Chapter 28: Another

7 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Binalikan ko sina Andrei at nagmadaling magpaalam. "May emergency po sa amin. Next time na lang po ulit. Salamat po sa payo ninyo kanina."

"Shane." Mukhang napansin ni Andrei na bilasa ako.

"I'm fine," I assured him. Ngumiti ako at kumaway bago napatakbo paalis.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Medyo malayo-layo rin pala ang nilakad ko kanina.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko agad sila sa sala. Nasa gilid ng sofa ang mga bagahe ni Mama. Mukhang nagkasagutan na sila noong kararating niya lang.

"Napakakapal ng mukha mo para magpakita pa ulit sa amin!"

Nakayuko lamang si Papa habang sinisigawan siya at hinahampas ni Mama. Tila nanghina ako nang makita ko silang parehong umiiyak. Alam ko, pareho silang nasasaktan.

"Sinira mo ang pamilya natin!"

Nakatatawa lang na isiping nandito na kaming tatlo ngayon. Kumpleto nga kami ngunit wala pa ring pinagkaiba – hindi pa rin maayos gaya ng dati.

"Napakawalang-hiya mo!"

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko kaya ikinuyom ko ang mga ito. Tuluyan na namang umagos ang mga pesteng luha ko.

"Hindi ka humingi ng tawad sa amin noon tapos ngayon, hihingi ka ng tawad?!"

Sobrang sakit.

Kusang gumalaw ang kanang kamay ko at kinuha nito 'yung isang white flower vase sa wooden table na nasa tabi ko.

"Sa tingin mo ba, madali?!"

Hinigpitan ko ang hawak sa vase at binitawan. Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag nito. Wala na akong ibang narinig maliban sa kabog ng puso ko at malalalim kong paghinga.

Mula sa pagkakayuko, tinignan ko sila. Nakatingin sila sa akin at parehong gulat sa ginawa ko.

"Pa, Ma, puwede po bang kalimutan na lang natin kung ano ang nangyari noon?"

"Pero, Shane—"

"What's the point of not forgiving him?" Bahagyang napagtaasan ko ng boses si Mama. "Nagsisisi na si Papa. Nasasaktan din tayo. Ma, nagkakasakitan na lang tayo dahil sa nangyari noon. Can we just forget all about it? I'm sick of it! Gusto ko lang naman pong maging buo na tayo ulit."

Napaiwas sila ng tingin. Hindi nila magawang magsalita. Nanatili lamang silang tahimik.

Napangiti ako nang maalala ang sinabi ni Manong na nagtitinda ng ice cream sa amusement park at ng mama ni Andrei.

"Sa mundong ito, walang taong hindi nakagagawa ng mali kaya matuto tayong magpatawad. Anyone deserbs (deserves) a sekkand (second) chance."

"Hija, alam kong mahirap iyang pinagdadaanan mo ngayon pero, hindi naman masamang magpatawad. Mas gagaan ang loob mo kapag nagpatawad ka. Isipin mo, napakatagal mo nang nangungulila sa papa mo at nagsisisi na rin siya, 'di ba't mas mabuti kung makikipag-ayos ka na sa kaniya? He wants a second chance, why don't you give it to him? Baka kung hindi mo pa ibigay, hindi natin alam ang takbo ng buhay, baka tuluyan nang mawala ang chance na iyon. Grab it while there's more time, Hija."

"Ma, Pa," tawag ko sa kanila. Tinignan nila muli ako. "Can't we just grab this another chance to be a happy family again?"

Nakatulala lamang sila sa akin. Wala man lang sumagot, kahit na pagtanggi man lang o ngiti. I just smiled at them sadly and walked out. It's hopeless.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon