Chapter 4: Carried

47 27 1
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang magising ang diwa ko. Agad akong napatampal sa aking noo noong makadama ako ng hilo at kirot sa ulo. "A-aray naman. Ba't parang nababasag itong bungo ko?" Hindi ko napigilan ang sarili ko mula sa pagdaing.

"Calm down." Automatic akong napalingon sa nagsalita. Sino naman ito?

"Sino ka?" kunot-noong tanong ko sa lalaking nagdra-drive. He is familiar.

Ngumiti siya sa direksiyon ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Parang sa isang iglap, natanggal ang hilo ko at napalitan ng inis.

"I'm Andrei Williams," pakilala niya. "And by the way, you're currently riding in my car."

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. For a second, nahimasmasan ako. "So, ibig sabihin, hindi ito ang kotse ko?!"

"Obviously."

"What the . . . " Okay, no cursing muna. "Kung gano'n, nasaan ang kotse ko? At si May, hayung kaibigan ko, nasaan siya?"

"Shane, huwag ka ngang mag-panic. I'm here!" Napatingin ako sa backseat kung saan ko narinig ang boses. Dali-dali kong inirapan si May na nakita kong nakaupo roon habang nakangiti. Uh, what's with the smile?

Ibinalik ko na lang ang pansin ko sa harap. Nahihilo na naman ako. Sa susunod, hindi na ako iinom.

"Naiwan ang car mo. Kunin na lang ninyo bukas," wika ni Andrei.

"May, ginising mo na lang sana ako," sambit ko sa babaeng ngingiti-ngiti sa likod. Sa totoo lang, her smile was somewhat creepy.

"My gosh, Shane. Sobrang lasing mo kaya kanina," sumbat niya naman sabay paikot pa ng kaniyang mga mata.

"Nakailang bote ako?" I asked. Sige nga. Tignan natin kung sino ang lasing sa atin.

Nginisian niya ako bago sumagot ng, "Three."

I smirked after I heard it ngunit nanatili ang tingin ko sa harap. Naaalala ko pa kung nakailan ako, eh. "You're wrong. Dalawa at kalahati," pagtatama ko.

"O, ikaw na ang hindi lasing. O, heto. Naaalala mo ba kung ano ang mga pinagsasasabi mo kanina?"

"Yes, I do," proud kong tugon. Of course, hindi naman ako ulyanin.

"Naaalala mo bang sinabi mo ang lahat tungkol sa panaginip mo?"

Agaran akong lumingon sa kaniya. "A-anong panaginip?" naguguluhang tanong ko. Speaking of . . . malabo ang alaala ko sa mga nangyari kanina.

Panandalian siyang napatawa. Mas lalo akong nalito. "So, 'di mo naaalala."

"Oh, come on, May. Of course not. Kaya nga gano'n ang reaksiyon ko, 'di ba? Ano ba ang mga pinagsasabi ko kanina?"

"Salamat naman, nahimasmasan ka na," sabi niya.

Narinig kong tumawa si Andrei ngunit huminto rin siya nang sinamaan ko siya ng tingin.

"What's funny, Mister Williams?" seryosong tanong ko sa aking katabi.

"Why don't you ask her?" Ngumisi siya sabay tingin kay May.

Ngumisi rin si May sa akin. "Inilabas mo kanina lahat ng hinanakit mo. Lahat ng nararamdaman mo noong mawala si Charles at sinabi mo rin ang tungkol sa panaginip mo."

After n'on, biglang nag-flashback lahat sa isip ko ang mga nangyari kanina. Nakahihiya! Grabe! Nakahihiya talaga!

Ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon sa labas ng bintana. Natatanaw ko na ang bahay namin.

Nang tumigil na ang kotse, binuksan ko agad ang pinto at lumabas. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng gate ngunit dahil sa suwerte ako ngayon, bumagsak ako sa lupa.

Muli na naman akong nakaramdam ng hilo hanggang sa unti-unti nang nagdilim ang paningin ko.

MAY'S POINT OF VIEW

Wala sa sariling napahiyaw ako nang matumba si Shane. "Wait! Natumba si Shane! We need to help her!" Uh, hindi pala lasing, ah.

Dali-dali kaming bumaba ng kotse at lumapit kay Shane na nawalan pala ng malay. Malamang, nakatulog na. Na-knockout ng dalawa at kalahating bote ng wine.

Hindi ko pa sinasabi, binuhat na ni Andrei si Shane. Ako naman ang kumatok sa gate para buksan ito ng maid.

"Hala! Miss Shane," gulat na sambit ng yaya. Out of panic, hinayaan niya kaming pumasok sa loob.

"Nasaan ang kuwarto niya?" pag-alam ni Andrei habang buhat-buhat pa rin si Shane.

"Dito po."

Sinundan ni Andrei ang maid. Nanatili na lamang ako sa sala at umupo.

ANDREI'S POINT OF VIEW

Mabuti na lang dahil magaan siya.

Sinusundan ko lang ang maid hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang pinto. "Dito po, Sir." Binuksan ng maid ang pinto at dahan-dahan akong pumasok.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng kuwarto niya. Malawak ito at maayos.

Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kaniyang kama. Wala pa rin siyang malay.

Habang kinukumutan ko siya, napansin ko ang isang picture frame sa tabi ng kama niya. Dahil sa curious ako, nilapitan ko ito. Picture ito ng isang nakangiting lalaki. Guwapo siya pero siyempre, mas guwapo ako sa kaniya.

"Siya po ang dating boyfriend ni Miss Shane," wika ng maid. Mukhang napansin ako nitong nakatingin sa frame kaya niya sinabi iyon.

No need to tell that to me. I know. Alam kong siya si Charles.

"Charles . . . please . . . don't leave me." Tinignan ko si Shane. Bumubulong siya habang natutulog. So, she loves him so much.

~*~

SHANE'S POINT OF VIEW

Same dream na naman. Lagi na lang.

Ano ba ang nangyari sa akin kagabi? Paano ako nakapasok dito sa bahay? Sa pagkakaalala ko, nawalan ako ng malay sa harap ng gate.

Bigla akong napaupo sa kama at napahawak sa ulo ko. Nananakit na naman.

Narinig kong nag-ring ang phone ko kaya inilabas ko ito mula sa bulsa ko. Yuck! Hindi pa pala ako nakapagpapalit ng damit.

Unknown Number

Sino ba ito? Umagang-umaga, istorbo.

Pinindot ko agad ang answer button. "Hello?" nakasimangot kong bati. So, what? Hindi rin naman ako nakikita ng nasa kabilang linya.

"Hi!" Wait, boses ng lalaki.

"Sino 'to?"

"Ang nagbuhat sa iyo kagabi."

Kumunot ang noo ko. "Huh? So . . . may nagbuhat sa akin kagabi?"

"Malamang. Alangan namang ang maid ninyo. Mukhang mas mabigat ka pa nga kaysa sa kaniya, eh."

Aba, inasar pa ako. "Sinasabi mo bang mabigat ako? Ha?"

"Hey! Wala akong sinasabing ganiyan, ah!"

"Oo nga. Wala kang sinabi pero parang iyon ang ipinapahiwatig mo, eh. Teka nga, sino ka ba?"

"May I visit you?" Eh? Napakaganda ng pangalan, ah. Grabe.

"Sino ka?" ulit ko pero parang hindi niya ako narinig.

"May I?"

"Sino ka nga?" Kaunti na lang, mauubusan na ako ng pasensiya.

"It's me – the birthday celebrant who invited you last night."

Uh, birthday celebrant? Last night? Sinubukan kong alalahanin kung sino siya? Inabot pa ako ng ilang segundo bago ko naalala. "Andrei Williams?"

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon