Chapter 8: It's You

46 26 1
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Automatic na tumaas ang kilay ko noong makita si Andrei. Bihis na bihis. Nakasuot siya ng blue shirt at black jeans, at sinamahan ng puting rubber shoes. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Sakto namang naglakad ako papalapit sa kaniya. Ngumiti siya sa akin pero sinuklian ko lang siya ng masamang tingin. Kawawa naman itong bagong kaibigan. Napakasungit kong bagong kaibigan sa kaniya.

"Whoa, I'm scared," biro niya, trying to be funny.

"Funny?"

He pouted his lips na parang batang inagawan ng candy. "Hindi."

"Bakit ka pala narito?" tanong ko sa kaniya.

"May pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo ko, hindi mawari kung ano ang kaniyang tinutukoy. "Saan—"

Hindi ko na naituloy ang tanong ko dahil hinawakan niya ang aking kanang kamay at hinila papunta sa kotse niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod. Pinaupo niya ako sa front seat kung saan katabi ko siya.

"Saan tayo pupunta?" Tumingin siya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi. Noong taasan ko siya ng kilay, bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "Masakit!" Hinimas ko ang parteng kinurot niya. "Saan ba kasi tayo pupunta?" naiinis na ulit ko.

"Somewhere."

Nag-drive na siya ng kotse. Inilabas ko na lang ang phone ko. Tatawagan ko sana si May ngunit mabilis niya itong hinablot.

"Hey." Pinaningkitan ko siya ng tingin.

"You're not allowed to use phone hanggang sa makarating na tayo roon," aniya.

Mas lalong naningkit ang mga mata ko. "Ano ito? Kidnapping?"

"Hindi. Hindi ka naman na bata, eh." Sa daan pa rin ang tingin niya. "It's called 'lady-napping'."

Pinaikot ko na lang ang mga mata ko at nanahimik na lang. Wala naman siya sigurong gagawing masama sa akin, 'di ba? Siyempre, kaibigan niya ako, eh. Ah, basta, wala siyang gagawing masama sa akin. Hayun na iyon.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka nang mapansing mukhang pamilyar ito.

"Alam mo ba ang lugar na 'to?" tanong ng kasama ko, dahilang ikinalingon ko sa kaniya. Wala na ang nakaaasar na ngisi sa kaniyang mga labi.

"Hindi pero . . . parang pamilyar."

"Gano'n ba . . . okay. Matulog ka muna. Matagal pa bago tayo makarating doon."

Pinagmasdan ko siya nang maigi dahil sa sinabi niya. Binabawi ko na 'yung naunang sinabi ko. Mukhang may gagawin siyang masama, eh.

"Just tell me exactly where are we going," inip kong wika, "Maikli lang ang pasensiya ko, Andrei."

"You know that place, Shane. Matulog ka na."

Suminghap ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. "Ayaw ko. Ayaw ko hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta at kung ano ang gagawin natin doon."

"Wala naman akong gagawing masama sa iyo." This time, he looked at me with his serious face. "Trust me."

"Ayaw . . . ko." Hindi pa lang kasi sabihin. Marami pang paligoy-ligoy.

"Trust me," ulit niya.

Suminghap ako ulit. Sige na nga, babaan na nga lang ang deal.

"Fine. Sige pero let me call May to tell her na kasama mo ako ngayon."

Bumalik ang kurba sa mga labi niya. "Sinabi ko na sa kaniya. Nagpaalam na rin ako pati sa mama mo kanina bago kita sunduin."

Automatic na nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?!" Daig niya pa ang isang manliligaw na nagpapaalam for a date!

"Yeah. So, kung may gagawin akong masama sa iyo, ako ang magiging primary suspect." Muli siyang tumingin sa akin. "Kaya huwag ka nang mag-alala at matulog ka na riyan. Gigisingin na lang kita kung nakarating na tayo roon."

Tumango na lamang ako at mariing napapikit. "Fine." Isinandal ko ang aking ulo sa headrest. Unti-unti rin akong dinatnan ng antok hanggang sa makatulog na ako.

~*~

Nagising ako dahil sa kamay na nakapatong sa ulo ko at bahagyang ginugulo ang aking buhok. Umayos ako ng upo at inalam kung sino iyon. Si Andrei pala.

Ginusot ko ang mga mata ko at napalingon-lingon sa paligid. Nasa loob pa rin kami ng kotse. Naka-park ito sa gilid ng kalsada.

Tumingin ako kay Andrei na nakangisi na naman sa akin. "We're here," sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

Dali-dali kong in-open ang bintana at pinagmasdan ang view sa labas.

Maraming mga batang nagtatakbuhan sa malawak na damuhan. Mangilan-ngilan ang mga puno ritong nagsisilbing lilim. Sa isang malaking puno, may isang wooden bench sa ilalim nito. Normal park din kumbaga ngunit ang ipinagtataka ko, parang pamilyar ito.

"Tara na."

Hindi ko namalayang nasa labas na si Andrei at binuksan ang pinto ng kotse. Dahan-dahan akong lumabas. Mabuti na lang at maulap. Hindi gaanong mainit. Hinila niya ang kamay ko at pumunta kami sa isang bench para umupo.

"Hi, Ate!"

Ngumiti ako at kumaway rin sa isang batang babaeng nakikipaglaro sa ibang bata. "Hello."

Tumingin ito sa kasama ko. "Hi din, Kuya! masaya nitong bati.

Sa halip na bumati pabalik si Andrei, kumindat siya at nagbigay ng flying kiss. Wala sa sariling umikot ang mga mata ko dahil doon. Masiyadong mahangin.

"Hey." Tinignan ko si Andrei nang tapikin niya ang balikat ko.

Napansin ko ang paglaho ng ngiti niya. "Bakit?" tanong ko.

"Pamilyar ba sa iyo itong park?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. "M-medyo. Bakit ba?"

Mapakla siyang tumawa. Ipinagtaka ko ito. "Seriously?" Tila hindi siya makapaniwala.

"Oo." Umayos ako ng upo at medyo humarap sa kaniya. "Diretsahan mo na ngang sabihin. Bakit mo ba tinatanong?" Biglang sumagi rin sa isip ko ang nabanggit ni May. "At saka bakit tinatanong sa akin ni May kung naaalala ba kita? Na kung nagkita na ba tayo matagal na? Ha?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hey, Mister Andrei Williams, sino ka ba talaga?"

Nakipagsabayan siya sa titig ko. Kalaunan, he sighed in surrender. "Okay."

"What 'okay'?"

Sumimangot siya bago sumagot, "Ipapaalala ko na lang sa iyo. Ikaw kasi, eh, dahil bata lang tayo noon, kinalimutan mo na."

Lalo akong naguluhan. "Ano ang—"

"Shut up ka muna. Patapusin mo muna ako," putol niya sa akin. Tumango na lamang ako. "Tumira kayo ng mga magulang mo malapit dito, malapit sa park na ito," panimula niya. "Bata ka pa noon tulad ko. Naikuwento mo sa akin noon, kaya lumipat kayo rito ay dahil iyon ang gusto ng papa mo. Ako ang batang lalaking nakakalaro mo lagi rito sa park na minsan ay nagtanong sa iyo kung ano ang gusto mong maging paglaki mo."

Nang mabanggit niya iyon, agad na pumasok sa aking isipan ang panaginip ko sa lalaking may malabong mukha.

"Na—"

"Wait," pagpigil ko. Tumigil siya sa pagkukuwento. "Ikaw ang batang lalaking nagsabing gustong maging doctor?" Nagkaroon ng ngiti sa kaniyang mga labi. That smile said it all. "Ang gustong maging doctor para magamot ang dad niyang may cancer?" Mabilisan siyang tumango, parang bata.

Siya nga. Hindi panaginip ang mga iyon kundi memories – my childhood memories. So, ang nasa panaginip ko, ikaw iyon. Ikaw ang lalaking may blurred na mukha. It's you, Andrei – my childhood friend.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon