Fractum 33

125 2 0
                                    

Broken 33: Type

He’s patient with me.

Kahit nahihirapan siya sa pagtuturo sa akin ay tinatawanan niya lang iyon. Ilang beses ko na siyang nahahampas sa braso at mukha dahil sa takot na matumba ako sa maluwag na pagkakahawak niya.

Ayoko namang matumba muna sa bike bago matuto!

Isang linggo na niya akong tinuturan. Hindi naman niya ako pinipilit na lumabas at turuan ako kapag nakakulong ako sa kwarto dahil sa mga requirements but once in a day, tinuturuan niya ako.

Lumalabas ako ng kusa. Madalas hapon na kapag tinuturuan niya ako. maluwag ang schedule ko ngayon kumpara sa maraming practices ko noon para sa pageant at projects. The week has been hectic, but still okay.

“Kabilis mo naman matuto!” Clarkson said happily but with a sense of disappointment.

Natawa lang ako sa kaniya. I’m sure he expected to teach me in a longer time. Gumegewang pa ang kamay ko sa manibela pero nakakapagpedal na ako at nabalanse ko na.

My body won’t disappoint. Lahi nga namin ang malambot ang katawan, along with the fast learning skills.

Tumatawa pa ako nang halos masagasaan ko siya dahil bigla siyang tumalon sa harap ng dinadaanan ko! Mabilis rin naman siyang tumagilid.

“Clarkson!” natatawang sigaw ko bilang babala sa kaniya.

I heard his loud boyish laugh that eventually turned into a low chuckle. Na sa malapit gilid ko na siya at pareho na kaming natatawa habang sinusundan niya ang mabagal kong pagpedal.

I’ve never seen him this close without my irritation with him.

“Ikaw lang ang tumatawag sa akin ng Clarkson!” sigaw niya nang mag-jog na siya dahil bumibilis ang paggewang ko.

“Travis is a common name!” I answered.

Binilisan ko lalo ang pagpidal ko para mapatakbo si Clarkson. Tumatawa ako habang siya ay mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.

I remember one of my male teacher back in Cavite has the same name. A senior of mine also has the same name.

“Ako lang ang may pangalan noon dito!” tumatawang sigaw niya.

“Dito lang!” halos nagmamayabang kong sagot sa kaniya.

Tumigil ako sa lilom sa harap ng terrace namin nang mapansin kong hiningal na siya. Tumigil siya sa kaliwa ko dahil wala nang space sa kanan ko. Ang isang paa ko ay nakatukod sa lupa habang nakangiti akong nakalingon sa kaniya.

Nagtataas baba ang dibdib niya sa katatakbo. Nakatingala ako sa kaniya dahil sa tangkad niya. Natatabunan niya ang mapanakit na araw at kita ang sinag nito sa tuktok ng ulo niya. I heard him heave an exaggerated sigh.

“Nakakasilaw talaga ang kagwapuhan ko,” pagmamalaki niya.

Napangiwi ako imbes na matawa sa joke niya. Sinipa ko siya ng mahina sa binti niyang mas maputi pa sa akin na exposed dahil nakashorts lang siya. Saka ko sinipa ang stand ng bike at pinatakbo ko iyon ng mabilis.

Papa is not around. Mga ganitong oras ng hapon ang duty niya hanggang ala una siguro. Madalas gising pa ako kapag umuuwi siya dahil nakakapuyat ang STEM pero hindi naman siya kumakatok at hindi rin siya makapasok dahil naka-double lock ang pinto at na sa akin lang ang susi.

Papa lets Clarkson around me. Naalala kong si Papa rin ang nagsabi noon kay Clarkson na bantayan ako ilang taon na ang nakaraan.

Kung si Mama ang narito, wala ni isang lalaki ang makakalapit sa akin rito. I know Papa has his limits, too, for me and for himself. Pero kay Papa ay may kalayaan ako.

Tita Aislienne is not around, too. May pasok. Although the elderly are not around, my three cousins are here.

“Hoy, lovebirds! Tumigil na nga kayo dyan!” iritadong singhal ni Celeste mula sa bintana ko.

“Agape! Tumatawag sa akin ang bestfriend mo!” Xandra informed me.

Ulo lang ni Celeste ang nadaanan ko dahil mabilis akong nagpedal palayo. I think Xandra is lying on my bed while managing her social media accounts.

“Walang bestfriend-bestfriend sa magjowang iyan, Xandra!” sagot ni Celeste ka Xandra.

“Walang kami, Celeste!” natatawa kong sagot sa kaniya.

“Wala pa!” mabilis na balik Clarkson.

Mabilis ko rin siyang nilingon at bumagsak ang ngiti ko, napalitan ng ngiwi. Nabatukan ko na siya pero mabilis siyang nagtatatakbo pabaliktad, sa opposite direction ng kinahaharapan ng bike na sinasakyan ko.

Luxen’s calling. Ang tanging paraan lang para makapag-video call kami ay sa mga pinsan ko. We meet up sometimes but when Luxen sees the myday of one of my cousins with me, mabilis natumatawag si Luxen just to reach me.

Walang wifi rito. Wala rin akong access sa social media accounts ko. Nabuhay ako ng maayos kahit na wala ang mga iyon.

May load lang talaga si Alexandra palagi para sa mga lalaki niya. Celeste is another boy magnet pero may wifi sila sa bahay nila. Jainez is not around. May practice daw sa kung anong sayawan nila.

“Pakisagot, Xandra!” balik ko kay Xandra.

“Wag!” mabilis na pigil ni Clarkson.

Hindi ko na siya hinabol at hindi na rin ako nagpahabol. Ini-stand ko sa harap ng garahe ang bike ni Clarkson. I climbed the railings to reach the inside of the terrace.

“Sanguine! May hagdan bakit diyan ka dumadaan!” sita ni Clarkson.

Parang tatay ko!

Hindi ko na siya pinansin. Nakasalubong ko si Xandra sa pintong papasok ng living room at inilahad niya sa akin ang pangalawa niyang cellphone. On her right hand rests her iPhone six plus.

“Luxen!” bungad ko sa cellphone ni Xandra.

Itinayo ko sa harap ng bintana ang cellphone ni Alexandra. I reached for my short hair to ponytail it while waiting for Luxen’s response.

“Sanguine. Kumusta?” bati niya sa akin.

Luxen’s call got ended by someone’s white hand. Hindi ko pinansin si Clarkson at tinawagan na lang ulit si Luxen nang makuha ko ang cellphone. Cleleste entered the terrace.

“May nagseselos kahit wala namang karapatan!” parinig ni Celeste sa kung sino.

Umalis bigla si Xandra. Pagbalik ay may dala na namang pagkain mula sa kusina. Iyon ang kinain namin bilang meryienda. Pumunta rin ako sa kusina para maglabas ng inumin para sa mga pinsan ko at kay Clarkson.

“Sorry. Your call got ended,” bungad ko ulit nang mag-connect ang tawag namin.

“Okay lang. There’s a boy around?” tanong ni Luxen at may sinundan na tingin.

“Yes. A family friend. Where are you?” I asked.

Luxen can now speak English fluently and really well. Kung kaming mga pinsan ko ay nagbibiruan sa pag-iingles, kami ni Luxen ay seryoso at natural ang pag-uusap sa ingles na pananalita.

Pumasok si Amity mula sa backdoor. I smiled at her before I closed the refrigetor’s door.

“Ami. Tawag mo si ate Aby. Meryienda kayo rito,” yaya ko sa bata.

Nakangiti siyang tumango sa akin. Nagtatatakbo siyang lumabas at nakita ko si Clarkson na nakaupo sa isa sa mga upuan namin sa dining table.

“Na sa Romblon. Ewan. Si Kuya yata ang pupuntahan pero hindi ko alam kung bakit kami nandito,” Luxen answered.

Nilingon ko ang tingin sa cellphone ni xandra habang ibinababa ang dalawang one point five liters ng coke sa lamesa. Inilipat niya ang camera niya sa back camera kaya nakita ko ang kulay asul na malawak na dagat, at ang deck ng isang barko.

“Pa-hi na lang kina Tita. Ingat kayo. You’ll swim again?” I asked him comfortably.

Kaunti lang ang nakakusap ko ng ganito kakomportable. Bilang lang sa kamay ang nakakausap ko ng ganito maliban sa mga pamilya ko, sa mga Laude.

Pinanood ko si Clarkson na tumayo para lumapit sa lababo. Nilapitan ko rin siya at umurong siya ng kaunti habang binibilang ko ang basong dadalhin sa labas.

I glanced at Xandra’s phone. Nakatapat na ulit ang camera sa mukha ni Luxen at nagpo-pose na siya sa camera ngayon.

Bahagyang nakakunot ang noo niya at nagmumukhang nasisilaw pero ang gwapo pa rin ng mukha niya. His outgrown hair suits him well.

Namumula ang maputi puti niyang mukha dahil sa bahagya niyang pagtapat sa araw. He took a picture of us while I’m smiling at his ridiculous acts. Maingay na biglang gumalaw si Clarkson sa gilid ko.

Nilingon ko siya sa gilid ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko pero naghuhugas na siya ng kamay. Inalahad ko sa kaniya ang cellphone ko para hawakan niya.

“Basa ang kamay ko,” malamig, at tila nagpipigil niyang sabi.

Saglit kong iniwas ang tingin ko sa kaniya para kunin ang malinis na pamunas sa kamay. Nang hinarap ko siya ay hinaplos ko ang basa niyang kamay sa kamay kong may hawak na kitchen towel. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at marahan pero mabilis kong pinunasan ang basa niyang kamay. Ang pumapagitna lang sa magkadikit naming kamay ay ang kitchen towel.

Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya, nakaawang ang labi niya, nakakunot pataas ang makakapal niyang kilay, at bagahyang namumula ang tainga at leeg niya pababa. Without tearing our eye contact, I removed my hands on his and I placed Xandra’s phone there.

Mabilis kong kinuha ang tray ng mga kinuha kong baso at tumalikod ako sa kaniya. Lumapit ako sa dining table para sana isabay ang dalawang bote ng coke pero naunahan na niya akong kunin iyon. Nauna siya sa paglalakad papunta sa terrace.

Napabuntong hininga ako at binuhat ulit ang tray. Bahagyang nanginig ang mga kamay ko kaya napakagat ako sa dila ko. Mabagal ang lakad ko sa pag-iingat sa mga baso at pagpakiramdam sa sarili ko na parang may nagdiriwang sa loob ko.

Mabilis ulit akong sinalubong ni Clarkson kahit papasok pa lang ako sa living room. Kinuha niya agad ang tray mula sa akin at tumalikod.

“Sanguine?” I heard at my back.

The hell. Iniwan ni Clarkson ang cellphone ni Xandra sa dining table na may tawag pa ni Luxen!

Mabilis kong kinuha iyon. I sighed and smiled at Luxen. Mapanuri ang tingin niya sa akin ngayon.

“Who was that?” he asked.

“The family friend,” mabilis kong sagot.

“Iniwan niya ako sa kung saan! Why did you give the phone to him?” tanong niya agad, nanggagalaiti na ang mukha.

Kinakabahan akong natawa. I smiled at him before I gave him my reasons, “Kinuha ko ang tray ng mga baso Luxen. Sige na. I’ll call you back. Ingat kayo. I miss you,” paalam ko.

Kumunot ang maarko niyang kilay pero kalaunan ay napangiti rin. He smiled at me before he bid goodbye and ended his call.

Halos gabi na nang dumating si Jainez. Iritado na niyang sinusundo ang Ate Celeste niya dahil antagal na raw wala sa bahay at hinahanap na ni Tita Georgia. Jainez smiled at me and she eyed Clarkson before leaving with Celeste.

The night is deepening and Xandra not leaving. Dito siya matutulog. She’s staying in our room. Nakabukas na ang aircon at saradong-sarado na ang bintana.

Tiningala ko ang malawak at madilim na kalangitan habang na sa tabi ko si Clarkson at na sa tambayan kami, sa gilid ng hagdan.

“Baka naman may boyfriend ka na?” tanong niya sa gilid ko.

Sumulyap ako sa kaniya. He’s sounding like a cheap teenage boy again.

Umiling lang ako habang hindi nakatingin sa kaniya. When his words sound like these, I can remember our first interactions. Bumuntong hininga ako dahil nahahalukay ko ulit ang kapaitan ng nakaraan ko.

“Anong tipo mo sa mga lalaki?” halatang kuryoso niyang tanong.

Bumuntong hininga ulit ako. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. I tried regaining my calmness. Isinasantabi ko ang iritasyon sa mga kakaiba niyang tanong.

Matagal na akong may listahan ng tipo ko ng mga lalaki at namemorize ko na iyon sa kakapaulit ulit ko ng sabi sa isip ko pero ngayong nagtanong siya ng diretso, parang wala akong mahagilap ni isa sa utak ko.

I need to hold on to my sanity.

“Gusto ko sanay siyang mag ingles,” pauna kong sagot nang may maalala.

Men who speaks in hard fluent English sounds professional. I like men like those. I can imagine a man so tall, handsomely dark, speaking English to me, telling me he loves me with all his might. Again, it’s just my imagination.

Clarkson did not answer. I continued with my narration.

“Gusto ko may pagkamoreno. Iyong hindi sobrang puti at hindi sobrang itim. The perfect glaze in the middle tone moreno,” dagdag ko.

Nasulyapan ko siyang inaangat ang braso niya at mukhang sinusuri iyon. Natawa ako ng marahan dahil kabilang siya sa mga sobrang puti, isa sa mga kulay ng lalaki na hindi ko tipo.

“Gusto ko rin matangkad at maganda ang built ng katawan. Muscular, a bit sexy looking, as a man of course,” I told him more.

“Gusto ko iyong mga lalaking outgrown ang hair. Hindi masyadong maikli. Medyo mahaba at sinadyang ganoon. Either shaved ang sides at mahaba ang bandang ibabaw na buhok, na kapag pinasadahan ay pumupunta lahat sa likod at nagmumukhang disheleved, or iyong kayang mag-man bun at umaabot sa batok lang ang buhok. Outgrown,” paulit-ulit kong sabi.

“Iyong maganda rin manamit. Like how good of a fashionista I am. Tsaka kaapag maganda rin ang pangangatawan, kayang dalhin ang mga isusuot niya. I like men with the same fashion sense as I have. Bonus kung mas magaling siyang manamit kaysa sa akin, in a manly way,” kwento ko pa.

“Iyong lalaki rin na kaya akong ipa-tattoo sa katawan niya kapag sigurado na siya sa akin,” dagdag ko at natawa ako ng marahan sa naisip at naisiwalat kong kalokohan sa isip.

“Gusto ko iyong lalaking lalaki…” I trailed off. Napangiti ako ng wala sa sarili, “The hard looking, ruthless, darkly handsome type of man is what I like,” I answered while smiling at the stars.

Kaya wala akong nakikitang tipo ko kahit saan ako lumingon. My type of men are not like the other girls’ types. Karamihan ng mga babae ay gusto ang mga lalaking boyish tingnan. Dito maputi ang gusto nilang mga lalaki.

But with me? I like my type of men. Hindi nagbago at hindi magbabago kahit magtagal pa ang panahon. Nakakatatak na sa pagkatao ko.

Napalingon ako sa kaniya at seryoso na lang ang soft niyang itsura na nakatingin sa akin.

These are why he did not match my prefereneces. I have never heard him speak in fluent English. He looks so soft, opposing to the hard type of man I like. He even looks softer than me even when my looks are mostly softer than the average girls.

Matangkad siya pero hindi ko alam kung built baa ng katawan niya. I don’t mind his appearnaces that much, that’s why. Una kong kita sa kaniya noon ay hindi siya katangkaran at hindi rin kagandahan ang pangangatawan.

Even with his oh-so-thick eyebrows, and pitch black eyes, it does not give him a hard look that I am opting for.

Never did I see him sporting a longer and outgrown hair which I really like for men. Lagi lang maiksi ang buhok niya at mukhang pang student cut.

The fashion sense he has is lacking. Pansin ko minsan ang hindi niya kayang pagdala dahil sa katawan niya. I guess that’s okay with him anyway. I just like men with a great fashion sense.

“Iyong lalaking may maayos na trabaho rin. Iyong hindi lang mukha ang maipagmamalaki kasi may narrating na sa buhay,” dagdag ko.

I thought of the traits of my type of man now, natapos na ang panlabas na appearance sa utak ko.

“Responsable. Matyaga. Masikap sa buhay…” dahan-dahan kong dagdag.

“Paano naman iyong tipo mo na pag-uugali ng lalaki sa iyo? Iyong pag aalaga at ano…” he trailed off, not knowing what to say next.

Nilingon ko agad siya. Natawa ako ng sarkastiko dahil hindi na dapat niya iyon itanong.

“A man should naturally know that, Clarkson. Hindi ang babae ang dapat nagsasabi kung paano siya dapat alagaan dahil dapat alam na agad iyon ng lalaki,” seryosong sagot ko sa kaniya.

Natahimik siya. I’m sure he did not expect that. I already thought of that since the very beginning. I continued with my words of men.

“A real man knows how to take care of his woman, without his woman instructing him. Hindi na niya dapat kailangang magtanong sa akin kung ano ang kailangan niyang gawin at sabihin. He should know that already. A man knows that already,” mahaba kong sagot sa kaniya.

Pinanood niya ang mga ekspresyon ko bago ibinalik ang tingin sa madilim na langit. I smiled at him but I only saw the glittering stars in his pitch black eyes.

“Ang taas ng ranggo ng tipo mo. Hindi ko yata maaabot,” parang wala sa sarili niyang sabi.

Nakangiti akong umiwas ng tingin sa kaniya. Inangat ko ang tingin ko sa langit bago sumagot ulit sa kaniya.

“I’m young. I don’t need a man right now.” marahan pero pinal kong sagot sa kaniya habang pinapanood ko ang madilim na kalangitan sa itaas namin.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now