Chapter 35: No More Conflicts

6 2 0
                                    

ANDREI'S POINT OF VIEW

Matapos kong malaman ang tungkol sa nangyari mula kay Christie, kaagad akong nagpunta sa presinto.

Nasa mabuting kalagayan na si Shane pagkarating ko sa hospital. Naging matagumpay ang operation sa kaniya at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa isang private room.

Tinapunan ko ng masamang tingin ang kriminal na sumaksak kay Shane. Naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ko habang hawak-hawak siya ng dalawang pulis.

I gritted my teeth when I saw him smirk. Napakagago talaga. Nagawa pang ngumiti.

"Bakit mo iyon ginawa sa kaniya? Ha?" Pinanatili kong kalmado ang boses ko. Ayaw kong gumawa ng eksena rito dahil may ilan ding ibang taong nakatingin.

"Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakulong. Kung hindi lang sana siya nakialam sa kaso noon laban sa akin, hindi ko sana gagawin iyon sa kaniya. Pero wala, eh, isa siyang pakialamera—"

Tuluyan ko na siyang sinuntok sa mukha. Napalakas ang suntok ko kaya pumutok 'yung gilid ng kaliwang kilay niya. Tawagin niya pa ulit na 'pakialamera' si Shane, hindi na lang suntok ang aabutin niya.

"Ba't siya ang sinisisi mo? Ikaw 'yung gumawa ng krimen kaya panindigan mo. Ginawa niya lang ang trabaho niya. Sisihin mo ang sarili mo!"

Sinubukan akong lapitan ng ilang pulis doon upang awatin ngunit sinenyasan ko silang huwag na. "Siguraduhin po ninyong mabubulok sa kulungan itong lalaking ito," sabi ko sa mga pulis bago lumabas.

~*~

SHANE'S POINT OF VIEW

Napatayo sina Mama at Papa mula sa sofa noong makita nila akong gising na. Lumapit sila sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Luckily, you're already awake," nakangiting wika ni Mama habang hinahaplos-haplos ang buhok ko, "Dalawang araw kang walang malay."

Napadaing ako nang hindi ko sinasadyang mahawakan ang parte kung saan nasaksak ako. Nang dahil doon, unti-unti kong naalala 'yung nangyari bago ako nawalan ng malay.

"May masakit pa rin ba sa iyo?" tanong ni Papa.

Ngumiti ako. Naisipan ko tuloy na magbiro. "Papa, naman. Malamang, masakit pa rin 'tong nasaksak," halos paos kong sabi. Natawa naman sila.

"Nasaksak ka lang, mapagbiro ka na. Is that a side effect of anesthesia?"

Nagkulitan pa kami bago nila ako iniwan. Tatawagan daw nila ang doctor, pati na rin ang mga kaibigan ko. Kukuha na rin daw sila ng makakain.

Pinilit kong umupo at isandal ang likod ko sa kama. Napatitig ako sa sugat na natatakpan ng benda.

Dalawang araw na pala ang nakalipas matapos ang gabing iyon. Dahil yata sa adrenaline rush kaya hindi ko naramdamang nasaksak na pala ako.

Somehow, naaawa rin ako sa lalaking iyon. Kalalabas lang niya ng kulungan pero babalik na naman siya. Parang wala ring silbi ang pagkakakulong niya ng ilang taon dahil mukhang hindi rin siya nagsisi sa ginawa niyang kasalanan noon. Nagawa pa niyang gumawa ng bagong krimen. Siguro nga, iyon nga ang reyalidad – hindi dahil naparusahan na ay tuluyan nang magbabago.

"Gising ka na pala."

Automatic na napaangat ang mukha ko upang tignan kung sino iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita siya. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit. Umupo siya sa gilid ng kama at tiningnan ako.

"Sor—" Napahinto ako sa tangkang pagsasalita dahil sa biglaan niyang pagyakap sa akin.

"Pinag-alala mo ako," bulong niya.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon