Chapter 3: Birthday Celebrant

52 29 6
                                    

MAY'S POINT OF VIEW

"Ano ba? May, gusto ko lang naman makalimutan ang lahat ng nangyari, ah. Pagbigyan mo naman ako." Unti-unting nanubig ang kaniyang mga mata. "Bakit niya kasi ako iniwan? Bakit ba kasi kinuha siya sa akin agad? Kainis naman! Hindi pa kami nagsasama nang matagal, eh."

Ipinatong ko ang bote ng wine sa mesa. Lumipat ako ng puwesto sa kaniyang kanang tabi para haplusin ang likod niya. Sana, kahit papaano, mapatahan ko siya. "Shane, tama na."

"Ilang years na, hindi pa rin ako makapag-move-on. Ba't ba kasi ang tindi ng tama niya sa akin?"

Natahimik kami ni Zy. Hinayaan lang namin siyang magsalita hanggang sa mailabas niya lahat ng dinaramdam niya.

"Why do I love him so much? I can't move on. Lagi na lang. Pinapahirapan ako ng mga memories ko with him. Kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko. Dapat isinama niya na lang sana ako—"

"Don't say that. May dahilan ang Diyos kung bakit ka nananatiling buhay," wika ni Zy sa kaniya.

"Ganiyan din ang sinasabi ni Charles sa panaginip ko," aniya.

Tila may boltaheng higit na gumising sa diwa ko nang marinig iyon. "What do you mean?" automatic kong tanong.

Ngumiti siya sa akin sabay punas sa basa niyang mga pisngi. "Napapaginipan ko palagi si Charles. Sinasabi niya sa akin na mag-move-on ako pero hindi ko kaya. Ang sabi niya, kung 'di ko kayang mag-move-on para sa sarili ko, gawin ko raw ito para sa kaniya. May sinabi pa siyang dapat daw, maging masaya ako kahit wala na siya—"

"Do you mind if I join you?" Agad kaming napalingon sa lalaking nagsalita. Todo ang ngiti nito.

"Sure, pero okay lang ba sa iyong may lasing?" tanong ni Zy sa kaniya, tinutukoy si Shane.

"It's fine. I'm here to listen and help." Umupo siya sa dating upuan ni Ben kanina.

Tinitigan siya ni Shane na nakakunot ang noo. Pinag-aaralan niya kung sino ang nasa harapan niya. After a while, she asked, "Who are you?"

"Come on, Shane. He's the birthday celebrant," sagot ni Ben na kababalik lang. Aba, bumalik pa talaga.

"Oh, she's Shane, huh?" medyo amused na sambit ni Andrei. Yeah, he is Andrei Williams.

"Ah . . . ikaw hayung nag-invite sa akin?" sunod na tanong ng lasing kong kaibigan.

"Yes, I am."

"Why did you invite me? What is your purpose? Oh, sorry. It's just that it is unusual for a celebrant to send invite to someone he does not know personally."

"That is para ma-meet ka." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ikot ng mga mata ni Shane. "Yes. So, puwede mo na bang ituloy 'yung ikinukuwento mo kanina?"

Bumuntong-hininga si Shane. "Alright. Sabi niya sa akin, dapat daw maging masaya ako kahit wala na siya. Kahit pinipilit kong maging masaya, wala, eh . . . wala rin naman kasi simula noong mamatay siya, nawala 'yung malaking bahagi ng pagkatao ko."

Nagkaroon ng katahimikan sa aming lima.

Naglagay si Zy ng wine sa glass ni Shane at iniabot ito sa kaniya. However, to my surprise, hindi niya iyon kinuha at ininom.

"Wala ring silbi iyang wine. Mas lalo ko lang naaalala ang lahat. Ayaw ko na. Ilayo mo na sa akin iyan. It has no use," wika niya. Inis niya pang sinabunutan ang kaniyang buhok.

"Shane," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay ipinatong niya sa table ang kaniyang dalawang kamay at ipinatong dito ang noo.

"Shane." Tinapik ko ang balikat niya. "Shane?" Sinilip ko ang kaniyang nakayukong mukha mula sa ibaba. "Guys, tulog na siya," I informed them.

Tumingin ako sa kanila. Nananatili silang nakatitig kay Shane. Walang emosyon ang makikita sa mga mukha. Hindi ba nila ako tutulungan para maiuwi siya?

Makaraan ang ilang minuto, hindi pa rin sila gumagalaw o kumikibo. Wala talaga silang balak tulungan akong iuwi ang kaibigan kong ito.

"Iuuwi ko na siya. Sige. Bye." Padabog akong tumayo at hinarap si Shane. Sana, maramdaman nilang kailangan ko ngayon ng tunay na gentleman!

"Wait, let me carry her."

Lumingon ako sa nagsabi niyon. "Are you serious?" tanong ko kay Andrei.

Tumango siya bilang sagot. "Bakit? Kaya mo ba siyang buhatin?"

"H-hindi." Hinampas ko siya sa braso. "Paano ko siya mabubuhat kung mas mabigat siya sa akin? Hindi ako langgam, 'no!"

Tumawa lamang siya. "Malay ko ba kung langgam ka. Kaliit mo, eh."

Tinignan ko sina Zy at Ben. "Okay lang ba sa inyong buhatin siya nito?" tukoy ko kay Andrei.

"Wala namang kaso sa akin," sabi ni Zy. Tumango naman si Ben bilang pagsang-ayon. "At saka, nakainom na kami. Mabuti si Andrei at 'di umiinom. Let him carry her," dagdag pa niya.

"Kung sabagay." I also nodded in agreement.

Tumayo si Andrei at lumapit kay Shane. Dahan-dahan niyang binuhat ito. Parang wala lang sa kaniya ang bigat niya.

Pinagtitinginan kaming lahat ng mga taong nakakasalubong namin hanggang sa makalabas kami ng bar.

"Nasaan ang kotse niya?" tanong niya.

"There." Itinuro ko hayung direksiyon kung saan naka-park ang puting kotse ni Shane.

"Do you know how to drive?" tanong niya nang 'di tumitingin sa akin.

"Hindi," I spoke out, a bit embarrassed. I had no enough time to learn such.

"Okay. We'll use my car—"

"Wait, paano ang kotse niya?"

"Kunin na lang ninyo bukas."

Napasimangot ako. Kagaling ng sagot. "Ha? Paano kung manakawan iyan?"

"Huwag kang mag-alala. This area is secured."

Nakahinga ako nang maluwag. "That's a relief."

Nauna siyang naglakad bago ako sumunod. Tumigil kami nang makarating kami sa harap ng isang red na kotse. Wow.

"Buksan mo."

Binuksan ko ang pinto ng kotse sa bandang harap. Dahan-dahan niyang ibinaba si Shane at pinaupo. Agad niyang isinara ang pinto. Umupo ako sa bandang likod samantalang sila ay magkatabing nakaupo sa harap. I smell something.

"Alam mo naman, 'di ba, kung saan siya nakatira?" Ngumisi ako habang sinasabi iyon.

"Of course, yes." He smiled as he started the engine.

Kinulit niya ako noon. Kinulit niya ako tungkol sa address ni Shane kaya hayun, ibinigay ko na lang dahil kaibigan ko naman siya at alam kong . . . never mind.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon