"P-pero, Sir Elliot, naipalam n'yo na ho ba ito sa daddy n'yo na gagamitin n'yo ang Queen Melody? Magagalit ho siya kapag pinakialaman n'yo na naman ang eroplano nang walang pahintulot mula sa kanya."

"The fck? Who the hell are you to give me order? Just fcking do what I say! Ako ang nagpapasuweldo sa 'yo!"

"S---sige po, Sir."

I threw my phone above the bed after ending the call. Napahilot ako sa aking noo. How dare him to question my orders? Empleyado lang siya. Tss.

Lumabas na lang muna ako ng kuwarto saka bumaba sa kusina. Nagugutom na kasi ako.

I can't wait for Saturday to come. Limang araw pa ang hihintayin ko bago ko ma-solo si Safina. I decided to just pursue her without the help of my friends. Mas maigi na rin na wala silang alam sa pinggagawa ko dahil tiyak na aalaskahin lang nila ako at kukutungan. Kagaya ng ginawa ni Dela Vega. Napakamadugas ang tangina. Ilang subo lang ng pagkain at ilang lagok ng alak ang napakinabangan ko sa apat na milyon.

"Oh, hijo? Nandito ka na pala. Hindi ko napansin ang pagdating mo. Kanina ka pa ba?"

Bumungad sa akin si Manang Biday na tila kalalabas lang ng kanyang kuwarto.

"Ngayon lang, Manang Biday. Kakauwi ko lang."

"Gano'n ba? Baka nauna ka lang sa akin nang ilang minuto. Galing akong simbahan. Bakit hindi ka kasi sumama? Sayang naman."

"May pinuntahan lang ho ako, Manang Biday."

"At saan naman? Linggo na Linggo, gala ka nang gala. Tumawag ang daddy mo kanina noong kaaalis mo lang. Hinahanap ka. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya."

I gritted my teeth.

"Ano na naman daw ang kailangan niya, Manang?"

"Hijo..."

Nagbukas ako ng refrigerator nang mapansing kong nagbago ang timpla ng mukha ni Manang Biday.

"Sa susunod na tumawag ulit siya, pakisabi na lang ho na wala na ako rito. Umalis na."

"Susmaryosep, Elliot! Bakit ka ba ganyan sa daddy mo? Ama mo pa rin iyon."

I laughed bitterly. "He already disowned me years ago, Manang. Kaya wala na siyang anak at wala na akong tatay. Baka nakakalimutan n'yo kung ano ako sa paningin niya."

"Hijo, intindhin mo na lang ang daddy mo."

"Hanggang kailan, Manang Biday? Matanda na siya para sayangin ang buhay niya sa pagkamuhi sa sarili niyang dugo."

"Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa daddy mo, hijo. Nakatitiyak akong natatabunan lamang siya ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng mommy mo no---"

"Manang!"

Kumuyom ang aking kamao. "Pasensya na, hijo. Hindi naman sa nanghihimasok ako. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Para rin naman sa ikabubuti mo at ng pamilya mo ang---"

"Hindi lahat ng buo ay nakakabuti sa pagkatao, Manang. Alam n'yo kung bakit? Kasi madaling mabasag ang isang buong baso kaysa dati nang basag."

"Hijo..."

"Pakiinit na lang po ng ulam. Maliligo lang ako saka bababa ulit."

Tinalikuran ko si Manang. Fck this life!

----

SABADO.

Sa sobrang sabik kong makita si Safina ay gising na ako mga alas kuwatro pa lamang ng madaling araw. Kagabi pa ako nag-impake ng dadalhin. Ipinaalam ko na rin ay Manang Biday na aalis ako nang maaga.

Sumandal ako sa bumper ng kotse. Isang oras pa ang hihintayin ko bago ako umakyat ng building kung nasaan ang condo ni Safina. Mga 5:30 pa lamang ng umaga ay nandito na ako. Nakalimutan kong alas siyete pala ang usapan naming susunduin ko siya.

Pumasok ulit ako sa kotse at nagpatugtog. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong inayos ang suot kong polo. I want to look presentable and perfect in her eyes.

6:50AM.

I grinned. Ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko. Tangina, simula nang makilala ko si Safina lagi na lang abnormal ang heartbeat ko. Parang lagi akong na-e-excite. Shit! This is so not me.

Papasok na sana ako sa lobby ng condominium nang maaninag ko ang isang pigura na may akay-akay na trolley.

"Safina?"

She turned her gaze to me. And I swore I felt something jumped off my ribcage.

"Elliot?"

Napasipol ako habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a knitted navy blue round neck dress. Hapit na hapit ang kanyang katawan. She's so damn sexy in my eyes!

"Ang aga mo naman," puna niya.

Tumikhim ako para pakalmahin ang alaga kong bigla na lang nag-react. Damn this hormone. Simula nang makilala ko ang babaeng ito ay mas naging aktibo ang stamina ko.

"Ah, yeah. Aakyatin sana kita. Nagulat akong nandito ka na."

Kinuha ko ang bitbit niyang trolley saka pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay.

"Teka lang, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit mo pa ako pinag-impake? Anong klaseng date ba ito?" sansala niya habang ikinakarga ko sa compartment ang kanyang bag.

I winked at her.

"Sa Cebu. Para siguradong hindi mo ako mai-Indian."

©GREATFAIRY

Hopelessly Devoted to YouWhere stories live. Discover now