Chapter 2: Drunk

62 33 7
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Mas comfortable itong suot ko kaysa sa napakaikling dress na binili namin ni May kanina. Purple long-sleeved, buttoned-down shirt and jeans ang suot ko at cream flat shoes. Mas maayos na itong sobrang balot kaysa naman sa masiyadong revealing. Yuck!

Katagal naman niya. Sabi ko sa kaniya, pumunta siya rito sa bahay at sasakay kami sa kotse ko. Alas otso na ng gabi!

May narinig akong kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Sino iyan?" tanong ko.

"Miss Shane, nandito na po si Miss May."

"Okay, lalabas na ako."

Kinuha ko ang shoulder bag at naglakad patungo sa sala. Nadatnan ko siya roong nakaupo sa sofa. Suot-suot niya ang isang blue dress na may habang hanggang taas ng tuhod at silver sandals.

Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan and she looked at me intently like as if she saw a very horrible creature. "God, Shane! Sobrang balot ka. Kulang na lang, balutin mo ang sarili mo ng wrapper. Daig mo pa yata ang turon."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba ang masama sa ayos ko? "So? Heto nga ang gusto ko at saka, malamig kaya."

She rolled her eyes, not pleased. "My gosh! Hindi ka naman ganiyan manamit noon, ah. Noong—"

"You better shut up," pagputol ko. Agad niya namang naintindihan ang ibig kong sabihin kaya hindi na siya nagsalita pa. I felt sorry for her. I did not mean to get harsh on her. What I blurted out was because of impulse. Sensitive pa rin ako kapag nababanggit siya.

Naglakad kami papunta sa garage at sumakay sa kotse. Nag-drive ako patungo sa location kung nasaan ang bar.

~*~

"We're here."

I-p-in-ark ko ang puting kotse ko sa gilid ng kalsada malapit sa bar at tahimik kaming bumaba.

"Let's go," masayang sabi ng kasama ko sabay hampas sa kanang braso ko. Ang lakas, ah.

Thankful ako dahil hindi niya na in-open ang nangyaring pagsusungit ko. Subalit, may bahagi sa akin . . . gusto kong mapag-usapan namin iyon upang makahingi ako ng tawad. I wanted to open it up but just like each time that a similar thing happens, I can't pull myself to do it. Pakiramdam ko, parang may humihila sa aking manahimik na lamang at hayaan na ang nangyari.

Naunang naglakad si May bago ako sumunod. Iniwan ko ang aking shoulder bag sa loob ng kotse ngunit kinuha ko ang susi at phone ko, just in case na may tumawag sa akin.

Nang pumasok kami sa glass door ng bar, sumalubong sa amin ang napakaraming tao at maingay na paligid.

"Tara." Hinila ni May ang kanang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. She went here before but not me.

"Where are we going? Huh?"

Hindi siya sumagot.

Napansin ko ang isang table sa hindi kalayuan kung saan kami papunta ng kaibigan kong naalog na ang utak. Nakaupo ang dalawang pamilyar na lalaki roon. Wait, sina Ben at Zy - mga friends ni Charles.

"Hey!" bati nila sa amin.

"Hi!" pilit akong ngumiti sa kanila na ginantihan din nila ng ngiti. Ang pinagkaiba nga lang ay 'yung sa kanila, genuine, pero ang akin ay pilit lang. At that time, I was not really sure if seeing them again was good for my healing.

Umupo kami ni May sa dalawang vacant chairs na katapat nila.

"So, Shane, kamusta na? Two years na since—"

"Oh, shut up," putol ko sa sinasabi ni Zy. Hindi ko alam, ngunit ayaw kong makarinig ng kung anumang tungkol sa nangyari noon. "Gusto kong makalimutan ang mga nangyari noon kahit ngayon lang."

"Here's your wine, Sir and Ma'am." Napalingon ako sa waiter na may hawak-hawak na tray. Ipinatong niya sa table ang apat na glass at isang malaking bote ng wine.

Yeah, wine. I wish it could help me to forget everything that happened two years ago.

Matapos buksan ng waiter ang wine, agad ko na itong inagaw at naglagay na sa baso ko. Ininom ko iyon nang diretso. Mariin akong napapikit nang gumuhit sa lalamunan ko ang likido.

"Whoa. Dahan-dahan lang, Shane. Hindi ka mauubusan," biro ni Ben sabay tawa nang mahina.

Ipinatong ko ang baso sa table at binigyan sila ng masamang tingin. "Please lang. I want to forget everything," sabi ko as I smiled bitterly.

"Sige, pero dahan-dahan lang," ani Zy. Naglagay siya ng wine sa baso ko. "Here." Iniabot niya ito sa akin at dali-dali ko namang ininom.

~*~

Dalawang oras ang nakalipas, patuloy lang ako sa pagtungga. Wala na akong pakialam kung nakailang bote na ako.

Nahihilo na ako. Ang sakit na ng ulo ko! Ano ba iyan? Lasing na ba ako?

"Tama na, Shane. Umuwi na tayo," aya sa akin ni May.

Dali-dali akong tumanggi. "Ayaw ko. Umuwi ka kung gusto mo."

MAY'S POINT OF VIEW

Nakatatlong bote na ng wine si Shane. Gosh, hindi ko na lang sana siya pinilit na pumunta. Kanina ko pa siya pinipilit na umuwi.

"Shane, umuwi na tayo."

"Isa pa!" sigaw niya at tumawa.

Hindi niya ba ako narinig? Kaasar naman!

Maglalagay pa sana si Zy ng wine sa glass niya pero agad kong inagaw ang bote. "Why?" he asked innocently.

I raised a brow. "Seryoso? Tinatanong mo talaga iyan? Can't you see? She's already drunk! Lasing na siya kaya tama na."

Lumipat ang tingin ko kay Ben nang tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. "Saan ka naman pupunta?"

"Magsasayaw," sagot niya habang nakangiti nang nakaloloko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh my gosh! Iiwan mo kami rito? Gosh, tingnan mo nga si Shane. Hindi na nga namin maawat sa pag-inom, tapos pupunta ka roon para magpakasaya?"

"This is a party. Everyone is supposed to enjoy this night," depensa naman niya.

"Aba—"

"Let him. Nandito naman ako," saad ni Zy.

"Seryoso ka? Hahayaan mo itong lokong 'to na mag-enjoy habang nagproproblema tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ahem. Si Sir Morris na ang bahala, o. Thanks, Bro." May nalalaman pa silang pasimpleng kindatan.

I glared at Ben bago siya tuluyang naglakad palayo mula sa table namin. Napabuntong-hininga na lang ako.

Bumaling ang aking tingin kay Zy na nahuli kong tinititigan si Shane.

"May, akin na iyang wine!" Pilit na inaagaw ni Shane ang bote na hawak-hawak ko. Iba na ang movements niya. Talagang lasing na siya.

"Shane, stop. Please. Lasing ka na."

Tumigil siya at tumingin sa akin. Suddenly, sadness filled her eyes. Sobra na talaga akong naaawa sa kaibigan ko. Lagi na lang siyang malungkot.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon