Fractum 28

132 3 0
                                    

Broken 28: Kopiko

Senior highschool is not something to be excited about. Hindi kagaya kapag magki-kinder ka pa lang at excited pumasok dahil one plus one pa lang. If God did not give me the gift of brilliance and perserverance, senior highschool would be more hard for me.

I’m never going to expect that college is easier. Sa tingin ko, doon, kahit anong talino ko, hindi ako papasa. Lalo pa’t kailangan ko ng marami-raming taon ng pag aaral kung medisina nga ang pipiliin ko.

Life just gets harder and tolerable, but never easier.

Narinig ko ang pamilyar na busina ng sundo ko sa labas. Hindi pa ako nakakapagmedyas at nakakapagsapatos. Tumakbo ako papunta sa sliding window ng kwarto ko.

“Hoy, Kontiñuito! Ang aga-aga pa! Hindi naman ganito kaaga ang mga klase mo!” sigaw ko sa nakakairitang pinsan ko.

Tinawanan niya lang ako at mas lalong binusina ang motor niyang kulay asul. Umirap na lang ako at binilisan ang kilos habang nagsusuklay pa ako.

I did not bother applying makeup. I don’t do that in school! Mukha naman din akong palaging stressed doon. What’s new.

Naglakad takbo ako papunta sa kusina. Maaga ang pasok ni papa kaya si Kontiñuito ang sundo ko palagi. Palaging nagmamadali at maaga. Mambababae lang naman.

Pareho lang ang school na pinapasukan namin ni Konti, magkaiba lang ng building. Parehas na kaming graduating at magkaiba ang oras ng mga pasok namin.

Kumuha agad ako ng isang nakahandang tinapay. Ang ingay pa rin ng busina ni Kontiñuito sa labas at natututunog pa ang taking ko nang patakbo akong bumalik sa kwarto para kuhanin ang bag ko.

Sinara ko agad ang mga sliding window. Naglakad-takbo ako palabas sa terrace habang kagat-kagat ang tinapay sa bibig ko dahil itinatali ko pa sa likod ko ang hindi kahabaang buhok ko. Medyo umaangat ang miniskirt na uniform ko at naaangat din sa pagka-tuck-in ang longsleeved blouse ko. Lumingon ako sa pinto ng terrace at isinara iyon matapos magtali ng buhok.

Kinuha ko ang tinapay sa bibig ko. Mabilis ang lakad ko pababa sa hagdan ng terrace.

“Kontiñuito!” pagalit kong sigaw.

Tumawa lang siya. Nagdidilim ang paningin ko sa isang ito.

“Tagal mo, pisan,” bati ni Konti.

Humawak ako sa isang balikat niya bilang suporta sa pag-akyat. Nahila ko siya at itinukod niya ng mariin ang isang paa niya sa side ko.

“Kapag ako talaga natuto mag-motor, Kontiñuito,” babala ko sa kaniya.

Naangat ko na ang sarili ko at naupo patagilid. Ipinatong ko ang bag ko sa harap ko habang ang isang strap nito ay nakasabit sa balikat ko. Kumapit ako sa baywang iya at narinig ko ang pagtawa niya.

“Isang taon mo na iyang sinasabi, hindi ka pa rin naman marunong ngayon,” normal niyang balik sa madalas kong sinasabi.

“Hindi pa ako nakakapagkape! Kainis itong si Konti,” mahina kong reklamo habang bumababa mula sa motor niya.

Sinukbit ko ang bag ko sa parehas na balikat ko. Tiningala ko ang tingin sa kaharap na building ko at nakumpirmang tama nga ito.

Nang lumingon ako kay Konti ay nakangisi na ito sa akin. May inabot siya sa harap na compartment na motor niya. Sineniyas niya iyon sa akin bago inihagis.

Sinundan ko iyon gamit ang mata ko. Nang makitang malapit na sa akin, sinalo ko gamit ang kanan kong kamay.

I smiled so widely at Konti. Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya.

“Salamat,” marahan kong sabi habang binubuksan ang Kopiko 78 degrees.

“Good morning, Sang!” bati ng isa kong kaklase pagkapasok ko.

I smiled at them as I put my bag down on my chair. Wala pang teacher.

“Hi, Sang. Aga mo ulit. Hatid ni Keneddy?” tanong ng katabi ko sa upuan, si Morene.

I gained friends in private school I chose. I’m not that open to them but I’m civil and friendly. Naibalik ko ang friendliness ko at sociablity kahit napananatili ko ang façade ko.

I’m just still not that comfortable with having girl friends. Hindi ako sigurado kung totoo ba sila o hindi but they’re okay to be with. Sila ang circle of friends ko na madalas kong kasama kumain.

Ang mga lalaki dito sa school ay nahihiya pa rin sa akin kahit na isang taon mahigit na akong nag-aaral dito.

Yes, isang taon na. Grade twelve na ako, pang apat na buwan na. Isang taon na akong nag-aaral sa lugar na itinuturing kong paraiso. It was not easy to adjust, but it’s worth it.

“Oo. Mambababae lang siguro ulit kaya maaga…” marahan kong sagot habang umuupo ako.

Lumingon ang isang nasa harap ko sa akin, “Ireto mo naman ako sa pinsan mo, Sanguine?” excited na tanong ni Mila.

Napatawa ako ng marahan dahil nagpaulit-ulit na siya niyan sa akin, “Hindi iyon pumapatol sa bata,” ulit-ulit ko ring sagot.

Napangiwi siya pero napanguso rin. Bumuntong hininga siya at malungkot na kumurap, “Apat na taon lang naman. Kailan kaya ako mapapansin ni Ken?” malungkot niyang sabi.

Napatawa na lang ako ng marahan doon. Ganito ba talaga kaganda ang lahi namin? I can say we have good genes.

Wala kaming lahing koreano o ano pero singkit ang mga mata naming lahat. Maganda rin ang malambot tingnan na ilong kahit medyo may pagkakaiba dahil sa mga Mama namin. Hindi sobrang magkakapareho ang shape ng faces namin pero magaganda pa rin tingnan. Even our eyebrows aren’t in the same shapes but they’re perfectly thick and arched. Kapag ngumingiti kami, umaaliwalas lalo ang itsura namin.

Maganda na ba ang lahi kapag ganito? Napakibit na lang ako sa balikat ko.

Kalahati lang ng araw ang pasok namin kaya lunch time pa lang, uwian na namin. Nagkayayaan kaming sa bleachers maghintay ng sundo namin. Nakalabas ang isang libro ko at doon ako nakatingin habang tinutulak ako ng mga kaibigan ko dahil ambagal ko raw maglakad.

“Dali na, Sang. Baka may game. Doon lang naman tayo sa baba…” pilit ni Morene.

“Oo na. Oo na,” marahan kong sagot kahit sa libro pa rin ako nakatingin dahil sa isang equation sa Calculus na kailangang sagutan.

Pabagsak nila akong pinaupo sa upuan, sa pamamagitan ng pagtilak ng parehong balikat ko pababa. Naghagikgikan sila at mabilis na tumakbo papunta sa kaliwa ko. Saka lang nahiwalay ang tingin ko sa libro ko. Nakatakbo na palayo ang mga kaibigan ko pero napaawang ng bahagya ang labi ko sa nakita ko sa tabi ko.

My now brown eyes saw Clarkson beside me staring at our front. Nang magtama ang titig namin ay may narinig akong naghiyawan at nag-iritan sa likod at gilid ko.

Why is he here? He’s supposed to be in college now. Kung dito siya nagkolehiyo mula pa noon dapat nakita ko siya sa kung saan saan dati pa man. I never saw him again after Konti’s birthday years ago. Paanong hindi ko siya nakita kung dito rin siya pumapasok ng college?

Have he been in hiding? Bakit naman siya magtatago?

Itinikom ko ang bibig ko at ibinalik ang tingin ko sa libro ko, pinapalis ang mga iniisip ko tungkol sa kaniya. I don’t need to think about him when I can hear voices everywhere.

“Ahhh! Bagay!” sigaw ng kilala kong boses ni Morene.

“Love team na ga?” sigaw ng isa pa.

“Kaso mas maputi pa si Clarkson kaysa sa babae!” puna ng isa.

“Parehas maganda! Mukha ring babae si Clarkson,” rinig kong boses sa likod.

“Magandang lalaki nga kasi!” halos singhal ng boses ni Felicity.

Halos masapo ko ang noo ko sa mga narinig. Akala ko ipinagtabuyan ko na si Clarkson? Bakit dahil lang sapagupo sa tabi niya ay naiisue na agad kami.

Well, I can agree to that. He’s a beautiful boy. Not the hard looking, dark type of man. Magadang lalaki, hindi lalaking lalaki. Malayo siya sa mg atipo kong mga lalaki.

A familiar black jacket sat down my Calculus book. Naharangan ang field of view ko kaya napakunot ang noo ko.

I gave back Clarkson’s jacket to him. Inilabas ko ang cellphone ko para makapag-text kay Konti na magpasundo na ako.

Sanguine: Konti, pasundo na. Wala ka namang klase ngayon.

“Kumusta?” pauna niyang tanong.

Lumingon ako sa kaniya. Narinig ko ang pagtahimik ng buong bleachers. Nanahimik na siguro para makinig ng pinag-uusapan namin.

Clarkson is not looking at me. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong maingat niyang inangat ang Calculus book ko, tila takot na mahawakan man lang ang kahit anong parte ng katawan ko. Nakalabas kong hita niya inilagay ang itim niyang jacket bilang panaklob sa kalahati ng hita ko na nakikita. Saka niya ipinatong ang Calculus book ko sa ibabaw ng jacket niya.

I haven’t talked so much with boys here. Hindi na ako nag-flings at nagseryoso na lalo sa pag-aaral para sa sarili ko. Ang mga interactions ko lang sa mga lalaki ay para sa activities lang.

Wala namang masama kung makikipag-interact ako sa kaniya ngayon.

“Okay lang,” sagot ko sa kaniiya.

Nang magtama ang tingin namin, napaawang ang bibig niya.

“Ikaw?” balik ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya. Tumunog ang cellphone ko sa isang notification at sinundan iyon ni Clarkson ng tingin.

That will be Konti. Hhindi ko muna pinansin ang cellphone ko at tinupi ko pasara ang libro ko.

“Ayos lang din naman. Matagal ka na rito?” tanong niya.

Ipinasok ko ang libro ko sa bag ko. I zipped it up before I turned to Clarkson.

That’s weird. Kilala ako ng halos lahat ng tao rito dahil pumutok ang balita noon na may bagong lipat na Laude dito. He doesn’t know? Not that he should, but it’s weird. It will be either he’s away from he civilization or he’s lying.

His eyes say nothing. Expressive ang pitch black niyang mata pero wala akong makita roon. Ni interes, wala pa rin akong maibigay. Nagkaroon noon, pero hindi na umalik. I can still remember the number and the pictures.

Or maybe I’m just too scared to touch because of what I watched back then. The touches, the sounds, and the oneness of their bodies… napakurap ako dahil naalala ko na naman.

“Oo. Magdadalawang taon na akong nakatira dito,” sagot ko, tinutukoy ang Batangas.

This is where I found peace and home. Walang nagne-name call sa akin dito at hindi ako masyadong pinapagalitan dito. Hindi araw-araw ang galit sa kain at walang kahit sinong minumura ako dito, maliban sa matabil na dila ni Celeste.

“Hindi ka masyadong nalabas?” sunod niya.

I tried to recall my leisure times. Gumagala ako madalas. With my family and my cousins. Nakalabas na rin ako kasama ang mga itinuturing kong kaibigan.

“Madalas akong gumagala,” I informed him.

“Hindi kita nakikita,” he said, referring to the past year I stayed here.

“Ako rin, hindi rin kita nakikita,” balik ko.

In other people’s hearings, this conversation is weird. Natutunog na hindi namin nakikita ang isa’t-isa ngayon kahit na mag katabi naman kami. It depends on the interpretation. Sa amin, hindi namin nakita ang isa’t-isa sa nagdaang panahon.

Napatawa siya ng kaunti, na hindi niya madalas ginagawa noon. This changed about him too, huh?

“Taga-bundok ka kasi,” husga niya hbang natatawa pa rin.

Bahagyang napakunot ang noo ko roon. He doesn’t know that I came from a civilized city. I have lived the city like and now he’s saying that I did not pass through civilization?

Mukha ba akong mangmang?

Well, that’s okay. Atleast, hindi mayabang ang tingin sa akin ng mga tao at magugulat sila kapag nalamang included ako sa high honors. The advantage is on me at kung gaganituhin ako ng lahat ng tao, sila lang rin ang mapapahiya dahil mali ang pagkakilala nila sa akin.

“Ikaw kamo. Galang -gala ako sa lugar na ito, ‘no,” balik ko sa kaniya.

He kicked a pebble that’s in front of us. Sinundan namin iyon ng tingin at nakalayo iyon sa harap namin.

“Galang-gala naman daw. Kahit nga sa peryahan hindi kita nakita,” tukoy niya sa tuwing pistahan.

“Anong ‘di nakikita ni Travis, eh, majorette si Sa--” rinig ko sa likod at napaungot na lang nang napaigil.

Natawa ulit si Clarkson. I still have an expressionless look and I did not even glance at him.

“Majorette ka pala?” tanong niya.

Bumuntong hininga ako. I thought everyone knows that already.

“Oo,” maikli kong sagot.

Recruit lang ako. Minsan lang ako sumisipot doon dahil busy ako sa studies ko. Summer after grade ten ako nagsimulang magmajorette.

I can remember the crowd I damced for. The people wanted to watch a Laude dance again for them. Na sa likod ko naman si Celeste noon, pero na sa akin pa rin ang tingin. They like the smooth waves and dances a Laude can give. Natural at lahi namin ang malambot ang katawan.

Natalsik ang leader ng majorette noon dahil ako ang piniling pamalit. I declined that offer but the leader wanted me to replace her, too. Ang nangyari na lang ay siya ang assistant leader na pumapalit sa akin kapag hindi ako pwede dahil sa pag-aaral ko.

Andaming pumasok sa isip kong sagot, pero isang salita lang ang ibinigay ko. Still not voicing out my thoughts. No need if it’s for a boy.

I finally checked my phone. Napakunot ang noo ko sa reply ni Konti.

Kontiñuito: Wala pa ga dyan? Umalis kami para sa OJT. Si Travis muna ang sundo mo ngayon.

The hell?

Iniharap ko ang text message ni Konti kay Clarkson. He traced the words with his pitch black eyes and eventually nodded.

Marahas akong bumuntong hininga at magkasabay na tumayo at ibinaba ang cellphone ko. I can’t do anything now. I don’t bring money to school.

Tiningala niya ako. Kumurap ako ng isang beses habang nakatingin sa kaniya.

“I need to go home,” ingles kong balik sa kaniya.

Ipinasada ko ang mga daliri ko sa anit pababa sa maikli kong buhok. Humangin ng kaunti kaya nagalaw rin iyon ng kusa.

Tahimik lang akong sumunod sa kaniya. I saw the familiar orange motorcycle of his. Matagal na ito, ah? This still looks brand new.

Nauna siyang sumakay. Ang taas ng seat ng motor niya. Patagilid ang kailnagan kong pag-upo dahil fitted ang miniskirt ko.

Hindi ako sa balikat niya kumapit kundi sa mataas na seat. Kunot-noo kong sinubukang umakyat at napahinga ako ng malalim nang makaupo ako roon. I placed my right hand on the right side of his uniform. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa bandang gitna ng tiyan niya. I placed it back on his right waist.

“Don’t push it,” babala ko sa kaniya.

Narinig ko lang ang pagtawa niya saka niya pinatakbo ang motor niya.

Sa daanan lang siya tumigil. I don’t think he will maneuver his motorcycle to the front of our terrace so I jumped out of his motorcycle.

“Thanks,” pasalamat ko.

I walked up the rocky soil of our land. Sinalubong ako ng iilang bantay na aso pero hindi naman sila kumahol dahil kilala na nila ako. My cat jumped up the terrace when I reached there. Binuksan ko ang pinto ng terrace dahil alam kong hindi pa nakakauwi si Papa.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Clarkson dahil akala ko umalis na siya but he’s still there. I advanced a walk inside the house and he smiled at me before nodding once. Saka lang siya umalis nang makita akong halos papasok na.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now