Chapter 15: High Smoke

31 16 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Napasimangot ako nang mapagtantong papunta kami ni Andrei sa lugar kung saan napakausok – probably, ihawan. Subalit mas lalo akong sumimangot nang kurutin ni Andrei ang kaliwang pisngi ko.

"Nakasimangot ka na naman," natatawang aniya.

"Of course, kaliligo ko lang tapos, ganito – pupunta tayo ng ihawan?" Sayang ang sabon, shampoo, at tubig.

"O, ano naman? Fresh ka pa rin naman, ah."

Dali-dali ko siyang sinamaan ng tingin. "Fresh ba ang amoy-usok?"

Imbes na sumagot, nginisian niya lang ako at sinabing, "Basta ikaw, kahit na ano ang amoy mo, you're still fresh."

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Banat ka nang banat."

"Hey, Shane, Andrei!"

Nginitian ko sina May nang makita ko sila. Nag-iihaw na sila ng mga barbecue at mga isda. Tinanggal ko ang braso ni Andrei na nakaakbay sa akin at tumakbo palapit sa kanila.

Binigyan ako ng berdeng nahabing pamaypay ni May sabay nguso sa ihawan, sinasabing paypayan ko. Tinitigan ko ang usok na nagmumula sa ihawan at napangisi ako. Binigyan ko ng makahulugang tingin si May at tila nakuha niya agad ang balak kong gawin. Nanlaki ang mga mata niya. Bago pa man siya makatakbo palayo, pinaypayan ko na ang usok papunta sa kaniyang direksiyon. Napatawa na lang ako nang mapapikit siya habang umuubo. Ganoon din sila Andrei.

"Hayan . . . the Smoked May!" sigaw ni Ben na pumapalakpak pa. Pinaypayan niya rin ang usok papunta kay May.

"Mga walang hiya! Kapag ako, namulat ko lang ang mga mata ko, lagot kayo sa akin!" Nagsitakbuhan na kami palayo, nang maidilat na ni May ang mga mata niya. Tumakbo kami sa magkakaibang direksiyon kaya napatawa na lang kami ulit nang hindi niya malaman kung sino ang unang hahabulin.

This is fun!

~*~

After naming mag-ihaw-ihaw kahapon, nag-stay na kami sa room namin at naglaro ng kung anu-anong mga board games na kinuha namin sa isang cabinet sa mismong loob. Ngayong araw pa lang naman ang schedule ng mga activities namin dito.

Maaga kaming nagising para mag-beach volleyball. Sabi kasi ng mga kasama ko, mas mabuti raw na maaga para hindi gaanong mainit – para hindi raw kami maprito. Kaya narito kami ngayon, pasikat pa lang ang araw, pinagpapawisan na kaming naglalaro.

Magkasama kami ni May, at silang tatlo naman ang kalaban namin. Yeah, three boys versus two girls. Nagreklamo kasi ang tatlo kanina. Masiyado raw magaling si May sa volleyball kaya sinabi nilang silang tatlo ang magkakasama laban sa amin. Kamusta naman ako? Magaling ba akong maglaro?

Pumuwesto kami ni May nang magse-serve na si Andrei. Pinaikot-ikot niya muna ang bola bago niya inihagis iyon sa taas at pinalo.

Umatras ako ng ilang hakbang para saluhin ang bola ngunit sa kamalas-malasan nga naman . . . sa mismong mukha ko iyon tumama. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

"Hala, Shane!" Nilapitan ako ni May at sinuri ang mukha ko. "May masakit ba?" tanong niya habang hawak ang magkabila kong pisngi.

"Wala." Hinawi ko ang mga kamay niya at pinunasan ang mukha ko gamit ang mga sariling palad.

Tinignan ko nang masama si Andrei na tumatakbo na palapit sa amin kasama ang dalawa. Hindi sila tumatawa kundi nakatingin lang sila sa akin with their worried faces.

"Sorry, Shane. Hindi ko sinasadya," ani Andrei.

I could feel my eyes narrowed into slits at bumuntong-hininga na lamang. Hindi niya naman talaga kasalanan iyon. It was not his fault. It was my fault. Kung hindi lang sana ako umatras, hindi sana ako matatamaan n'ong bola.

"I know. Kasalanan ko rin naman. If I didn't take steps backward, hindi sana ako matatamaan." I just smiled at napatawa na lang, parang baliw lang.

"So, okay ka na?" rinig kong tanong ni Zy kaya napunta sa kaniya ang tingin ko.

Tumango ako. "Bola lang naman ang tumama, eh. Hindi naman bato," saka ako napatawa ulit.

Napailing-iling na lang ang mga kasama ko sa aking kabaliwan bago bumalik sa mga dating puwesto.

~*~

Noong alas siyete na, bumalik muna kami sa room namin para magpahinga saglit. Sobra kaming pinagpapawisan kaya nagsiliguan at nagpalitan na kami.

Nang mga bandang alas nuwebe, may dumating na isang babaeng staff ng resort sa room namin. Sinabi niyang handa na raw ang mga susunod na activities na aming gagawin. May binigay din siyang isang listahan ng mga activities doon.

Nagngisian muna kami sa isa't isa bago lumabas. Yes, mga baliw.

"So, ano ang mauuna?" excited na tanong ni May habang kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway.

"Zipline muna," sagot agad ni Ben, dahilan para bahagyang manlaki ang mga mata ko, "Hayun muna para hindi gaanong nakapapagod."

Binuklat ni May ang nakatuping listahan at tila may tinignan doon. "Ang sabi rito, makikita mo raw ang kabuoan ng resort sa zipline."

What the . . . "Gaano kataas? May nakalagay ba riyan?" tanong ko.

"Hmmm . . . mayro'n – fifty feet," casual niyang sabi.

Muntikan na akong mapahinto sa paglakad ngunit pasalamat na lang ako sa mga paa kong nagpatuloy sa paglalakad. "Kayo na lang. Ayaw ko mag-zipline," pagtanggi ko.

"Bakit naman?" tanong ni Ben.

Napakapa ako ng sagot, "Boring."

"Ano naman ang boring do'n?" Si May naman ang nagtanong, hawak niya pa rin ang listahan ngunit nakatupi na ito ulit.

"The zipline itself," tugon ko, "It's boring."

Pagkatapos kong sabihin iyon, biglang tumawa si Zy na nasa likuran namin kaya napalingon kami sa kaniya. For sure, we looked amused as we stared at him. Yeah, it's because it's rare for us to see him laughing.

"Boring daw? Maniwala naman kayo sa kaniya!" Napaakbay pa siya kay Ben bago tuluyang tumigil sa katatawa. And then, he looked at me with a wide grin. "She's afraid of heights kaya ayaw niyang mag-zipline."

Tuluyan nang kumunot ang noo ko. Hindi dahil sa nasabi niya ang totoong dahilan kundi ang tanong na 'Paano niya nalaman?' I did not tell this to anyone except him. Paano niya nalaman?

"Totoo, Shane? Ba't hindi ko alam?" I heard May asked ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip ay nakatitig pa rin ako kay Zy.

"How did you know?" nagtatakang tanong ko.

"Charles told me once."

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon