Chapter 20: Beginning

22 10 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng kainang iyon, nag-stay kami sa room para mag-board-games but this time, kami nang lahat ang maglalaro.

Nag-indian-seat kaming lahat sa sahig.

Kung anu-ano ang mga nilaro namin – chess, scrabble, at iba pa. Ang matatalo kada laro, sagot niya lahat ng meryenda ng bawat isa sa amin.

Laging si May ang talo kaya mangiyak-ngiyak siya noong matapos lahat ng mga laro. "Hala. Gosh, grabe naman. Ba't hindi man lang ako lapitan ng suwerte? Ayaw niya ba sa akin?" padabog niyang reklamo.

"Hindi ka kasi ka-gusto-gusto," banat ni Ben. Sinundan pa iyon ng pag-'boo' nina Andrei at Zy. Akmang hahampasin siya ni May kaya agad siyang kumaripas ng takbo palabas.

Tumawa kami nang tumawa.

~*~

Kinahapunan, napag-trip-an n'ong apat na mag-swimming sa tabing dagat. Naka-shorts ang mga lalaki samantalang si May ay naka-two-pieced swimsuit na navy blue. Para silang mga batang nagtatampisaw sa tubig, tila walang prinoproblema sa buhay.

Dahil sa masarap silang panoorin sa kanilang kabaliwan, naisipan kong iguhit sila, kahit simpleng sketch lang. Kaya heto ako, nakaupo sa buhanginan habang gumuguhit gamit ang sketchpad at lapis ko. Ilang metro ang layo ng distansiya ko mula sa kanila. Baka kasi mabasa ako kapag doon ako sa malapitan. Mahirap na rin dahil baka bumalik ang lagnat ko kung nabasa ako.

Naglakad palapit si Andrei at umupo sa kanang tabi ko. Lumayo siya nang kaunti kasi basang-basa siya Tinignan niya ang ginagawa ko. "Akala ko, ang araw ang ini-sketch mo, kami pala."

Ngumiti ako. "Kasawa na rin kasi. At saka, mas maganda kung kayo naman, para may unique remembrance ako."

"Ba't hindi na lang mga pictures?"

"Trip ko mag-drawing." Natawa siya sa sagot ko. Sakto namang iniangat ko sa ere ang sketch at tinitigan saglit bago ibinalik sa ibabaw ng mga hita ko. "Done."

Binalot kami ng katahimikan habang pinapanood ang mga kaibigan namin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

Akala ko, aalis na siya pero bigla siyang nagsalita. "Shane, sorry kung umamin akong gusto kita."

"I like you."

Mariin akong napapikit nang marinig ko iyon. No, please, not now.

Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap. Now, I could feel his breath on my neck.

"After how many years, hinanap kita. Now, finally, nakita na rin kita pero napaka-wrong-timing. Kung kailan naman ako napalapit na sa iyo, saka pa naman namatay ang puso mo. Let me . . . let me revive your heart once again."

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko. It hurts here," itinuro niya ang kaniyang puso, "seeing you while crying because of him."

Tumango ako. "Kaya mo ba ako hinanap dahil doon?" Hinarap ko siya. "Dahil sa gusto mo ako?"

Hindi siya tumanggi. Tinignan niya ako at nginitian. "There's no sense of denying it."

Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti. Sinulyapan ko ang aming mga kaibigan at ang araw. Ibinalik ko ang tingin ko kay Andrei na nakatingin din pala sa akin.

Nginitian ko siya muli. "I can give you a chance but I need more time to heal."

"I'm willing to wait."

~*~

Madaling araw na noong nakauwi kami mula sa La Union.

Bumaba kami ni Andrei sa labas ng bahay namin. Doon na lang daw dahil malapit naman na ang bahay nila sa amin. Just few houses away lang.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon