Chapter 29: Reunite

7 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Tila nag-echo sa isip ko ang huling sinabi niya. Muntikan ko pang nabitawan ang cup ko. Mabuti na lang, naipatong ko ito agad sa mesa.

"Sh-shane . . . it's not what you think—"

I forced myself to smile. "Oh, hello." Nakipagkamay ako sa kaniya. "I'm Attorney Shane Smith. Isa ako sa mga kaibigan ng boyfriend mo."

Sa peripheral vision ko, nakita kong nakatingin sa akin si Andrei habang nakakunot ang kaniyang noo. Siguro, nagtataka siya kung bakit ako ganito kumilos. What the hell?! Siya pa itong may ganang magtaka?! Siya nga itong may itinatago sa akin! Siya nga itong nanloloko!

Medyo nanginginig na ang kamay ko but, I managed to drink my coffee. Diretso kong nilagok lahat iyon. Noong matapos ako, kaagad akong tumayo.

Tinignan ko si Andrei na nakatingin pa rin sa akin. "Thanks for the coffee treat, Doctor Williams." Tinignan ko rin ang girlfriend niya. I still flashed my smile. "I need to go. Have a nice date and hook up with him, Miss," sarkastikong paalam ko.

Manloloko! Akala ko pa naman, seryoso talaga siya. Ano ang nangyari sa napakabait kong childhood friend? He turned into a freak man! Ang sakit! Pinagmukha niya akong tanga. Bakit kung kailan na ako nahuhulog sa kaniya, saka ko pa nalaman ang tungkol dito?

"Kainis!" Paulit-ulit ako sa pagmumura nang makasakay na ako sa loob ng kotse. Pinaghahampas ko ulit ang steering wheel hanggang sa mapagod ako. And yes, for the nth time, I cried again because of another heartbreak.

Nang tumahan ako, nagtungo ako sa aking private office. Lutang akong nagpalipas-oras doon, nakatulala sa kawalan. Saka lang ako umuwi noong mag-a-alas-singko na.

Hindi pa ako handang umuwi. Ayaw ko pang harapin sila ngunit wala naman akong ibang magagawa. Kailangan kong gumawa ng paraan para magkaayos na sina Mama at Papa.

Pagkarating ko, kaagad akong sinalubong ni Mama ng yakap. "Anak, saan ka ba pumunta? If you want a complete family, I'm fine with it. Basta, huwag kang bigla-biglang mawawala."

Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap niya. Malungkot akong napangiti. "Ma, that's not what I meant. What I want is a happy family." Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya dahil tumungo na ako sa kuwarto ko.

It's too early to give up. Kung imposibleng magkaayos pa sila, I'll make it possible.

Pinuntahan ko si Papa sa kuwarto niya. Kaagad niyang binuksan ang pinto matapos akong kumatok ng dalawang beses. Nagulat siya nang makita ako. Binigyan ko siya ng isang ngiti.

I have decided already. "I don't want to remember the past anymore. I want to forget it. Pa, gusto ko lang malaman mo, pinapatawad na kita."

Mukhang natagalan pa siya bago totally nag-sink-in sa isip niya ang sinabi ko. Kalaunan, napangiti rin siya. "Thank you, Shane." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Maraming salamat. Kahit papaano, gumaan ang napakatagal ko nang dinadalang pagsisisi. I promise you, babawi ako."

"Sige po pero, bago po iyon, bumawi po muna kayo kay Mama."

Lumungkot ang mukha niya. "It seems impossible for your mother to forgive me. Malaki pa rin ang galit niya sa akin, Shane."

Tinapik ko ang balikat niya to assure him, "Don't worry, Pa. Tutulungan ko kayong magkaayos."

~*~

Sabay-sabay kaming tatlong kumain ng hapunan. Hindi nakisabay si Ate Lydia kasi nahihiya raw siya sa mga magulang ko.

Habang kumakain, walang ibang nagsasalita maliban kay Mama na siyang kumakausap sa akin. Nanatiling tahimik si Papa. Siguro ay dahil nahihiya pa rin siya dahil sa nagawa niyang kasalanan.

Ikinuwento ni Mama lahat ng nakatatawang karanasan niya habang nasa abroad siya. Nakitawa na lang ako para hindi mas lalong maging awkward ang atmosphere.

~*~

Bago ako matulog, pumunta ako sa kuwarto ni Mama. Katabi rin iyon ng kuwarto ko.

Nagbabasa siya ng isang nobela habang nakaupo sa kama noong pumasok ako. Isinara niya iyon kaagad nang mapansin niya ako. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya kaya roon ako umupo.

"Ma, sorry kung hindi ko po sinabing nandito si Papa."

She smiled gently. "I understand. Totoo namang magagalit talaga ako kapag nalaman kong nandito siya."

"Paano po pala ninyo nalamang nandito siya?" Hindi niya binanggit ang tungkol doon kaninang kumakain kami kaya naisipan kong itanong.

Napabuntong-hininga siya. "Sinabi sa akin ng Tita Monique mo."

Bahagya akong napanganga sa kaniyang sinabi. "Eh? Paanong . . . akala ko, wala na kayong connection sa mga kamag-anak ni Papa."

"Anak naman, best friend ko ang Tita Monique mo. Best friend ko na siya bago ko pa makilala ang papa mo. Hindi naman puwedeng putulin ko na lang ang connection ko sa kaniya nang dahil lang sa paghihiwalay namin."

Napatango na lamang ako bilang pag-intindi. It made sense.

"Five days ago, tinawagan niya ako para sabihing balak ng papa mong puntahan ka kaya ako umuwi kaso gaya nga ng inaasahan, nauna siyang nakapunta rito." Marahan niyang inipit ang buhok kong humihiwalay sa aking kanang tainga habang nagsasalita siya. "Anak, natakot ako. Natakot akong baka kunin ka niya sa akin."

Automatic akong napasimangot. "Ma, abogado ako, o. Hindi na ako menor de edad para pag-agawan. At saka, you have the both rights on me. Ma, remember, in the eyes of the law, mag-asawa pa rin po kayo." I sadly smiled. "Pasensiya na po pero gusto ko lang pong malaman, wala na po ba talagang pag-asang magkaayos pa kayo ni Papa?"

Napatingin ako sa aking mga kamay nang hawakan iyon ni Mama at bahagyang hinigpitan. Hindi siya agad nakasagot.

"Alam mo, sa paglipas ng panahon, napag-isip-isip ko rin iyan. Sobrang pagod na ako sa pagdala ng galit at sakit ng loob mula sa nangyari noon." Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking kaliwang pisngi. Napatitig ako sa kaniyang mga mata nang masulyapan ko ang isang luhang pumatak sa ibabaw ng aking kamay. "Thank you for waking me up. Tama ka, Shane. Let's forget the past and give our family another chance to be happy."

"Ma, thank you." Niyakap ko siya nang sobrang higpit.

Finally!

"Kamusta na pala kayo ni Andrei?" Tila may kumirot sa puso ko nang marinig iyon. Sa isang iglap, naglaho ang ngiti sa aking mga labi. Tinignan ko si Mama. Mukhang napansin niya ring nag-iba ang timpla ng mukha ko nang banggitin niya si Andrei. "Bakit? Did you have a fight with him?"

Umiling ako. "Hindi, Ma. Ayaw ko lang po muna siyang pag-usapan."

"Gano'n ba? Okay lang if you don't want to talk about it pero, kung nasasaktan ka dahil sa kaniya, sabihin mo lang sa amin ni Papa mo, malalagot siya sa amin. Naku, kahit na doctor iyon, gagawin namin siyang pasyente sa hospital," biro niya. Itinaas-taas niya pa ang mga sleeves ng shirt niya at pinalo-palo ang mga braso, para bang maskulado.

"Naku, Ma, baka maging bangkay na siya sa morgue sa lagay na iyan."

"Talaga!"

Nagkatitigan kami nang panandalian at tuluyan na kaming natawa. Oh my, baka ganoon nga ang maging kahihinatnan ni Andrei kapag nalaman nilang niloko niya ako.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon