Fractum 41

162 4 0
                                    

Broken 41: Internship

His skin keeps getting darker and darker. I don’t remember him being this dark or even like how moreno was when we met again after a decade. Madalas ay pagkagaling niya sa long flights niya, mas brown na siya kaysa noong bago siya umalis.

It’s the only anomaly. I can believe his words half for now and I’d only notice his movements every now and then. Ito lang talaga ang nakikita ko sa ngayon na sinadya niya. He’s never this tan even when it was summer back in highschool. He’s normally the paper soft white.

Napatawa siya ng isang beses sa hangin at agad na napalitan iyon ng malakas niyang pagtawa. Napatingala siya habang hawak hawak na niya ngayon ang magkabilang baywang ko.

I did not bother wiping off my tears. Numormal na ang hininga ko habang pinapanood ko ang pagtawa niya. I sniffed once and smiled softly while watching him laugh. Nang ibaba niya ang tingin niya sa akin, may halong pagkamangha at tuwa sa itim niyang mga mata.

“I thought you didn’t notice that,” he commented.

Halos mapatili ako nang iangat niya ako ng kaunti at dalhin paupo sa kama ng kwarto niya. He pulled me up easily and swiftly from the floor using his hands on my waist. Napayakap ako ng bahagya sa kaniya at napakapit ako sa braso niya nang magpatianod ako sa kaniya paupo.

Tumatawa pa siya ng marahan nang idausdos niya ang sarili niya sa akin para sa isang yakap. Hinampas ko nang mahina ang likod niya pero kalaunan ay napangiti rin.

I slept so soundly and peacefully that night with me in his arms. Hindi ako puyat at magaan akong nakatulog kagabi. I remember myself smiling before I slept peacefully in Clarkson’s arms last night.

Naalimpungatan ako sa kung anong malambot na humahaplos sa pisngi at ilong ko. Nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko, nakita ko si Clarkson na napangiti at ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa mukha ko. He gave me soft and feathery kisses to wake me up and even now that I’m awake, he kept on giving me more of those.

Nang ipikit ko ulit ang mga mata ko sa antok ay narinig ko na ang marahang pagtawa ni Clarkson. He gave me a light peck on my lips but I swiftly glided my hands on his nape to pull him for a deeper kiss. Natawa ako nang maghiwalay ang mga labi namin at bahagya siyang hiningal.

Magkasabay kaming lumabas sa kwarto niya. Nailibot ko aagd ang tingin sa labas dahil nakapag-ayos na ako ng sarili at attentive na ako ngayon.

I saw the cool colors of his house’s interiors playing with the shades of gray black and white. The white looks calming but it opposes to the black and gray shades of the house, making it look something what men would mostly like.

Nilingon ko ang malaking picture sa harap ng malawak na staircase. It’s a picture of him wearing his full Captain’s uniform but only showing up to his lower abdomen.

Nakatagilid siya ng bahagya at seryoso siya sa malaking litrato. His jaw is angled a bit, showing the hardness in it. He’s not even holding on to his pilot’s hat and yet he looks effortlessly hardly handsome.

Mukha siyang arogante sa litrato pero nakikita ko sa mga mata niya ang pagiging expressive kahit sa litrato lang. Ang makapal niyang kilay ay bahagyang nakakunot at ang isang kilay niya ay nakaangat ng kaunti, na parang sinasabi sa kung sinong titingin na wala siyang karapatang tingnan ang litrato ni Clarkson at kahiya-hiya siya at kainsu-insulto.

Natawa ako ng marahan at humawak sa railing ng malawak na staircase at nakangiti ko nang tinalikuran ang gwapong litrato niya.

“The Captain does not take his duty seriously…” pangangasar ko sa kaniya.

Ang laki ng litrato niya sa bahay niyang nagsusumigaw na kapitan siya ng mga eroplano pero madalas naman siyang wala sa flight at nasa tabi ko.

Mabibigat ang mapaglarong lakad ko pababa sa hagdan. Nahihigit ko siya dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Our hands swing together everytime I sway mine.

“I take my duty seriously, sweetheart. I just know that you’ll need me to accompany you on your big day yesterday. You’re a more important duty of mine,” he said, a bit serious.

Itinulak ko ang magkahugpong naming kamay sa leeg niya. Iritado niya akong nilingon pero may bahid naman ng ngiti ang labi niya.

“Nagbibiro lang!” natatawa kong sabi at hinila ko siya palapit sa akin.

Mula sa mabagal kong paglalakad ay tumakbo ako pababa kaya nahigit ko rin siya sa mabilis na pagbaba. Humalakhak ako habang hinihila siya. Napakamot ako sa ulo ko pagkababa sa hagdan dahil hindi ko pala alam kung saan ang kitchen.

Nakangiti siya habang umiiling na hinila ako papunta sa dining room. May nakahanda nang pagkain doon. This is why he woke me up. Nakapagluto na siya.

It’s the normal breakfast food. Sobrang dami nga lang at parang limang tao ang kakain. The fried rice smells good.

Ipinaghila ako ni Clarkson ng upuan. Pinanood ko siya ng may mapangasar na tingin bago umupo sa inilahad niyang upuan. May kabisera sa gitna pero sa pinili niyang maupo sa tabi ko. Itinihihaya ko ang nakabaliktad na plato sa table’s mat.

Kumuha ako ng saktong fried rice at pinanood niya muna ako bago siya kumuha ng kaniya. Kumuha rin ako ng ulam mula sa iba’t-ibang nakalahad na plato.

Inantay niya rin akong makasubo ng isang kutsara saka niya nagmamadaling isubo ang sa kaniya. Ngumunguya siya ng mrahan pero na sa akin ang tingin niya.

“I’m a good cook,” he praised himself while nodding, also to himself.

Natawa ako ng mapangasar habang pinapanood siya na sa pagkain naman nakatingin ngayon. Nang lumingon siya sa akin ay inosenteng tingin ang ginawad niya sa akin. Sa iba, magmumukhang seryoso ang tingin niya dahil sa mga mata niya. Pero sa akin ay nakikita ko ang kainosentehan sa titig niya.

“I’m a better cook than you,” I said to him seriously.

Ngumisi lang siya at ibinalik ang tingin niya sa pagkain. He nodded but I can only sense his playfulness and belief in that slow nod of his.

“Totoo! I live with Xandra but I’m always the one to cook for us,” paglaban ko sa sarili ko.

“You live with me now,” sagot niya at sumulyap sa akin.

Hindi niya man lang pinansin ang paglalaban ko sa pagluluto ko!

“I’ll cook for you now,” biro ko.

“You better do,” seryoso pa niyang sagot.

Nahigit ko ang hininga ko at kalaunan ay napatawa habang kunot pa ang noo. That was meant as a joke! But I can still do it for him, anyway.

Maingay ang pagkain namin dahil sap ag aasaran at tawanan. Ipinapakita niya sa akin ang galing niya sa pangangasar at maingay ang boses kong normal na malakas kapag dinidipensahan ko ang sarili ko.

“Ako na ang maghuhugas ng plato,” presinta ko at inangat ang mga platong wala nang laman.

Tumango na lang siya. Nasulyapan ko kanina ang orasan at tinanghali na ako ng gising. Tinanghali rin siya ng gising dahil noong bumaba kami ay mainit pa ang niluto niya. He needs to bathe now for the captain to not miss his flight.

Sa garahe ko lang siya naihatid nang paalis na siya. He gave me a soft peck on my lips and a planted a soft kiss on the back on my palms pefore he walked to his Bentley. Sa akin pa siya nakalingon kahit nakaharap na siya sa kotse niya at paalis na. Ngumiti ako sa kaniya bilang paalam.

“Give a safe flight, Captain,” I bid to him, smiling softly.

Tumango lang siya sa akin. He gave a sad smile to me with his pleading eyes. Napailing na lang ako. I watched him go out of the gates and the gates closed automatically.

Bumalik na ako sa loob ng bahay ni Clarkson. Inilibot ko ang buong tingin sa malawak na bahay. Hindi ko lilinisin ang napakalawak na bahay na ito, baka mahimatay lang ako.

Umakyat ako sa kwarto niya at napagtantong wala akong damit dito. I browsed on Clarkson’s walk-in closet and realized how fashionable he is.

Kung ang ibang lalaki ay puro monochrome ang laman ng closet at puro shades lang ng blue, black, gray at iisang white, si Clarkson ay halo-halo at nage-explore sa kulay, prints, brands at styles.

Nahawakan ko pa ang isa at may tag na nakalawit, isang pangmayamang brand na kilala ko lang dahil sa K-Pop idols namin ng mga pinsan ko.

Nilipat-lipat ko pa ang mga nakasabit na damit sa rack. Walang kasya sa akin dito! His sexy frame is so large that it would easily be a t-shirt dress to me. He fits well in all of these and I fit his clothes like a small child!

Inikot ko ang walk-in closet niya. Nakakalibang palang kalikutin ang closet ng boyfriend mo, ‘no? Hindi ko pa naranasan noon. Ngayon lang dahil ngayon lang naman ako nagka-boyfriend.

How’d I know?! The traumatic experiences my so-called family gave me and my drive for my goals stopped me from even imagining of a boyfriend.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang makita ang isang parte ng closet niya na puro puting uniform at itim na coat ang nakasabit. Hinaplos ko ang isang malaking uniform niya na may apat na linya sa magkabilang balikat, sinasabing kapitan ng flight ang may-ari noon; si Clarkson.

Kinuha ko na lang ang isang puting t-shirt na may magkahugpong na pulang ahas sa likod, marking it as Gucci. Hindi rin naman makikta iyon dahil sa haba ng buhok ko.

I changed ito that Gucci t-shirt of his. Hinayaan ko na lang ang shorts ko mula kahapon at t-shirt na lang ang pinaltan. Dahil sa laki ng t-shirt ay kinailangan ko pang itali iyon sa harap.

It reminded me of how I styled myself years ago back in highschool. Tumalikod ako para tingnan ang likod ko sa malaking salamin.

I drived myself home to Tita Marinita’s cndo unit. I have a driver’s license so it’s okay. Isang Maserati ang hiniram ko mula sa garahe ni Clarkson. Sinabi niya kanina sa hapag na pwede kong gamitin ang kotse sa garahe niya basta maayos akong magmaneho. Hindi niya naman ako pinagbawalan sa kahit ano.

Napatalon ako nang pagbukas ko sa pinto ng condo unit ay dumaan si Xandra. Marahas akong napabuntong hininga at pumasok sa loob.

“Kape pa,” natatawa niyang kumento sa likod ko.

Napangisi na lang ako at napailing.

“Hindi pa ako nagkakape ngayon,” nakangting balik ko sa kaniya.

Didiretso sana ako sa master’s bedroom kung hindi hinigit ni Xandra ang bandang itaas ng damit na suot ko. Mabilis akog napahakbang pabalik at napalingon sa kaniya.

“Gucci? Hindi sa iyo ito. Tsaka, saan ka galing kagabi? Where did you sleep?” sunod-sunod niyang tanong.

Napangisi na lang ako ng tulyuan sa kaniya. Hawak niya ang bandang likod ng damit ko kaya nang maglakad ako papasok sa master’s bedroom ay nahigit ko siya.

“Kay Travis ito, ‘no? Doon ka natulog?” may bahid ng kabalastugan sa boses niya.

“Hoy, wala akong ginawang masama! Parang highschool ito,” komento ko sa kaniya.

Lumapit ako sa cabinet at naglabas ng isang hawk na bag roon. Lumuhod ako sa sahig at naupo si Xandra sa gilid ko.

“Aalis ka? You’re moving out? Nagpaalam ka ba kina Tito at Tita?” sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako sa kaniya. Muntik ko nang makalimutang salawahan ang schedule nila ni Clarkson. When Clarkson is not around, Xandra’s here. When Clarkson’s here, Xandra is not around.

“It’s not permanent. Magsasabi pa lang ako sa pamilya natin,” kwento ko habang namimili ng mga pantulog lang na dadalhin sa bahay ni Clarkson.

“Not permanent? Dito ka na lang matulog! Clarkson is not around at night. I’m around,” pangungumbinsi niya pa.

Tumango na lang ako roon. I don’t know if I should go there now, anyway. Kaso dala ko ang isang kotse niya. Hindi ko alam kung saan ako dapat matulog ngayong wala naman siya sa gabi.

I packed pair of clothes that could match a week. Nagsama ako ng iilang pang alis roon pero pampormal at para sa baka internship ko. I’ll have to check on some hospitals.

Dito pa lang ako naligo dahil wala nga akong damit sa bahay ni Clarkson. Pajama lang ang ibinihis ko. Pantulog. Hinayaan ko ang Mamahaling t-shirt ni Clarkson na nakatupi sa may rack ng CR ng master’s bedroom. Nagsusuklay ako ng buhok ko nang lumabas ako.

Naupo ako sa kama at kalauna’y napahiga na roon. Xandra sat near me and stroked my long hair.

“Clarkson’s back. You still won’t cut your hair?” tanong niya habang hinahagod ang mahaba kong buhok.

Tiningnan ko siya gamit ang mga mata ko. Umiling ako sa kaniya at bumangon mula sa pagkakahiga.

“I’ll cut it if I have to leave him again,” I answered to her. Naitikom ko ang bibig ko nang makaisip ng sasabihin pa, “Or if he choose to leave me instead,” dagdag ko.

Bumuntong hininga si Xandra at napailing. Inilabas niya ang isang kamay niya at bumagsak sa kama ang stack ng mga mails. Ipinasada ko ang mga daliri ko roon para magslant ang itsura ng mga iyon at makita ko kung saan mga galing.

Others were hospitals and others were from the banks. Karamihan ay sa mga ospital. It’s probably about my internship.

Nag-unat agad ako. Itinaas ko ang mga braso ko at ikinawit sa balikat ni Xandra. Hinila ko siya gamit ang mga braso ko sa leeg niya at inihiga kami sa kama. Nagtatawanan kami ang bumagsak kami roon.

Nang bumalik kami sa pagkakaupo, I browsed on the mails. Napanguso ako nang hindi makita ang ospital na gusto ko sanang pag-intern-an. Instead of my chosen hospital, I saw the mail of the private hospital near Clarkson’s subdivision.

The hospital chose me among the three board passers. They probably did not want me at first because I am only on the third of the highest. They also probably dug deeper onto my creditentials and saw that I am a Magna Cum Laude graduate and that made me gain their trust.

I searched on the hospital. It’s certainly private and made for the riches but they accompany those in need, too. Kumpleto sila sa branches pero naghahanap pa rin sila ng mas maraming interns para maging ganap nilang doktor at mas mapalawak ang ospital, in order to further accompany those who are not the rich.

Ibinalik ko ang letter sa lalagyan. Itinabi ko ang mga mail ng ibang ospital dahil nabuksan ko na ang lahat kanina. Sa lahat ng ospital na kabilang doon, ito ang ospital na mas may credit ako. There are a lot of neurosurgeons in that hospital that can train me after my internship and next to my residency.

Pinulot ni Xandra ang letter na nag-iisa na sa kama. Ibinaba ko ang mga nagkumpulan na letter sa side table.

“Ito na ang napili mo?” she asked with curiosity.

Tumango ako. Lumingon ako sa kaniya at bahagyang napahikab.

“Malapit sa subdivision ng bahay ni Clarkson. Malaki at mayaman din na hospital,” kumento ko tungkol sa ospital na napili ko.

Tumango siya pero napatigil din at mukhang may napagtanto.

“Bahay? May bahay siya rito? Not a unit, not a penthouse? Bahay talaga?” gulat niyang tanong at nai-emphasize pa ang pagsasabi niya ng bahay sa huli.

Tumango ako. pinanood ko siyang buklatin ang isinilid ko nang letter ng kilalang ospital na iyon.

“What luxurious hospital is this?” tanong niya at binuklat ulit ang letter bago ibinalik ang tingin sa akin, “Archeios International Hospital?” tanong niya.

Tumango ulit ako. Bahagyang napahikab ulit. Napakurap ako sa antok.

“Yes.” I surely answered her.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now