Chapter 34: Red Alert

7 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Sorry for the kisses yesterday but promise, I'll make it up to you.

Iyan ang bumungad sa akin na text message from Andrei pagkagising ko pa lang. Iniiwasan ko ngang alalahanin ang nangyaring iyon kaso pinapaalala niya naman. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko kada naaalala ko iyon.

Hindi ko siya ni-reply-an. Medyo naiinis pa rin ako dahil sa iniwan niyang mark sa leeg ko. Napansin nga ni Mama ito noong nagkuwentuhan kami kahapon kaya hayun, inasar-asar niya ako.

Dahil sa wala naman akong ibang gagawin ngayon, binisita ko si May sa main branch ng coffee shop niya. Oo, iyon ang business niya. Sa katunayan nga, nakapagpatayo na siya ng 47 branches sa iba't ibang panig ng bansa. Na-a-amaze nga ako masiyado sa best friend kong iyon kasi sa loob lang ng tatlong taon, napakabilis umasenso ng negosyo niya.

Dali-dali ko siyang niyakap pagkakitang-pagkakita ko pa lang sa kaniya. "I missed you, May!"

"Mabuti naman at naalala mo pa akong bisitahin," natatawang saad niya.

"Siyempre."

Doon na namin ipinagpatuloy sa kaniyang office ang kuwentuhan namin while having cups of coffee and slices of cake. Pinag-usapan namin ang tungkol sa family namin at ang tungkol kay Andrei (hindi ko sana babanggitin 'yung about sa kiss ngunit nadulas ako). Gulat na gulat nga siya kada may sinasabi akong hindi niya pa alam.

"Ilang araw lang ang nakalipas, parang ang layo na ng mga nalalaman ko sa iyo, ah, Bes," sabi niya. Hindi naman ako insensitive para hindi maramdamang medyo malungkot siya. "Alam kong busy ako pero, Shane, remember, I'm still your friend. I can give you time for us to talk about your problems."

"I know. Sorry. Masiyadong occupied ako that time kaya ngayon ko lang nasabi ang mga ito."

"It's alright." Napabuntong-hininga siya at muling ngumiti. "So, are you going to have a celebration? You know, for being complete again?"

"Yup, three-day vacation sa Ilocos. Do you want to come?"

Umiling siya. "No, I refuse. Sorry pero kasi busy ako next week. May ipapatayo kasing bagong branch kaya I need to focus on that. And besides, it's your vacation, Shane, with your family."

~*~

Pagkatapos ng kuwentuhan namin ni May, I have decided na tumungo sa private office ko. May mga files pa kasi akong nakaligtaang ayusin.

"Gabi na pala," bulong ko sa sarili nang mapansing madilim na sa labas noong matapos ako. Masiyado yata akong naka-focus sa pagsusunod-sunod ng mga documents.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nila-lock ang pinto. Sumakay na rin agad ako sa kotse. Bubuksan ko na sana ang engine nang makaramdam ako ng malamig na bagay sa sentido ko.

Crap!

Kahit na kinakabahan ako, nanatili akong kalmado. Sa harap lamang ang tingin ko. Sinubukan ko siyang tignan sa aking peripheral vision ngunit wala ring silbi. Nakasuot kasi ito ng itim na maskara at purong itim na damit.

"S-sino ka? What do you want?"

"Hindi mo na kailangang malaman, Miss. Mamamatay ka lang din naman."

Tinabayan ko ang loob ko. Walang mangyayari kung ganito lang. I tried to sound like I was not afraid of him. "At least, alam ko ang pangalan ng killer ko bago ako mamatay, 'di ba?"

Tumawa siya nang nakakakilabot. "Kung sabagay, sige, sasabihin ko sa iyo. Baguhan ka lang na abogada noon pero, lintik ka! Maayos kong idinispatya lahat ng ebidensiya pero nagawa ninyong halughugin! Dahil sa inyo, nakulong ako," mariin niyang sabi.

Ito rin ang isang nakaiinis sa mundong pinasukan ko, 'yung mga taong gagawa ng krimen ngunit kapag nahuli na, hindi na nila tinatanggap ang mga parusa para sa ginawa nila. They should know that everything has consequences, sinasadya man o hindi.

Sinubukan kong alalahanin ang sinabi niya. "Mister Ernest Dela Cruz?"

"Tama. Mabuti naman, naaalala mo pa."

"Mister, kasalanan rin naman po ninyo iyon. In the first place, sana po, hindi na ninyo ginawa. It's your fault, face the consequences."

"Gago ka ba?!"

Napangisi ako nang tuluyan na siyang mangalaiti sa galit. "It's a life that you dared to kill. Hindi naman po yata tamang mabuhay pa kayo nang matiwasay pagkatapos n'on."

"Aba, gago talaga!"

Bago pa man niya maipaputok ang baril, inagaw ko na iyon. Masiyado siyang malakas kaya nahirapan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang makinang na bagay na hawak-hawak niya habang nakikipag-agawan. Masuwerte ako dahil nagawa kong agawin sa kaniya ang baril at itutok sa kaniya. Papuputukan ko na sana siya kaso nagawa niya nang makatakbo palabas. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at pinaputukan siya sa kaniyang kanang binti kaya siya nadapa.

"A-ah . . . a-ang sakit. Buwisit."

Lumapit ako sa kaniya at pinukpok ang baril sa kaniyang batok para mawalan siya ng malay.

Hinihingal akong bumalik sa sasakyan para kunin ang phone ko. Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang mga pulis.

Habang kinukuha nila ang suspect, kinausap ako ng isang pulis tungkol sa nangyari. Natapos din naman agad iyon kaso ang ipinagtataka ko, medyo nahihirapan akong huminga.

"Uh, Attorney . . . "

Tinignan ko ang pulis na kaharap ko ngayon. "W-why, Officer?" Napansin kong nakatingin siya sa may bandang tiyan ko kaya napatingin na rin ako rito. Ngayon ko lang napansing basang-basa na ako sa sarili kong dugo. Kaya pala, may saksak ako.

ANDREI'S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong nakatambay rito sa isang kubo kung saan kitang-kita ang malawak na karagatan. Kumikinang ang bawat alon dala ng reflection ng mga bituin sa kalangitan.

Lumagok ako sa beer na kanina ko pa hawak-hawak. Pangalawa na itong iniinom ko. May isa pang boteng hindi pa nabubuksan. Nakapatong ito sa maliit na mesang nasa harapan ko.

Muli akong tumingin sa karagatan. Napangiti ako nang maalala ang paghalik ko kay Shane kahapon. Sobrang saya ang naramdaman ko nang humalik din siya pabalik sa akin. Now, I am sure, our feelings are mutual.

Nasira ang moment ko kasama ang karagatan nang biglang mag-ring ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Christie na tumatawag. Hindi ko alam pero nakadama ako ng kaba.

"Why did you call me?" seryosong tanong ko. Medyo naiinis pa rin kasi ako sa pangingialam niya sa amin ni Shane.

"Your girl was brought here in the hospital. Nasa emergency room siya ngayon."

Awtomatikong tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Ano ang nangyari sa kaniya?!"

"May sumaksak sa kaniya. You better come here first. I'll tell every detail to you once you have arrived."

Napamura ako nang tapusin niya na ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit 'di na niya sinasagot.

Kaagad akong nagbalik sa hotel para kunin ang mga gamit ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili noong pumasok ako sa aking sasakyan. Napahampas pa ako sa manibela habang nagmamaneho.

Sino ba ang walang hiyang nagtangka sa buhay niya?!

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon