Chapter 17: Doubled Fear

28 15 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa phone sa kanang gilid ng unan ko. Agad kong sinagot iyon nang makita kong si Mama ang tumatawag. It has been two days since the last we have talked.

"Hi, Ma!" nakangiting bati ko kahit na hindi niya ako nakikita.

"I thought you're enjoying but, why are you just staying inside that room alone while your friends are outside – enjoying? Anak, Shane, enjoy. Bakasyon iyang pinuntahan mo, hindi mental hospital." Matapos niyang dire-diretsong sabihin iyon, pinatay niya na ang tawag.

What the . . . ginawa niya talaga iyon? Pinatayan niya ako? Hindi naman siya galit sa tono niya ngunit parang nakikiusap siya or . . . it's just my imagination? Uh, I don't know. At saka . . . paano niya naman nalaman?

Bumuntong-hininga na lang ako at tuluyan nang bumangon. Nang makaupo ako at akmang tatayo na ay bigla akong napatigil noong may magsalita sa may pintuan.

"Siguro naman, sasama ka na sa amin niyan."

Bumungad sa aking paningin ang ngingiti-ngiting mukha ni May. Nasa likod niya naman hayung tatlong pangit-pero-guwapo naming mga kasama. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakasuot sila ng mga damit na parang pupunta sila magha-hiking.

"Ba't ganiyan ang mga suot n'yo?" tanong ko, "Hiking? Saan? Sa bundok ng buhangin?" Tuluyan na akong napatawa dahil sa pagka-wild ng imagination ko.

Unti-unting nabura ang mga ngiti nila at napalitan ng simangot maliban kay Ben na tila amused pa at nakitawa pa sa akin. Ngunit huminto rin siya nang sikuin siya ni May sa tagiliran. "Aray." Napadaing si Ben sa sakit dahil doon. Well, could not blame him. Malakas si May.

"Buti nga sa iyo. Para iyan sa pag-i-influence mo sa kaniya sa pagbibiro. Ngayon, pinipilosopo na tayo," ani May sabay paikot ng kaniyang mga mata.

Napatigil na rin ako. "Seriously, saan talaga kayo pupunta . . . and what's with your outfits?" ulit ko but this time, seryoso na. Mahirap na. Baka ako naman ang isunod niyang sikuin.

Ngumisi siya bago sumagot, "We're going to an adventure."

~*~

Ayaw ko na ngang sumama ngunit pinilit na naman nila ako. Tinawagan pa ni May si Mama at sinumbong ako. Tuloy, tinakot ako ni Mama na hindi siya uuwi next month.

Tinignan ko nang masama si May nang tumingin siya sa direksiyon ko habang ngingisi-ngisi. "For sure, kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahilata rito," komento niya, dahilan para mas lalong maningkit ang mga mata ko. Binagalan niya ang paglalakad hanggang sa magkasabay na kami. "Bes, naman. Sorry na." Ikinawit niya ang kanang kamay sa kaliwang braso ko. Through my peripheral vision, nakita kong nagpa-puppy-eyes siya.

I just sighed.

"Sorry na. Ikaw naman kasi, eh. Nagkulong ka na nga roon maghapon, magkukulong ka na naman ngayon. Duh! Gusto mo na bang tuluyang makulong sa kulungan, Attorney?"

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tawag niya sa akin. It's been a long time na rin mula noong last time akong natawag as a lawyer.

"Of course, not." Napahinga ako nang malalim at mariing napapikit. "What did you do yesterday?" I asked.

Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa mga nangyari sa kanila kahapon habang ako naman ay nagmamasid sa paligid.

Akala ko naman kung saan na kami pupunta, sa isang gubat lang naman pala rito malapit sa dagat. May mga naglalakihang puting stone formations din. Kaya pala parang magha-hiking ang outfit namin dahil mukhang aakyatin namin ang tuktok n'on—but, hey! I'm afraid of heights!

"Ano ba talaga ang gagawin natin, May?' kinakabahang tanong ko. Kabilis na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Ah . . . iyon ba? Um . . . time to face your fear." Lumingon siya sa akin and genuinely smiled kaya mas lalo akong nahirapang huminga. "Aakyat tayo."

Panic automatically entered my system. At mas lalong nadagdagan iyon nang marinig ko ang sabay-sabay na sigaw ng tatlong kasama naming mas nauna na.

"Stop!"

Kumunot ang noo namin ni May dahil sa pagtataka pero nang mapagtanto naming may tinitignan sila sa bandang paanan ko, nanigas kami agad sa kinatatayuan namin nang makita ang isang hindi kalakihang ahas. Napakagat na rin ako sa labi ko dahil sa takot noong gumapang iyon sa mismo naming mga paa.

Nang tuluyan nang umalis at pumunta sa gubat ang ahas, tuluyan na akong napaluhod at napahawak sa kanang dibdib ko. I breathed deeply dahil mukhang mawawalan na ako ng hininga. Masiyado nang malakas ang tibok ng puso ko. Tuluyan na akong napahiga sa buhangin dahil talagang hirap na hirap na ako sa paghinga sa sobrang takot at kaba.

Naramdaman ko ang mga palad ni May na hinaplos ang likod ko as she shouted for help. Nakita ko naman sila Andrei na tumakbo palapit sa amin.

Before everything went black, all of sudden, I saw him running towards me with his worried face, too.

~*~

Nagising ako nang may maramdamang makapal na kumot na bumalot sa katawan ko. Kinusot ko ang mga mata bago tinignan kung sino iyon – si May lang pala. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin.

Biglang rumehistro sa isip ko ang mga nangyari kanina sa amin. The snake . . . ang lakas ng tibok ng puso ko . . . and him . . . running towards me. Did I just hallucinate?

"Gising ka na pala."

"Nasa'n tayo?" tanong ko habang inililibot ang aking paningin sa paligid. It looked like a clinic because of its white interior.

"Sa clinic ng resort." Tinulungan niya akong umupo sa kama. "Sorry, ah? Kung hindi sana kita pinilit—"

"No, it's fine," sabi ko sabay ngiti, "Hindi naman tayo natuklaw, eh."

She just smiled pero agad din iyong nabura. "Ikaw. Pinag-alala mo kaming lahat. Grabe ka."

Napatawa na lang ako. "Sorry. Of course, who would not? First encounter ko kaya iyon."

Sinubukan niya akong hampasin sa braso ngunit agad ko iyong naiwasan. "Ikaw talaga. Nagagawa mo pang tumawa," nakasimangot niyang wika.

"Hayung tatlo, nasaan?"

"Ah, nasa labas. Nagha-halo-halo."

"Tara. Kain din tayo." Inalis ko ang kumot na nakatakip sa mga binti ko at isinuot ang aking mga puting sapatos.

"Are you sure? Wala bang masakit sa iyo?"

Napangiti ulit ako at kinurot ang kanang pisngi niya. Napangiwi siya dahil doon. "Masiyado kang nag-aalala," komento kong may kasamang tawa, "Walang masakit sa akin. Tara na."

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon