Fractum 3

319 12 0
                                    

Broken 3: Likod ng bahay

I was a grade six student when I started liking neurology, neurosciences, and neurophysiology. The fulfillment that branch of science gave me while I was studying it was above everything. Everytime I studied anything within neurology, I became more and more curious about it and it eventually gave me pure happiness.

I liked how it felt. I liked that I like something. I want to be a neurosurgeon. I like that I want to be a neurosurgeon.

But being an obedient daughter, my mother didn’t like the thought of me being a doctor. My dreams had been crushed. My happiness became a deep pit of misery.

Knowing that I will always follow and obey my mother, she wants me to be an engineer. I have no interest in engineering. I may be good in mathematics but I’m not happy with it. It does not make me happy the way neurology did. I was sad, but I did not form tears.

In the thought of taking engineering, I chose Aeronautical Engineering. If ever, that is. Alam ko namang hindi ko kayang ipaglaban ang gusto ko. Mas malaki ang chance na itakwil ako ng mga magulang ko kaysa sa chance na suportahan nila ako. Aeronautical Engineering, Pilot.

I scribbled down notes in a paper I saw.

Pilot Agape Sanguine Laude.

I don’t like it.

Doctor Agape Sanguine Laude, Neurosurgeon.

I like it. I really like it. But I know that I can’t have it.

“Ano kayang pangalan noong maputi kahapon?” tanong ni Xandra sa gilid ko.

Napalingon ako sa kaniya. Nakahiga siya ng patihaya at nakatapat ang mukha niya sa cellphone, typing again. Kumibit-balikat ako. Pumasok si Everette sa kwarto namin kasi madalas naman siyang na andito kapag umaga.

“Ate EJ, kakain na raw,” yaya ni Everette.

Napangiti ako sa kaniya. Mula sa headboard ng kama ay bumaba ako papunta sa edge kung na saan siya. Hindi niya ba ako yayayain?

“Ate Sawin, kakain na raw,” tawag ni Everette sa akin.

“Sawin,” ulit ni AJ at tumawa pa ng kaunti.

Tumayo na ako mula sa kama. Inilahad ko ang kamay ko kay Everette pero nginitian niya lang ng mapangasar ang kamay ko.

“Sanguine, Everette. Ate Sanguine. Pero ayos lang. Ta’? Kakain,” yaya ko sa kaniya.

Pagkatapos kumain, hindi kami ang naghugas ng plato. Dumiretso agad kami sa kwarto at nahiga agad si AJ sa kama. Mabilis na sumunod sa amin si Everette.

“Everette, sino iyong Kuyang kasama mo kahapon? Yung tisoy?” tanong ko kay Everette.

Mabilis na napaahon si AJ mula sa pagkakahiga. Nagkatinginan kami at agad nagkangitian sa naisip na kalokohan.

“Uwo nga Everette. Pinsan mo ga?” dagdag ni AJ, halatang interesado.

“Sino?” inosente at naguguluhang tanong ni Everette. Napakunot pa ang kilay niya.

“Iyong maputi. Na matangkad. Iyong kumuha ng kamay mo kagabi noong nilapitan kita?” pagpapaalala ko sa kaniya.

Kahapon pagkauwi, interesado na agad sina Celeste at AJ doon sa tisoy. Hindi namin alam ang pangalan kaya sabi ko tisoy na lang ang itawag. Maputi kasi.

Napatulala si Everette at mukhang nag-iisip. Nilingon ko si AJ at attentive siyang naghihintay ng sagot ng bata. Napangisi ako.

Sa akin mabilis lang mahanap ang social media accounts ng kahit sino. Lalo na kapag interesado ang mga pinsan ko roon. Naalala ko noon na nagrereklamo si Celeste kasi hindi raw niya mahanap ang Facebook ng gwapong nakita niya kasi first name lang ang alam niya. Kinuha ko ang first name noong lalaki at gamit ang Facebook account ni Celeste, wala pang limang minuto nahanap ko na ang account ng sinasabi niyang gwapo.

“Dali na, Everette. Kapag naalala mo, bibigyan kita ng maraming maraming candy,” alok ko.

Itinaas ko ang kamay ko at inimuwestra ang malaking bilog para mas maniwala siya sa akin.

“Ah! Si Kuya Trebis. Treybis Claksun,” sagot ni Everette.

Napatungo ako at marahang napapikit sa pagkadismaya. Treybis Claksun. Tanggalin mo pagkabulol mo, baby, please.

“Ano ulit, Everette? Kapag hindi ko narinig ng maayos, walang candy,” panakot ko sa kaniya nang maiangat ang tingin ko.

Nakita ko ang paglunok ni Everette sa nagbabadyang kaba, “T-trey… Treybis… Clak… son…” putol-putol at hirap na hirap na sabi ni Everette.

Nagkatinginan kami ni AJ. Mukha siyang nalugi at nawalan ng pag-asa kaya napahiga siya agad at tinabunan ng unan ang mukha. Narinig ko ang impit niyang sigaw roon.

Nang lingunin ko naman si Everette, paiyak na siya kasi naiisip na hindi ko siya bibigyan ng candy dahil bulol ang sagot niya. Hinaplos ko ang maliit niyang braso kaya napaangat siya ng tingin sa akin. Mabilis akong gumapang papunta sa headboard at kinuha ang cellphone ko.

“J, kuha ka pera sa bag ko. Ibili mo muna ng candy si Everette,” utos ko kay AJ habang ina-unlock ko ang passcode ng phone ko.

Tinanggal ni AJ ang unan sa mukha niya at tiningnan ako na sinasabing hindi siya makapaniwala. Naririnig ko na ang isip niya na nagsasabing hindi naman naibigay ni Everette ang pangalan.

“Nakuha ko, ‘no. Bumili na kayo. Paiyak na si Everette,” pangungumbinsi at utos ko kaya umalis sila.

I get it a bit. Treybis. Treyvis. Travis. Clakson. Clarkson. Travis Clarkson. Name ni gwapo, encoded.

Mabilis akong nagbukas ng mobile data at nagbukas ng Facebook. Isang search sa normal search engine ng Facebook ay sandamakmak na pangalan ang lumabas. Iba-iba pa at ang ilang lumabas ay Travis lang o ‘di kaya’y Clark o Clarkson. Isa-isa kong binuksan pero walang itsurang malapit sa itsura noong lalaki kahapon.

Travis Clarkson… Ah!

Pangalan ni Papa ang sinearch ko. Dahil probinsya ito, magkakalapit ang mga tao at close sa isa’t-isa. Kung kakilala ni Everette at ng pamilya namin ang lalaking iyon, malaki ang chance na kakilala rin ni Papa. Hindi naman din kalayuan ang bahay noon mula rito at maraming connections si Papa at ang Mama ni Everette.

Alejandro Laude. Friends list. Searching Travis Clarkson…

Dalawang lalaki ang lumabas. Ang isa ay malayo ang kuha ng DP kaya hindi ko masyadong makita lalo pa’t hindi ko pa binubuksan ang pinaka-account. Ang isa’y lalaking naka-uniform na kulay light blue at naka-shades. May nakasakbit na bag at kita ko ang logo ng Hawk. Hindi nakangiti. Inuna kong buksan ang malayo ang DP pero hindi ko makita kaya inilipat ko agad sa kasunod na lalaki. Naririnig ko na ang boses ni AJ na kumakanta sa labas.

Ini-stalk ko ang pangalawang account na lumabas. Hindi masyadong kita ang mukha sa DP kasi may shades pero maputi. Nang ibaba ko ang tingin sa photos, nakumpirma kong siya nga.

Napangisi ako at kumalabog ang pinto ng kwarto kaya napalingon ako. Hinagis ko sa edge ng kama ang cellphone kong nakabukas ang account ng lalaki. Nanlaki ang singkit na mata ni AJ at agad na hinablot ang cellphone ko.

“Travis Clarkson Montealegre,” usal ko sa pangalan ni tisoy, “Add mo. In-add ko. I-add mo rin para hindi tayo mahalata,” dagdag ko pa.

Hindi nagtagal ay dumating rin sina Celeste at Jainez kaya sinabi namin sa kanila na i-add ang gwapong lalaki kahapon. Sobrang na-excite si Celeste at si Jainez ay napailing-iling na lang habang parehas silang umaakyat sa kama matapos magpunas ng paa sa basahan.

“Maniwala?!” gulat na tanong ng malakas na boses ni Celeste.

“I-check mo pa,” nakangisi kong sagot sa kaniya.

“Uwo nga. Hindi naman first time na nahanap ni Agape ang lalaki natin,” nangingiti at dreamy sabi ni AJ, halatang kinikilig at lumilipad na sa sariling utak.

Hinagis ko sa kama ang cellphone ko papunta kay Celeste. May load ako kaya makikita nila ang pictures. Napangisi ako sa kanila at sumandal ako sa balikat AJ. Dinugaw ko ang cellphone niyang naka-hotspot sa akin at inii-stalk si tisoy.

Nakangiting kinuha ni Celeste ang cellphone ko. Pumindot siya ng kaunti habang umaakyat lalo sa kama namin at papalapit sa akin.

“In-accept ka na!” nangingiting sabi ni Celeste. Bumaling siya kay AJ, “Ikaw, J?” tanong niya.

“Wait,” mabilis na sagot ni AJ. Pumindot siya sa Oppo niya kaya sinilip ko lalo ang account ni tisoy, “Hindi pa,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa photos ni tisoy.

Dismayadong hinagis ni Celeste ang cellphone ko sa kama. Napahalakhak ako sa kaniya at pinulot ang cellphone ko.

“Si Agape lang ang in-accept! Ikaw na naman ang magugustuhan niyan! Lagi na,” nagtatampong saad ni Celeste.

Chineck ko ang phone ko. Napatawa lalo ako sa naka-open na notification.

Travis Clarkson Montealegre accepted your friend request.

“Kaganda kasi! Pahingi naman ng ganda mo. Kwentuhan mo kami, ha?” naeexcite namang sabi ni Celeste bigla.

Like I’d flirt with this man. It’s the other way around.

“Uwo nga! Kapag hindi mo na naman gusto amin na lang,” offer ni AJ.

Napangisi ako sa kanila. Nag-apir sila ni Celeste at nagtawanan.

“Hidndi naman gwapo,” usal ni Jainez na siyang may hawak na ng cellphone ko ngayon.

Hinila ko ang balikat niya. Natatawa kong ikinulong ang leeg niya sa braso ko kaya lumagapak ang cellphone ko sa dibdib niya at napadaing siya.

“Bato ka naman sa lalaki, Jainez! Paano mo malalaman kung gwapo?” nanagungutya kong tanong kay Jainez.

“Parang ikaw hindi, ah!” baling siya sa akin habang hinhampas niya ang braso ko sa leeg niya.

“Oo na, oo na, bato rin ako. Pero tumitingin pa rin ako sa gwapo, no!” singhal ko sa kaniya, “Ikaw halos isuka mo lahat ng mga lalaki sa paligid mo,” pangangasar ko pa.

“Hindi pa ga kayo maliligo? Akala ko ga pupunta tayo kina Everette?” sabad ni Celeste.

“Naligo ka na?” pabalang na tanong ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya kaya hinampas niya ako.

“Hindi pa! Bakit, gusto mo gang sabay tayo, ha?” hamon pa niya.

Nginisian ko siya, “Gusto mo lang makita sexy kong katawan, eh,” natatawa at nagmamayabang kong sagot sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagkapa ni AJ sa dibdib ko. Tinawanan ni Celeste iyon nang makita niya.

“Ang kapal,” balik ni Celeste sa akin.

Tinawanan ko siya. Inilandas ko ang kamay ko sa dibdib niya at wala akong nakapa roon. Impit siyang napairit at tinabunan ng braso niya ang dibdib niya.

“Uuwi na nga muna kami! Liligo laang!” nahihiya nang sabi ni Celeste.

“I-chat niyo si Kuya Keneddy na pumunta na dine,” sabi ng marahang boses ni Jainez.

Umalis na agd sila. Malapit lang ang bahay ng dalawang iyon kaya nilalakad lang. Nagsabay na lang kami ng ligo ni AJ para hindi na kami magtagal.

Nagsuot ako ng white printed shirt at highwaist denim pants. Itinali ko sa harap ang t-shirt ko para maipakita ang pagka-highwaist ng pants ko at nagsuot ako ng manipis na checkered flannel.

“J! Pa-picture!” sigaw ko mula sa terrace.

Tiningnan ko ang sarili ko mula sa malasalamin na sliding window ng malawak na terrace ng bahay ni Tita Marinita. I have a great fashion sense that makes me superior to others’. Dahil maaga rin nag-mature ang katawan ko, hindi gaanong mahirap manamit sa katawan ko. I look like a normal teenage girl. Walang bakas na nag-o-overthink ako madalas.

“Eto na! Eto na!” tamad na balik ni AJ.

Ibinagay ko ang cellphone ko sa kaniya at bumaba kami mula sa terrace. Maganda ang malalaking halaman sa baba ng terrace kaya dito ang napili ko sa pictures ngayon. I posed nicely and neatly like a model for my pictures.

Dumating si Kontiñuito kaya doon sumakay ang magkapatid. Kami ni AJ at Everette kay Papa na nagpahatid. Maliit pa naman si Everette kaya sa harap na siya ni Papa pinaupo.

Inilibot ko ang paningin pagkababa. Magkakalayo ang mga bahay dahil hindi naman din ito subdivision. Ito ang mga bahay malapit sa basketball court kahapon.

Ang bahay nina Everette dito ay ang mataas na color green na bahay na sa harap ay may sari-sari store. Dalawang palapag at puro tiles ang nakapalibot. Sinalubong ako ng mas batang kapatid ni Everette na babae, may dalang walis na hirap niyang bitbitin.

“Igraine!” nakangiting salubong ko sa kaniya kaso umamba siya hahampasin ako ng walis kaya napaurong ako.

“Igraine, bad,” sita ni AJ kaya napatawa ako sa kanila.

Sa terrace kami dumaan papasok. Mabilis rin namang lumabas si Tita Fleuranda, ang Mama ni Everette at Igraine, kaya na-accompany agad kami.

“Pasok kayo!” yaya ni Tita Fleur.

Nagkwentuhan sila ng kaunti. Pinakain kami kaya nagpatuloy ang kumustahan sa hapag.

“Ang iyong Mama, Sanguine? Hindi ba uuwi?” baling ni Tita Fleur sa akin.

Umiling ako agad. Nilunok ko ang pagkain ko at ngumiti, “Hindi po. Umuwi naman po siya sa amin noong mahal na araw. Pero ngayong May po, hindi raw po,” magalang kong sagot.

Lumabas rin ako agad pagkatapos magbatian at kumain. Iniwan ko ang bag ko sa loob at cellphone na lang ang dala ko rito sa labas.

Sa likod ng bahay ako nadala ng paglalakad at pagmumuni muni ko. Dito ay may tiled na parang deck kagaya sa terrace sa harap ng bahay. Walang tao pero may bahay sa hindi kalayuan. May kubo rin sa harap ko pero mas gusto ko sa deck na ito. Ibinaba ko muna roon ang cellphone ko. Medyo mataas kaya patalikod na iniangat ko ang sarili ko para makaupo roon. Isang attempt, nainangat ko agad ang sarili ko at nakaupo agad ako.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa gilid. I typed 12.17.00 to unlock my phone. My birthday.

Umihip ang sariwang hangin kaya medyo hinangin ang maikling buhok ko. Tumingala ako at nakita ko ang mga matatayog na puno sa paligid. Humangin ulit kaya medyo nagulo na ang maiksing buhok ko. Pinasadahan ko na lang iyon ng daliri sa harap na anit ko, hindi hinihiwalay ang tingin sa mga matatayog na puno.

Ang ganda talaga ng itsura rito sa probinsya. Pangbakasyon talaga at kapag kinuhanan ng picture, pang-Instagram ang levels. Sariwa rin ang hangin kaya nakaka-relax. Hindi kagaya sa usok ng Cavite, nakaka-suffocate.

Huminga ako ng malilim at ibinaba ang tingin sa cellphone para tingna ang mga pictures na kinuha namin ni AJ kanina. Hindi pa ako nakakalayo sa pagpili ng pictures na pwedeng ipost sa Facebook ay may boses na agad na pumukaw sa akin.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” a boyish voice called out beside me.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now