Chapter 18: Hallucinate

24 15 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

He was running towards me before I fainted. Hindi. Hindi totoo iyon. Nag-hallucinate lang talaga ako. Yeah, that's it. Iyon nga iyon.

Tumagilid ako ng higa para abutin ang phone kong nasa side table ng hinihigaang kama. 11:41 PM na pala. Kanina pa ako nakahiga rito ngunit hindi naman na ako dinadatnan ng antok. Uh, ito ay dahil siguro sa pagkahimatay ko kanina.

Bumangon na lang ako at isinuot ang mga slippers ko. Buti pa ang mga kasama ko, napakahimbing na ng mga tulog nila.

Ibinulsa ko ang phone at ang yellow purse ko sa pocket ng aking jogging pants. Bumaba ako sa dining hall para uminom ng kape. Mabuti na lang, 24-hours open ito.

May mga mangilan-ngilan ding mga tao roon bukod sa akin. Some of them were drinking wine while the others chose to drink coffee.

Nginitian ako ng staff na in-charge sa pagtitinda ng mga tinapay at kape kahit na mukhang antok-antok na ito. "What is it, Ma'am?" she asked, still smiling.

"Brown coffee."

"Okay, Ma'am. Wait a minute po." After several minutes, binigay niya na sa akin ang kape.

Naglakad ako papunta sa balcony habang humihigop. Automatic akong napasandal sa railing nang makita ang kumikislap na dagat. Nagre-reflect doon ang mga bituing kumikislap sa langit. Napakagandang pagmasdan.

"Ang ganda, 'di ba?" Kahit na hindi ko lingunin ang lalaking tumabi sa akin, alam ko namang si Andrei iyon.

"Yes, it is." Sinulyapan ko siya. "Bakit ka narito? Tulog na kayo kaninang lumabas ako, eh."

Humigop siya sa kapeng dala niya. "Sila lang. Don't include me," sabi niya at tumawa.

Naningkit ang mga mata ko. "Kaya noong mapansin mong lumabas ako, sumunod ka na rin, gano'n?"

"Yup."

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa dagat. Pumikit ako noong umihip ang hangin. Bahagya pa nitong inililipad ang buhok ko.

"I saw you yesterday with a little girl," wika niya, dahilan para imulat ko ang mga mata. "Nag-sketch ka at ibinigay mo sa kaniya . . . and then—"

" . . . you saw that I cried," tuloy ko sa sinasabi niya that made him faced me with his confused expression.

"Yeah . . . pero bakit?"

Dahil sa dalawang taong mahalaga sa akin na iniwan ako. But, of course, I would not tell it to him.

Nginitian ko siya. "Ah, because it's my first time to meet a girl like her. Napakabait niya plus . . . she appreciates everything." Pilit akong napatawa. "Nakatataba sa puso ang mga gano'ng bata."

Napatawa ako ulit ngunit napatigil ako noong bigla niya akong niyakap mula sa likuran. Muntikan ko pang nabitawan ang tasa.

"Andrei, what do you think you're doing?" I asked, a bit warning.

"It's because of him, right?" bulong niya.

Yes, and my father . . . it still hurts. Hindi ako sumagot.

"I like you."

Mariin akong napapikit nang marinig ko iyon. No, please, not now.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap. Now, I could feel his breath on my neck.

"After how many years, hinanap kita. Now, finally, nakita na rin kita pero napaka-wrong-timing. Kung kailan naman ako napalapit na sa iyo, saka pa naman namatay ang puso mo. Let me . . . let me revive your heart once again."

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon