Chapter 12: Last Wish

38 24 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

"Ah, o-opo, Ma. Papunta pa lang po ako."

"Okay, Honey. I love you. Keep safe."

"You too, Ma."

Pinatay niya na ang tawag.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Pumunta ako sa banyo para maligo at makapagpalit. Kinuha ko ang phone, shoulder bag, wallet, at susi ng car ko. Pumunta ako sa garahe at sumakay sa kotse. Nag-drive ako papunta sa flower shop at bumili ng mga bulaklak bago nagtungo sa sementeryo kung nasaan siya natutulog.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad nang tahimik. Aking ipinatong ang bulaklak sa ibabaw ng puntod. Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan muli siya.

"Isang taon na mula noong last na dumalaw ako sa iyo rito. Pasensiya na, ah? Marami akong iniisip."

Binalot ako ng katahimikan.

"Charles, bakit ang sakit pa rin? Dalawang taon na . . . "

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Lumakas din ang ihip ng hangin sa paligid na siyang nanghahawi sa aking buhok.

"Because you still have me in your heart."

I froze. I know that voice. Napalingon ako sa direksiyon kung saan nanggaling iyon. Agad akong napatayo at napatulala sa kaniya.

It's him. Nakasuot siya ng puting damit at nakasandal ang kaniyang likuran sa trunk ng puno. Walang anumang ekspresyon ang makikita sa kaniyang mukha maliban sa lungkot.

Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. Tumakbo ako papalapit at niyakap siya ngunit, natigilan ako nang tumagos lang ang mga braso ko sa katawan niya. Bahagya akong napaatras at tinignan siya.

He's already dead.

"Shane, huwag kang matakot sa akin. Narito lang ako para sabihin sa iyo ang lahat ng gusto kong sabihin," saad niya.

Hindi ako sumagot.

"Shane, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganiyan. Please, set yourself free. Mahihirapan ka lang at ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Nahihirapan din ako, Shane. Ayaw kong huminto ang mundo mo nang dahil lang sa akin. Please, magpatuloy ka nang wala ako." Nasulyapan ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"But, I can't." Pinahid ko ang mga basang pisngi ko gamit ang aking mga palad. "Hindi ko kaya," pag-amin ko.

"Shane, set yourself free. Please."

"Charles, 'di ko kayang kalimutan ka." Why does he keep on pushing me away? I don't want this feeling. Each time he tells me to let go . . . hindi ko kaya . . . tila humihigpit nang humihigpit ang kapit ko.

"Shane, wala akong sinabi na kalimutan mo ako. Ang sa akin lang, magpatuloy ka kahit wala na ako, dahil kahit ano ang mangyari, hindi na ako mabubuhay pa. Palayain mo na ang sarili mo, para hindi ka na mahirapan pa."

"But—"

"Set me free. May iba pang lalaking nararapat sa iyo, nararapat sa pagmamahal mo."

Napakunot ang noo ko, lubos na naguguluhan. Pushing me away does not work, is making me fall for someone else his other method? Why, Charles? "Who—"

"You know him. He's the guy who can make you smile." Ngumiti siya. "Someday, you'll also fall for him."

Mas lalong napakunot ang noo ko. Ipinagtutulakan niya talaga ako sa iba? "Pero—"

"Shane." Tinitigan niya ako nang maigi. "Set yourself free and live without me. That's my last wish."

His last wish . . . how unfair he could be?

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon