Chapter 19: Fever

28 13 0
                                    

ANDREI'S POINT OF VIEW

Ang init niya kaninang niyakap ko siya. Bakit napakadali mo namang dapuan ng lagnat, Shane? So here I am, nakaupo sa tabi niya - binabantayan ko siya habang tulog sa kaniyang kama habang ang tatlo, naglalaro ng scrabble game sa sahig.

Tanghali na at sa wakas, humupa na ang ulan kaya ngayon, tirik na tirik ang araw. Hindi muna namin itinuloy ang planong pagsu-swimming dahil may sakit si Shane. Nakagi-guilty naman kasi kung kami ay nagsasaya tapos siya, naritong nakahilata at mag-isa.

"Talo ka, May! Pangatlong beses na. Ikaw bumili ng lunch natin," natatawang sabi ni Ben.

Inis namang tumayo si May. "Dinadaya n'yo naman yata ako!"

"Hindi. Talunan ka kasi," banat naman ni Ben kaya hayun, mas lalong nainis si May at padabog na lumabas. Tumigil din siya sa pagtawa noong halos yumanig ang sahig dahil sa lakas ng pagkasara ng pinto. "Hala. Nag-walk-out."

Si Zy naman ang tumawa. "Baliw. Malamang. Talagang magwo-walk-out iyon kasi bibili ng pagkain."

"P're, talagang nainis 'yon. Wait nga. Sundan ko lang."

At hayun, kaming tatlo na lang ang naiwan sa room namin. Nasulyapan kong nakatitig sa akin si Zy kaya kay Shane ko na lamang itinuon ang atensiyon ko.

I used the back of my hand to feel her temperature. Mainit pa rin siya pero gladly, hindi na katulad kaninang sobrang taas. Mabuti na lang dahil kaninang nagkamalay siya matapos bihisan ni May, kumain siya ng lugaw at uminom ng gamot na lagi kong dala-dala in case there are emergency like this.

Pinagmasdan ko siya - ang kalagayan niya. She's still depressed. Sa kung paano siya tumakbo kanina . . . sa kung paano siya sumigaw kanina . . . sa kung paano siya magsalita kanina habang nababasa ng ulan . . .

Sana pala, hindi muna ako umamin.

"Gusto ko siya," biglang wika ni Zy habang nakatitig din kay Shane.

Sinulyapan ko siya. "Bakit hindi ka pa umamin?"

He smiled. "I don't deserve her. I'm a jerk kaya . . . baka, mapaiyak ko lang siya. At saka, mayro'n ka namang magmamahal sa kaniya." Hinawakan niya ang kanang balikat ko at tinapik ito. "I trust you."

~*~

SHANE'S POINT OF VIEW

"Hey, last day na ngayon. Bukas ng umaga, uuwi na tayo. Hindi ka pa ba magigising?" Napangiwi ako nang may tumusok-tusok sa kanang pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at pinagmasdan kung sino iyon. "Finally, gising ka na rin." Nginitian ako ni Andrei.

"What happened?" tanong ko, still half-awaked. Mariin akong napapikit para alalahanin ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Habang humihigop ako ng kape, hindi sinasadyang napatingin ako sa isang lalaking nakaputi. Kumakaway siya sa aming direksiyon. Aasarin ko sana si May na may nagpapapansin sa kaniya pero hindi ko na naituloy when I realized that it was him. He's waving at me while being soaked under the rain.

Basta, namalayan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo papunta sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit na nabitawan ko ang tasang hawak ko, kung sinu-sino ang mga nababangga ko palabas, at wala na rin akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan.

Napalunok ako nang sa wakas, nakaharap ko na siya ulit. He was smiling at me kaya ngumiti rin ako. I was about to go and hug him but then, napagtanto kong . . . nagha-hallucinate lang ako.

"Shane," he called my name.

No, this isn't true. Ikinuyom ko ang mga kamao as I closed my eyes, trying to calm myself.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt