ko para makaupo. Inaantok akong luminga sa paligid at nakita ko si Alexandra sa gilid.

“Hoy. Anong ginagawa mo dito…” inaantok kong tanong sa kaniya.

Nakadapa siya kaya humiga ako sa pwet niya. Ginalaw niya ang pwet niya para paalisin ako pero bumaling lamang ako ng mukha.

Naalimpungatan ulit ako sa ingay ng mga nagsisigawang mga batang tinatawag ang pangalan ko. Wala na si AJ sa tabi ko. Inaantok kong nilingon ang pinto at sumilip si Everette. Sumunod si Amity at AJ sa kaniya at tumapat sa paa ko. Napairit ako nang bigla nilang hilahin ang mga paa ko. What the—

“Ate Sawin, kakain na!” tawag ni Everette sa akin.

“Ayeee. Ayeee Sawin,” tawag pa ni Amity.

Mahina kong isinipa ang mga paa ko. Nagtawanan ang mga bata at nagulat lalo ako ng hilahin ng isang malaking kamay ang paa ko!

Napaupo ka agad ako. Tinawanan ako ng mga bata. Kinusot ko na lang ang mga mata ko at hinagod ang buhok ko.

Nagtakbuhan palabas ang mga bata kaya tumayo na ako. Pumasok ako sa CR ng kwarto at naglagay ng toothpaste sa toothbrush. Nilingon ko si Alexandra na nag-stay sa kwarto. Inangat ko ang tingin ko mula sa ulo niya pababa.

“Nangitim ka,” kumento ko.

Nilingon niya ako. Kumurap siya sa akin ng isang beses.

“Maitim naman talaga ako,” sagot niya saka iniwas ang tingin sa akin.

“Nangitim ka lalo,” pabalang na dagdag ko.

Nilingon niya ako at natawa siya. Napangiti ako at sinimulan ko nang magsipilyo.

“Hindi ka talaga natatalo sa sagutan,” natatawang saad niya.

Wala kaming pinaggalaan buong araw. Tumambay lang kami kina Celeste at nagkwento si Alexandra na sa Cavite raw sila pumunta at nag-swimming sila kaya natutong ang balat niya.

Kinagabihan wala rin kaming ginagawa. Maaga pa at kakababa lang ng araw pero nagkayayaan kaming pumunta sa tambayan namin sa may hagdan pababa sa daanan. Nagdala si Alexandra ng unan. Ako naman ay pinasunod ko ang kuting ko na pinangalanan kong ‘bebe’.

Tahimik sana ang paligid kung hindi ko lang naririnig ang iritan ni Abyss at Amity sa loob ng bahay nila. siguro kung nabuhay ang kakambal ni Aby na si Alli, mas maingay silang tatlo ngayon. Napabuntong hininga ako sa pag-iisip sa batang kapamilya na yumao na.

Nagkwentuhan lang kami ni Alexandra. Nag-play ako ng mga kanta kaya maingay naming sinasabayan iyon. Kapag may nadaan na tao sa gilid namin, natatahimik kami at nagtatawanan na lang sa kahihiyan. Alas nuebe yata nang may tumigil na pamilyar na motor sa harap lang ng hagdan.

Bumaba si Clarkson mula roon kaya nagkatinginan kami ni Alexandra. Nakatingin siya sa akin at mukhang nagtatanong kaya nagkibit balikat na lang ako. Umakyat si Clarkson sa kaunting hagdan at nang na sa huli nang baitang paakyat, humarap siya sa akin.

“Mag-usap tayo saglit,” yaya niya.

Ibig sabihin niya, kami lang dalawa. What’s there to talk for? Sabi niya, hindi na niya ako kukulitin. Isang araw pa lang, ah. Hindi na nakatiis?

Tiningnan ko si Alexandra. Na sa cellphone na ang atensyon niya kaya tinapik ko ang paa niyang nakaangat sa kinauupuan namin.

“Pasok ka muna sa kwarto. Susunod na lang ako,” saad ko sa kaniya.

Nilipat niya ang tingin niya mula sa akin papunta kay Clarkson. Tumayo na rin naman siya at tahimik na naglakad papunta sa bahay.

Inangat ni Clarkson ang sarili niya para makaupo sa madalas niyang pag-upuan, sa malayong tabi ko. Tahimik lang siya at ako ay nakatingin lang sa harap.

Mag-uusap daw? Hindi naman siya nagsasalita.

“Siguro kaya hindi mo ako pinagbibigyan kasi takot kang magmahal at magaya sa magulang mo,” bigla niyang sabi sa gitna ng katahimikan.

What? No. Ni hindi ko nga madalas naiisip ang estado ng mga magulang ko, iyan pa kaya ang maisip ko?

Kung makapagsalita itong si Clarkson, akala mo kilala ako buong buhay ko.

At… Paano niya nalaman ang background ng pamilya ko? I don’t remember telling that to him. I don’t remember any posts in Facebook saying that I have a broken family. Where did he get the information? How did he seek the knowledge about my private life?

And what? Takot magmahal? Ni hindi nga ako naniniwala sa pag-ibig, iyan pa kaya ang katakutan ko. What’s there to be scared for? Someone like me who doesn’t believe in love has nothing to be afraid of.

This piece of shit really wants to get into my nereves.

Is this what boys who know my family background think of? They are that imaginative and desperate?

“Huwag kang mag-alala. Hindi kita igagaya sa mga magulang mo,” seryoso niyang saad.

Halos mapatawa ako sa kawalan. Hindi ba’t mag-e-eighteen pa lang siya? Wala ba siyang pangarap sa buhay niya at buhay asawa na agad ang iniisip niya? Iyon ba ang pangarap niya? Ang magpakasal at mag-asawa na agad pagka-eighteen niya? That’s more of a turn-off.

At kung hindi niya ako igagaya sa mga magulang ko, ano itong ginagawa niya? My mother was nineteen when she had me! He thinks I want that?

“Iingatan kita, at hindi kita papabayaan,” halos sumpa niya.

What is he thinking of? That I’d give him a chance because he thinks he knows my reason? It’s a reason, but it’s not mine. If he will say that it’s mine, it’s not true.

I didn’t even bother fighting for myself. I’ll let him think what he wants to think. Again, I’ll let him be. Magpakalunod siya sa kasinungalingang siya mismo ang gumawa.

I can’t help but think of boys like him... Boys will go this far to dig for information about me? Boys around me think that I’m afraid of my parents’ unfortunate path? Then again, boys are this desperate to fish about information about me?

Why me, of all people? They like me because I’m not easy? Because I’m a challenge?

Well, if I’m a challenge, men can’t handle me.

Ito ba talaga ang tingin sa akin ng mga lalaki? Na takot akong magmahal dahil sa nangyari sa pamilya ko?

I did not even think of that. What the hell? This is why men are pieces of shits.

Hindi ako ganoon kahina. At kung ganoon ako kahina, hinding hindi ko ipapakita iyon sa kanila.

Akala yata ng mga kalalakihan, sobrang hina naming mga babae. Think again, boys. We might be stronger than how you will ever be.

“Kailan ka uuwi sa Cavite?” tanong niya.

Napalingon ako sa kaniya. Sa hindi halatang paraan, sinuri ko siya habang nakatingin siya sa akin. Iniwas ko rin agad ang tingin ko mula sa kaniya, papunta sa walang hanggang kawalan.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. I don’t want him to know when I’ll come back to Cavite. He does not need to know that, anyway.

Anong gagawin niya kung alam niya? Hindi niya ako masusundan sa Cavite. Kaya hindi niya kailangang malaman kung kailan ako babalik doon.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko pa rin siya sinagot o nilingon man lang.

“Ingat ka. Mahihintay ako… kaya balikan mo ako,” saad niya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Walang ekspresyon ang itsura kong tinitingnan siya.

“Hindi kita babalikan. Kasi sa una pa lang, wala naman akong iniwan,” seryosong sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya. That’s new.

But that’s wrong, too. You got me wrong again, Clarkson.

“Wala akong iiwan kasi sa una pa lang wala naman akong pinanatilihan,” dagdag ko sa sagot ko.

Unti-unting bumagsak ang ngiti niya at naiwan ang labi niyang bahagyang nakabuka. Napapikit siya ng mariin.

That’s right. I have no one to come back for because I did not leave anyone. I didn’t leave because in the first place, I didn’t stay. Tinagalog ko para sa kaniya kasi napansin kong hindi siya nag-i-ingles, hindi kagaya sa mga tipo kong mga lalaki.

Tumayo na ako. Naimulat na niya ang mga mata niya at tiningala niya ako. Bumagsak sa paa ko ang kuting at humaplos siya roon.

I smiled fakely at Travis Clarkson who is in front of me right now, his expressive and soulful eyes looking sad, hurt, and weary.

“May sasabihin ka pa ba?” nakangiting tanong ko sa kaniya.

Napakurap-kurap siya. NagMamadali siyang tumayo kaya kinuha ko iyon bilang sagot niya na wala na siyang sasabihin. Tinalikuran ko na siya at naglakad sa lupang may iilang damo pabalik sa bahay namin.

“Mali ang pagkakaintindi mo sa akin,” sabi niya bigla.

Muntik na akong mapatigil sa paglalakad pero pinigilan ko ang pagtigil ng lakad ko. Dumiretso pa rin ako sa paglalakad pabalik sa malaking bahay kahit isinisigaw na niya sa likod ko ang pangalan ko.

Wala akong magagawa kung na-misunderstood ko siya. I never wanted to understand him, anyway.

It’s cruel, I know. But this is how I protect myself.

This must be the first time I felt sad of leaving this place. Dalawang buwan akong namalagi rito at napamahal na ako sa pamilya ko rito. I was always with them in my past days. I joke around and smile with them. Sa Cavite, ni wala akong nakakausap. I felt genuinely happy here.

It’s early in the morning and we need to leave now. Naka-motor lang kami at nagkusa akong mangapitbahay sa bahay ng mga pamilya ko para mamaalam.

“Aby! Abyss,” tawag ko sa bahay nila.

Napangiti ako nang nagtatatakbong sumalubong sa akin si Amity. Lumuhod ako kahit sikip sa akin ang pantalon ko.

“Hi, Ami. Aalis na si Ate,” pagtukoy ko sa sarili ko.

Naitaas niya ang kilay niya. Tumawa siya sa akin kaya malungkot akong napangiti.

This is the innocence of a child. When did I last felt that.

“Aayes?” bulol niyang tanong sa aalis.

Tumango ako, “Oo, Ami. Aalis si Ate. Matagal babalik,” nakangiti kong babala sa kaniya.

Bigla siyang yumakap ng mahigpit sa leeg ko kaya nagulat ako. Nang makabawi ay napatawa ako ng marahan at hinaplos ko ang maliit niyang likod.

Humiwalay si Amity sa akin at seryosong tinitigan ako pero yumakap ulit pabalik sa akin. Napatawa ulit ako ng marahan at binuhat na lang siya. Tumawa siya mula sa likod ko.

“Si Ate Aby mo?” tanong ko nang humiwalay sa akin si Amity.

“Bakeeet,” sigaw ni Abyss mula sa kwarto nila.

Naglakad ako papunta roon. Lumuhod ako sa matress nila sa sahig at idinagan si Amity kay Abyss. Umangal si Abyss kaya napatawa ako ng marahan. Nang makita niya ako, nahalata ko ang pagpansin niya sa suot kong pantalon, at malaking jacket.

“May pupuntahan ka, Ate?” mukhang naguguluhang tanong niya.

Pinindot ko ang ilong niya. Umangal siya kaya napangiti ako.

“Uuwi na ako sa Cavite,” sagot ko.

Nakita ko ang pagbagsak ng ekspresyon niya. Mahina akong napatawa at ginulo ko ang buhok niya. Hindi na siya umangal ngayon.

“Kailan ang balik mo, Ate?” sunod niyang tanong.

Napanguso ako, nag-iisip. Ngumiti ako sa kaniya nang mapagtanto ang sagot ko.

“Sembreak? O sa pasko na ulit,” sagot ko.

Umangat ang pang-ibabang labi ni Abyss. Dumantay si Amity sa hita ko kaya buhok naman niya ang ginulo ko.

“Miss mo na ako agad, ‘no?” biro ko pa kay Abyss.

“Kiss! Kiss!” Amity cahnted.

Pilit niya akong ibinababa sa kaniya para maabot ang labi ko kaya tumungo ako. She gave me a soft peck on my lips and smiled cutely at me.

Kina Celeste ako pumunta matappos kina Abyss. It was short because they said they’ll go to the house after they wash the dishes. I doubt I’ll still be here when they finish their bunch of plates.

“Ate Sanguine! Ingat ka! Mami-miss kita!” sigaw ng matinis na boses ni Jainez mula sa likod ng bahay nila kung saan sila naghuhugas ng plato.

“Ingat, Sanguine! Baka madapa ang tanga!” pabirong sigaw naman ni Celeste sa akin.

Napangiti ako sa sinabi nila. Tuluyan na akong lumabas sa pinto nila. Wala ang mga nakatatanda nilang kapatid at magulang nila kaya sila lang roon. Kumaway ako sa mga alagang aso nila na nakakakilala sa akin.

Yumakap agad ako kay Alexandra pagkabalik ko sa bahay. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko.

I really feel sad. Dati naman, daalwang linggo lang ako rito kaya hindi ako nakakaramdam ng attachment. Ngayon ramdam ko nang mamimiss ko sila. I grew more with my cousins.

Ibinaba ko agad ang mga bagahe ko nang marating ang kwarto ko dito sa bahay namin sa Cavite. Sinaksak ko ang wall fan at sumalampak ako ng higa sa single bed ko.

Napapikit ako nang makaramdam ng pangungulila at pagod. I miss the Laudes already.

Finally, I’m back home. But… is this really my home?

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن