Chapter 24: Unexpected Return

27 9 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Tama, heto ang private office ko. Ipinatayo ito ni Mama para sa akin noong kapapasa ko pa lang sa BAR exam. Ang sabi niya nga noon, masiyado raw siyang advanced mag-isip kaya hayun, pinatayuan niya ako nang hindi ko nalalaman.

Inilabas ko ang susi mula sa bulsa ng fitted pants ko at binuksan ang pinto. Napaubo pa ako dahil sa sobrang alikabok. Kahit na maayos ang mga gamit sa loob, medyo nakaramdam pa rin ako ng panlulumo nang makita kung gaano karami ang mga sapot sa kisame.

Katatapos ko lang ipa-renew kahapon ang mga papeles na kailangan ko para i-open ulit ito. Ngayon naman, maglilinis na ako rito. Siyempre, kailangang asikasuhin na ang mga dapat asikasuhin para official na muli akong magbalik sa trabaho bilang isang abogado next month – sakto sa pag-uwi ni Mama. Ipinangako ko kasi sa kaniya noong magtratrabaho na ako ulit sa pagbalik niya.

"Kainis ka namang alikabok ka. Hindi ka naman welcome dito, eh. Trespassing ka."

Inabot ako ng mahigit anim na oras bago ako matapos. Grabe, sobrang haggard ko na noong tignan ko ang sarili ko sa screen ng phone ko. Lagi pa akong napababahing dahil sa alikabok.

"Yes! Sa wakas, tapos na!" Pabagsak akong umupo sa desk ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kabuoan ng office, tila bagong-bago ito dahil sa sobrang linis. Good job, Shane!

Wala sa sariling napatayo ako mula sa aking kinauupuan noong makita ko ang isang lalaking pumasok sa glass door. Tila bumagal naman ang mundo ko nang ma-realize ko na si Andrei iyon. Ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Aba, napakalinis, ah," pagpuri niya habang tinitignan ang office. Nang tumingin na siya sa akin, tumawa na siya. Malamang, pinagtatawanan niya ang hitsura ko ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya huminto siya. Kumunot naman ang noo ko nang seryosong tumitig siya sa akin. Medyo nailang ako pero hindi ko pinutol ang tingin ko sa kaniya.

"Mas maganda ka pala kapag haggard."

What the . . . Kahit na pakiramdam ko, nag-iinit ang paligid ko, hindi ko iyon pinahalata. Kaasar. Ba't kasi bumanat pa siya?

Inibahan ko na lang ang usapan. "Why are you here?"

Mukhang kagagaling niya palang mula sa hospital. May dala-dala siyang bouquet ng mga white tulips at isang brown na paper bag.

"Napag-isip-isip kong hindi ka pa siguro kumakain kaya heto, hinatiran kita ng makakain and for bonus, flowers," wika niya as he winked. Aba, inaakit niya ba ako?! Ipinatong niya sa desk ko ang mga hawak niya at inilabas ang mga laman ng paper bag. "At dahil sa wala kang kasamang kakain, sasamahan na lang kita."

Natawa na lang ako. "Para-paraan ka rin, 'no?"

"Of course," proud niya pang tugon.

At hayun nga, sabay kaming kumain. Pagkatapos n'on, umalis na rin siya dahil may appointment daw siya. Napagdesisyunan ko na ring umuwi.

Kararating ko pa lang, nagsalubong na ang mga kilay ko nang sabihin sa akin ni Ate Lydia na may bisita raw ako. Sigurado naman akong hindi si Andrei ang tinutukoy niya dahil seryoso naman ang kaniyang pagkasabi at si Andrei ang kasama ko kanina.

"Nasaan po siya?"

"Nasa sala."

Nagpunta ako roon. Nadatnan ko ang isang pamilyar na lalaki. Nakaupo siya roon sa sofa, tila kanina pa naghihintay. Sa bawat paglapit ko sa kaniya, unti-unti kong napagtanto kung sino siya. Mas lalong bumibigat ang mga hakbang ko papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

Ano ang ginagawa niya rito?

Dahan-dahang kumuyom ang aking mga kamao. Ramdam ko na rin ang aking panginginig.

Napatayo siya nang makita ako. Malungkot siyang nakatingin sa akin, kinakabahan din sa muli naming pagkikita.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Alam kong masaya ako kasi nakita ko siya ulit ngunit heto, nakararamdam din ako ng galit.

"Ano ang ginagawa mo rito?" mariin kong tanong sa kaniya.

Napaluha siya dahil sa sinabi ko. Ako rin naman. Umiyak din ako nang malaman kong pinagpalit niya si Mama.

"Shane." Napahikbi siya at napaluhod sa harapan ko. "Anak."

"Umalis ka na," matigas kong sabi.

Umiling siya habang nakayuko. "Hindi. I will never leave you and your mom for the second time."

"Umalis ka na," ulit ko pero nanatili pa rin siyang nakaluhod. Ako na lang ang umalis.

Tinawag ni Ate Lydia ang pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon.

Kahit na nanginginig ako sa iba't ibang emosyong nararamdaman ko, nagawa ko pa ring maglakad papunta sa garahe at sumakay sa sasakyan ko. Habang nagmamaneho, walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha.

Pa, kasakit pa rin. Bakit ka pa ba bumalik? Para saan pa?

~*~

Hindi ko alam kung paano ko naisip na puntahan si Andrei sa hospital. Basta, namalayan ko na lamang ang sarili kong nagmamaneho papunta roon.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at huminga nang malalim bago lumabas ng kotse. Pinakalma ko muna ang sarili sa parking lot at tuluyan nang pumasok sa hospital.

Kinausap ko ang isang babaeng nurse na naka-duty sa information desk at tinanong kung saan ang office ni Andrei.

"Ma'am, may appointment po ba kayo sa kaniya?"

"Ah, wala, but I'm here to talk to him. I'm one of his friends," sabi ko.

She looked at me apologetically. "Sorry po, Ma'am. Kasalukuyang nasa appointment po siya ngayon with a patient from Cebu."

"Matagal-tagal ba ang appointment niya?"

"Opo."

Pilit akong napangiti sa nurse. "Okay. Thank you."

Napabuntong-hininga ako sa pagkadismaya. Bumalik na lamang ako sa parking lot at sumandal sa pintuan ng kotse ko.

Ayaw ko naman na siyang hintayin dahil baka may iba pa siyang appointment. Ayaw kong makaistorbo sa kaniya.

Busy lahat ang mga kaibigan ko. Si Ate Lydia, nasa bahay naman kung nasaan si Papa. Si Mama, hindi ko naman puwedeng tawagan at sabihin sa kaniya ang dahilan ng pag-iyak ko. For sure, magkakagiyera kapag nalaman ni Mama na dumating si Papa. At si Andrei, busy rin.

Sarili ko na lang ang karamay ko sa ngayon.

Mariin akong napapikit. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi pa rin ako sobrang makapaniwalang nagbalik si Papa.

Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang kumawala.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon