Chapter 32: Find Him

6 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Matapos ang isang oras na pananatili roon, umuwi na rin ako. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari kahapon kaya lutang ako. Kanina pa ako nakauwi ngunit, narito pa rin ako sa loob ng kotseng nakagarahe na.

Hindi pa sana ako bababa kung hindi lang ako pinilit ni Ate Lydia. May sasabihin daw kasi siyang paniguradong ikatutuwa ko pero saka niya raw sasabihin kapag lumabas na ako mula sa sasakyan.

"Heto na po, nakababa na," walang kabuhay-buhay kong sabi. Ewan ko ba, para akong lantang gulay ngayon.

Halos masira na yata ang bibig niya sa sobrang lapad ng ngiti. Lantang-gulay talaga ako ngayon, walang talab ang ngiti ni Ate sa akin, eh.

"Ano po ba 'yung sasabihin ninyong good news?"

"Inaya ni Sir si Ma'am. Nag-date silang dalawa!" sigaw niya. Sa sobrang kilig niya, nagtatatalon-talon pa siya, para bang isang kangaroo.

Napangiti na lang ako nang marinig iyon. Kaunti na lang, magkakaayos na talaga ang pamilya namin.

Tumigil sa katatalon si Ate Lydia nang may marinig kaming nag-doorbell. Pumunta siya sa may gate at tinignan kung sino iyon. Pagbalik niya, nagtaka ako nang makita kong mukha siyang nag-aalala.

"Bakit ganiyan hitsura mo, Ate? Sino po ba iyon?" tanong ko.

"A-ah, ano," napakamot siya sa batok niya, tila nag-aalangang sabihin, "'yung mama ni Andrei."

Kaagad akong pumunta sa nakabukas na gate at kinausap siya. Kinabahan ako noong magkasalubong ang tingin namin. Ngumiti ako. "Hi po, Tita. What's with the sudden visit po?" Gumilid ako. "Halika po, pasok ho kayo."

Umiling siya. Hindi man lang siya ngumiti. Sa katunayan, kitang malungkot siya. "Hindi na, Shane. I just want to ask if you know where is Andrei right now."

Literal akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi hindi ko naman talaga alam. "Uh, Tita, hindi pa po ba siya umuuwi sa inyo?"

"Kahapon pa siya hindi umuuwi. Sobrang nag-aalala na nga ako sa batang iyon. Kung hindi siya makakauwi, tinatawagan or tine-text niya naman ako. This time, it is different. Ako na nga mismo ang nagme-message at tumatawag, hindi man lang siya sumasagot."

"Hindi ko rin po alam kung nasaan po siya."

Napabuntong-hininga si Tita. "Hija, tell me the truth, nag-away ba kayo ni Andrei?"

Bull's eye. Napatawa ako nang pilit. "Maliit na tampuhan lang po, Tita."

"Kung ano man iyang tampuhan na iyan, remember, Shane, hindi ka magagawang lokohin ng anak ko. Mahal na mahal ka n'on, eh. Ikaw pa lang ang babaeng laging bukambibig ni Andrei. Napakatagal ka niyang hinanap and after many years, he's so happy when he saw you again."

Wala sa sariling napangiti ako. "I know, Tita," mahinang sambit ko, "Don't worry, Tita. Update ko po agad kayo kapag nalaman ko na po kung nasaan siya."

"Maraming salamat, Shane."

"Welcome po."

Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Tita, dali-dali akong pumunta sa kuwarto ko. Binuksan ko ang aking phone. Hindi nga ako nagkamali, binaha ng mga messages ni Andrei ang inbox ko at napakarami ring missed calls mula sa kaniya.

Let me explain.

That woman is not my girlfriend. Kaibigan at kasamahan ko lang siya sa hospital.

Please, believe me, Shane.

Nagulat nga rin ako sa ginawa niya.

Kainis kasi ang Christie na iyon.

Sinabi niyang ginawa niya lang daw iyon para raw malaman ko kung gusto mo na ba ako o hindi.

Hindi ako taksil sa iyo, Shane. Believe me!

This guy only loves you.

He doesn't want any woman in his life except you!

Believe me.

If I made you upset or hurt, I'm really sorry.

Talk to me. Please.

Sorry.

Panay 'sorry' na ang ibang laman ng mga messages niya. Somehow, na-guilty ako ngunit hindi pa rin n'on maiwawaglit ang nararamdaman kong inis.

Labag man sa kalooban ko, tinawagan ko siya. Fortunately, nag-ring ang kaniyang phone at sinagot ang tawag. "Where are you?" diretsong tanong ko.

"Why? Hahanapin mo ba ako?" I could sense bitterness in his voice.

"Nag-aala na ang mama mo sa iyo. Just go home."

"Ikaw? Hindi ka ba nag-aalala sa akin?"

Mariin akong napapikit. Please, Andrei, don't get hard on me. "Where. Are. You?"

Napatingin ako sa screen ng phone ko noong pinatay niya na ang tawag. I just looked at it unbelievably. Tinawagan ko siya ulit ngunit hindi na siya sumagot. Uh, Andrei, you are really getting in my nerves!

Sobrang labag talaga sa kalooban ko itong gagawin ko subalit para kay Tita, gagawin ko. Kinuha ko 'yung brown jacket mula sa closet at isinuot. Tumakbo ako papunta sa garahe at sumakay sa loob ng kotse ko.

"Saan ka pupunta, Shane?" natatarantang tanong ni Ate Lydia habang tinitignan niya ako mula sa salamin ng sasakyan.

"May hahanapin lang po ako. Tell my parents, they don't have to worry," I smiled at her para naman mabawasan ang pag-aalala niya rin sa akin.

Napatango na lamang siya kahit na alanganin. "I-ingat ka."

"Always po."

Una kong pinuntahan ang hospital kung saan siya nagtratrabaho ngunit wala siya. Sabi ng isang staff sa information desk na nag-take daw siya ng leave for two days. Hindi naman daw sinabi ni Andrei kung bakit siya nag-leave at kung saan siya pumunta.

Bago ako sumakay sa kotse ko, isa-isa kong tinawagan sila Ben, Zy, at May pero wala rin silang alam. Nagtanong pa nga sila kung bakit ngunit sinabi kong next time ko na lang sasabihin. Alam ko naman, may hint na sila kung bakit ko hinahanap si Andrei. Mga kaibigan ko sila, malamang, kilalang-kilala nila ako.

Sunod kong pinuntahan ang bar na pagmamay-ari niya. Ito rin ang bar kung saan ginanap ang birthday party niya noon. Kinausap ko mismo ang manager. Sinabi nitong wala siya pero kaninang umaga, nagpunta raw siya para lang sabihing ingatan daw nila ang bar habang wala siya ng dalawang araw. Hindi niya rin sinabi kung saan siya pumunta.

Pumunta rin ako sa park kung saan kami laging naglalaro noong mga bata kami ngunit wala rin siya roon. Ganoon din sa amusement park kung saan niya ako dinala. Napabili pa nga ako ng tatlong bottled water sa isang booth na nakita ko pagkatapos kong libutin ang napakawalak na lugar na iyon.

Napahampas ako sa manibela ng sasakyan ko dahil sa inis. Kanina pa ako nagmamaneho ngunit hindi ko naman alam kung saan na ako susunod na pupunta. Napuntahan ko naman na lahat ng mga alam kong puwede niyang puntahan.

Andrei, where the hell did you go?!

Nanatili akong tahimik habang iniisip kung saan siya posibleng pumunta. Napahinga ako nang malalim noong may isang lugar na pumasok sa isipan ko. Sana nga, naroon na talaga siya.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon