Chapter 10: Kiddie

41 27 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Nagtatanong lang naman ako sa isang simpleng bagay. Masiyado naman yata siyang naging seryoso. "Grabe ka. Tinatanong lang naman kita kung paano mo nalamang nagkukulong ako sa kuwarto," medyo tampo kong sabi.

"Sinabi ni May at ng maid ninyo."

"Hayan! Sinabi mo rin. Marami ka pang sinasabi, eh." I rolled my eyes sabay tingin sa harap. Malapit na pala kami. "Amusement park, huh?" sambit ko.

"Halata naman."

"Treat mo?"

"Hindi."

Literal akong napanganga sa sagot niya. "What?! Gago ka pala, eh. Wala akong dalang pera!" bulalas ko, "Ni-lady-nap mo ako tapos ganito?! Ako rin ang gagastos para sa sarili ko?! Mabuti pa, pumunta ka na lang mag-isa mo. Iwan mo na lang ako rito."

Napatawa siya. Dahil sa inis, kinurot ko ang kanang pisngi niya. "Masakit! Ano ba? Kaya nga kita dinala rito, eh. Sagot ko lahat."

Huminga ako nang malalim at tumingin sa harap.

I-p-in-ark niya ang kotse niya malapit sa park. Noong bumaba kami, agad kong pinagmasdan ang paligid. Napakamaraming tao.

Aking inilabas ang phone ko mula sa pocket ng suot kong dress nang may nakita akong isang matandang lalaki. Nagbibigay siya ng mga lobo sa mga bata. Kinuhanan ko iyon ng picture. Pinagmasdan ko ang photo pagkatapos. Maganda ang pagkakakuha.

Sunod namang lumapit ako sa isang halamang may blue na bulaklak, which is called Santan. Itinapat ko roon ang camera ng phone ko.

"Hi!"

Na-tap ko ang camera button. Iba tuloy ang nakuhanan ko ng picture.

Sinamaan ko ng tingin si Andrei na bigla-bigla na lang hinarangan ang bulaklak. Subalit, unti-unti rin itong nawala noong makita ko ang picture niya. Parang alien siya.

"Patingin nga," sabi niya sabay subok na agawin ang phone ko.

"Ayaw ko." Itinago ko sa aking likod ang phone.

"Sige. Kapag ayaw mong ipakita sa akin, iisipin kong may crush ka sa akin."

Automatic na pinanliitan ko siya ng mga mata. Wow, ah. Lakas maka-childish kahit na new adult na. "Isipin mo ang gusto mong isipin," wika ko. Duh! As if namang magkakagusto ako sa kaniya.

"Gusto mo na naman bang ma-punish?" tanong niya habang nakangisi.

I just rolled my eyes. "Yayakapin mo na naman ako? Ridiculous," sarkastikong sabi ko, "Hindi naman iyon parusa. Hug as a punishment? Puwede ko namang yakapin kahit na sino."

"Subukan mong yumakap sa kahit na sino. Hindi lang yakap ang aabutin mo," aniya. Naging seryoso na naman ang hitsura niya. At ano naman ang aabutin ko bukod sa yakap? Tadyak? Sipa? Sampal? Suntok? At saka ano naman kung yayakap ako sa kahit na sino? Wala na siya roon.

Tinitigan ko siya nang maigi bago sinabing, "Weird mo talaga—"

"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at hinila.

Tumakbo kami papunta sa loob ng amusement park. Pagkapasok pa lang, bumungad na sa amin ang mga naglalakihang rides at mga batang nagtatakbuhan kasama ang mga magulang nila. Mayroon ding nagtitinda ng mga pagkain katulad ng cotton candy, big lollipop, ice cream, at iba pang mga sweets.

"Matagal-tagal na ring hindi ako nakapupunta sa ganitong lugar," higit kong sabi sa sarili ko kaysa sa kaniya.

"Why? Simula ba noong naghiwalay ang mga magulang mo, hindi ka na nakapupunta sa ganitong lugar?"

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ko iyon. Tumango ako. "Simula kasi noon, nagtrabaho si Mama sa Qatar. Si Tita lang ang nag-alaga sa akin. Hindi pa nga umuuwi si Mama, eh. Si Papa naman, tulad mo, wala na akong balita sa kaniya."

Saglit siyang natahimik. "Gano'n ba . . . "

"Oo." Muli kong iginala ang aking tingin sa paligid. "So, ano na? Tatayo lang ba tayo rito at mag-uusap?" pabiro kong sabi. Siyempre, to lighten up the mood.

Ngumiti siya nang malapad matapos marinig iyon. "Hindi, 'no! Tara na. Sakay tayo sa roller coaster." Hihilain niya sana ako ngunit nanatili lang ako sa kinatatayuan.

Takot akong sumakay sa ganoon. Takot ako sa matataas. Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko nang marinig at makita ang mga naghihiyawang nakasakay sa dambuhalang ride na tinutukoy ng kasama ko. Tinitignan ko pa nga lang, nanginginig na ako sa takot, what more kung talagang nakasakay na ako roon? Uh, ayaw ko nang isipin.

Hinarap ako ni Andrei habang nakasimangot. "Halika na. Takot din naman ako sa ganiyan, eh. Tara na," pamimilit niya.

Katulad kanina, hindi ako ulit gumalaw sa kinatatayuan ko at tinitigan lang siya nang seryoso. "Sige na." Nagpadyak-padyak siyang parang bata at napalabi. "Please?"

Napahinga na lang ako nang malalim. "Fine pero kapag ako, nahimatay dahil sa takot, kasalanan mo," banta ko. Ikinatawa niya lang ito. Tuloy, nanginginig na nga lang ako sa takot, nakasimangot pa ako.

"I know. Ako na lang ang bahala. Gagawin ko na lang ang CPR kapag nawalan ka ng malay." Lalong lumawak ang ngiti niya. May pa-CP-CPR pang nalalaman dahil doctor langーwait, what? CPR?! Nang makita niya ang reaksiyon ko, tumawa siya nang napakalakas. Tinapunan ko siya ng masamang tingin ngunit hindi pa rin siya tumigil.

"CPR, huh?"

"Yeah. Ayaw mo ba nang gano'n? Matitikman mo ang matamis kong halik," malumanay niyang sabi, parang nakalunok ng isang kilong tinadtad na luya. Bakit? Paano mo nasabi? May lasa?

I rolled my eyes. "Gago ka rin, 'no? Kung hindi lang kita kaibigan at hindi ka lang guwapo, kanina pa kita nasuntok," iritado kong sabi sabay pakita ng kanang kamao ko sa kaniya.

Sa halip na tumigil siya at matakot, ngumisi lang siya. "So, inamin mo ring guwapo ako," saad niya.

Pinalo ko siya nang malakas sa braso. "So, ano ngayon?" taas-kilay kong tanong.

"May gusto ka sa akin, 'no?" Aba, feeling talaga ito! Duh! Saying that someone is handsome is not a big deal!

"Hindi ikaw ang tipo ko."

"Talaga?" Napatawa na naman siya. "Dine-deny pa, eh."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin!"

Nasobrahan na siguro sa talino kaya ganiyan na ang pag-iisip. Totoo nga ang kasabihang 'Masama ang sobra.'

"Ano ba? Pinapasaya lang kita! Heto naman. Hindi na mabiro." Ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa ibabaw ng ulo ko at ginulo na naman ang aking buhok.

Inis na hinawi ko ang kamay niya. "Itigil mo nga iyan. Ginagawa mo naman akong aso," pagsuway ko. Sinuklay ko ang nakalugay kong buhok gamit ang aking mga daliri.

"Tara na nga."

Tumakbo kami papunta sa isang ticket booth. Bumili siya ng ticket para sa dalawa.

Habang bumibili siya, hindi sinasadyang napatingin ako roon sa batang babaeng nadapa nang ilang metro lang ang layo sa akin. Umiyak ito nang pagkalakas-lakas. Lalapitan ko sana siya para tulungan ngunit biglang may dumating na isang lalaki. Tinulungan niya itong tumayo at pinatahan.

Napangiti na lang ako. Naalala ko na naman kasi si Papa. Kada nadadapa ako noong bata pa ako, lagi niya akong binubuhat at pinapatahan tapos gagamutin niya ang sugat ko.

Pa, paano kaya kapag kasama pa rin kita hanggang ngayon?

Revival Of The Dead Heart (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara