Chapter 33: Kisses

6 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Madaling araw na nang makarating ako sa La Union. Yes, doon din sa beach resort na pinuntahan namin noon. Dahil sa tulong ng teknolohiya, siyempre, hindi ako naligaw.

Napahikab ako dahil antok na antok na talaga ako. Mabuti na lang, nagkape ako sa isang café kanina bago tuluyang tumungo rito kaya kahit papaano, nalalabanan ko pa rin.

Ginusot-gusot ko muna ang mga mata ko bago bumaba mula sa kotse. Kaagad akong naglakad papasok sa hotel na tinuluyan din namin noon.

"Good morning, Ma'am! Welcome to our hotel and beach resort. What can I do for you, Ma'am?" masayang bati sa akin ng staff sa information desk.

"Did someone named Andrei Williams come here and get a hotel room?" seryosong tanong ko. Mukhang natakot pa yata ang staff sa inasal ko. Wala naman akong magagawa roon, talagang antok na antok na ako.

"Are you his . . . ?"

"I'm his friend." Yes, friend lang.

Habang tinitignan niya ang data sa kanilang computer, hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko si Andrei. Mukhang papunta siya sa entrance. Nandito lang naman pala siya.

"Y-yes po."

"A-ah, thank you, Miss."

Dahil sa kabang baka makita niya ako, dali-dali akong naglakad palabas. Subalit, sa kamalas-malasan naman, sinumbong ako ng staff. "Sir, may naghahanap po sa inyo."

"Who?"

"Sir, kaibigan daw po ninyo. Kakaalis niya lang po. Hayun pong naka-jacket nang brown."

Napatakbo na ako noong marinig ko ang mga hakbang niya papalapit. Gaya nga ng inaasahan, nakilala niya ako. Huminto na lamang ako. "What are you doing here?" he asked seriously.

"Hinanap ka," sagot ko.

Hindi ko siya magawang harapin at tignan kaya nanatili akong nakatalikod. Kahit na kinakabahan ako, mas nangingibabaw pa rin ang sakit. Naubos na siguro ang mga luha ko sa kakaiyak kaya wala na kahit isang tulo ang pumatak.

"Don't get the wrong idea. I'm doing your mother a favor. Sige. Uuwi na ako."

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad pabalik sa sasakyan ko ngunit narinig ko pa siyang magsalita. "Listen to me. Please."

I did. Alam ko na ang dahilan. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. "I understand and I believe you pero . . . Andrei . . . nasaktan pa rin ako."

Pain. Pain – that was what I saw in his eyes. And I felt guilty and sad for him for the nth time. Ewan ko ba, siguro ay dahil sa unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya. Hindi naman ako manhid na tao para hindi maramdaman iyon. I have fell in love before and I completely know this feeling.

Hindi na siya nakapagsalita pa. Ngumiti na lamang ako at tumalikod. Subalit, hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap niya ako mula sa likuran. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"I'm so sorry, Shane. Promise. I'll make it up to you," halos paos niyang sabi.

Napapikit na lamang ako at napabuntong-hininga. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at hinarap siya. Kita ko pa rin sa mga mata niyang nasasaktan siya.

"Please?"

"Sige. Plinanong gawin iyon ng kaibigan mo para malaman ang totoong nararamdaman ko para sa iyo, tama?"

"Tama."

"Well, damn her!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong ipakitang naiinis ako. "Hindi ba puwedeng gawin niya ang kaniyang plano without kissing you?!"

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon