Chapter 21: Journal

25 10 2
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

May mga tests pang ginawa si Doktora Mendez sa akin bago ako lumabas ng hospital. Ayon sa kaniya, malaki raw ang improvement ko. Kaunting 'move forward' na lang daw, lalayasan na ako ng depression.

Pagkasakay ko sa aking kotse na nasa parking lot, kaagad kong ini-text si Mama tungkol dito. Paniguradong matutuwa iyon.

Naisipan kong bisitahin si Charles sa kaniyang puntod bago ako umuwi. Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng isang basket ng white roses.

Napangiti ako habang nakatitig sa kaniyang puntod. Ipinatong ko muna ang bulaklak sa ibabaw ng kaniyang lapida. Hinawi ko rin ang ilang tuyong dahon sa ibabaw n'on.

"Hello ulit, Charles. Ano na? Nandito na naman ako pero tulog ka pa rin. Kailan ka ba magigising?" biro ko. Natawa na lang ako dahil sa kabaliwan ko. "Joke lang. Baka bigla kang bumangon diyan." Bumuntong-hininga ako. "So, kamusta na? Ako? Heto, medyo bumubuti na. Kung nasaan ka man, ngumiti ka na, ah? Don't worry. Tutuparin ko ang last wish mo pero gusto kong malaman mong mayro'n ka pa ring puwang sa puso ko."

"Set me free. May iba pang lalaking nararapat sa iyo, nararapat sa pagmamahal mo."

Napakunot ang noo ko, lubos na naguguluhan. Pushing me away does not work, is making me fall for someone else his other method? Why, Charles? "Who—"

"You know him. He's the guy who can make you smile." Ngumiti siya. "Someday, you'll also fall for him."

"That guy na sinabi mo sa akin noon? Siya ba iyon? Hayun bang doctor mo noon ang tinutukoy mo?" Ngumiti ako nang maalala si Andrei. "Nakatutuwa lang. Siya pala ang childhood friend ko. Napakaloko-loko mo talaga. Talagang pinaubaya mo na ako sa iba bago ka namatay. You know what? Sobrang suwerte ko talaga sa iyo. Gagawin mo lahat para sa mahal mo para lang hindi siya masaktan." Mariin akong napapikit at tumingala sa kalangitan. "Charles . . . what if . . . what if buhay ka pa? Siguro, kasal na tayo ngayon and siguro, nakabuo na tayo ng pamilya. Marami tayong plano noon, eh. Sayang lang kasi hindi natuloy. Sana lang, sa next life natin, matuloy na."

"He loves you so much, Shane. Kung puwede lang sanang pakiusapan si Lord na pahabain pa ang buhay niya, gagawin niya para sa iyo. He'll do everything for you pero hindi niya na kinaya."

"Tita." Tumayo ako at niyakap ang mama ni Charles. Isang taon na rin mula noong huli ko siyang nakita.

Ngumiti siya sa akin at ipinatong rin ang dala niyang basket ng white roses sa ibabaw ng puntod ng kaniyang nag-iisang anak.

Umupo kami pareho sa damuhan. Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita siya. "How are you, Shane? Naka-recover ka na ba?"

Pilit akong ngumiti. "Somehow, may malaking improvement na po. Sabi ng psychiatrist ko, kaunti na lang daw po, lalayasan na ako ng depression."

"That's good, Hija. You better move on."

"Opo."

Napahinga ako nang malalim. Sinulyapan ko siya. Hanga ako kay Tita sa kaniyang katatagan. Isang taon lang siya noong na-depress. Agad din siyang nakabangon mula sa matinding pangungulila sa kaniyang nag-iisang anak.

"Kayo po, Tita? Kamusta na po?"

"I'm fine. Heto, nagpapatuloy pa rin. But I truly miss him . . . a lot."

Kinuha niya ang kaniyang puting hand bag at may inilabas doon na isang brown journal notebook. Kumunot ang noo ko nang ibigay niya sa akin iyon.

"B-bakit po ito, Tita?"

"I forgot to give this to you noon. Kahapon ko lang naalala, noong nakalkal ko sa loob ng cabinet ni Charles. Journal niya iyan. He told me na ibigay ko sa iyo iyan nang personal kapag nawala na siya. Hindi ko alam kung ano ang mga nakasulat diyan. Hindi ko naman binuksan at binasa dahil alam kong personal iyan."

~*~

Nakatitig pa rin ako sa journal na nakapatong sa bed-side table ko habang nakaupo ako sa kama. Mahigit kalahating oras ko nang hinuhulaan kung ano ang laman nito. Ewan ko ba sa sarili ko? Pakiramdam ko, parang maiiyak na naman ako kapag binuklat ko iyon at binasa.

Huminga ako nang malalim at tuluyan na itong kinuha at binasa.

A Personal Property of Charles Wright.

No one is allowed to read this except me and my "babe".

Napangiti ako nang mabasa ang sunod na pahina.

Our love story is written here.

Written by ME

"Grabe, ah? Napaka-effort niya namang magsulat," bulong ko sa sarili.

We met in a park.

Nakatatawa lang kasi pareho kaming bad trip noong araw na iyon – noong una kaming nagkakilala. She's a lawyer, and I'm a businessman. Nagproproblema siya sa first case niya noon bilang abogado while me – naba-bad-trip sa isang manager ng isang branch ng negosyo namin sa Batangas.

Nagkataon kasing nagkatabi kami sa isang bench doon at pareho kaming napasigaw sa frustration. Napaka-awkward nga dahil napatingin sa amin ang karamihang namamasyal doon. At hayun nga, natawa na lang kami at nagkakilala na rin. Nagkuwentuhan kami tungkol sa kaniya-kaniya naming mga problema hanggang sa maubos ang mga negative energy sa amin.

I found her cute kahit na may pagkamasungit kaya nag-search ako ng mga information about sa kaniya. Luckily, madali lang kasi marami siyang social media accounts na nagli-link kapag ini-search ang pangalan niya.

After two days, nagkita ulit kami sa park na iyon but at that time, hindi na kami bad trip. Naayos na ang mga problema namin, eh. Siya – naipanalo niya ang kasong hawak niya, which was a murder case. Ako naman – sinisante ko na ang lintik naming manager na magnanakaw.

I asked her na magpunta kami sa isang coffee shop malapit doon and she said yes without hesitating. (Mukhang crush niya yata ako.)

Napakurap ako nang ilang beses. Mahangin talaga siya.

While waiting for our orders, umamin na ako sa kaniya na I like her. She was stunned upon hearing it. She blinked and blinked, and then she just smiled. Hindi niya ako ni-reject. Nagpasalamat lang siya at sinabing bibigyan niya ako ng chance kapag nakapag-adjust na siya sa trabaho niya.

Marami pang entry ang nakasulat doon. Noong niligawan niya ako, noong araw na sinagot ko siya roon sa park, noong anniversary namin, noong malaman kong may cancer na siya, hanggang sa na-confine na siya sa hospital. May entry rin kung saan nakilala niya si Andrei. He found out that he was my childhood friend. Hindi nga ako nagkamali, siya ang tinutukoy niya.

"Set me free. May iba pang lalaking nararapat sa iyo, nararapat sa pagmamahal mo."

Napakunot ang noo ko, lubos na naguguluhan. Pushing me away does not work, is making me fall for someone else his other method? Why, Charles? "Who—"

"You know him. He's the guy who can make you smile." Ngumiti siya. "Someday, you'll also fall for him."

Namalayan ko na lamang ang sarili kong lumuluha na nang makitang may pumatak na isang luha sa isang pahina. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad.

Naalala ko na naman ang engagement proposal niya sa akin noon. Kahit na may sakit siya at nanghihina, nagawa niya pa rin akong sorpresahin sa park na iyon. Second anniversary namin noong nag-propose siya sa akin. Pagkatapos niya akong halikan, nawalan siya ng malay. Akala ko ay dahil lang sa pagod iyon ngunit iyon na pala ang huling pagkakataong makikita ko siya nang buhay.

Muli akong napangiti nang mabasa ang nakasulat sa huling pahina.

Shane, mahal na mahal kita.

Tandaan mo iyan.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon