Chapter 11: Bug

48 27 4
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

"Tara na."

Sumakay kami sa roller coaster. Panay ang sigaw niya. Mas malala pa siya sa babae kung makasigaw. Imbes na matakot ako, natawa na lang ako sa pagka-overacting niya. Subalit sa katunayan, nangangatog ako sa sobrang takot. Kung maaari lang sanang mag-teleport paalis, kanina ko pa ginawa.

Halos lahat na yata ng rides dito ay nasakyan na namin. After that, bumili kami ng tig-isa kaming cheese burger at soft drinks. Umupo kami sa isang bench at naisipang magkuwentuhan.

"So, doctor ka na pala. Neurologist?" tanong ko sabay kagat sa burger.

"Yes. Nagtatrabaho ako sa St. John Private Hospital."

Natigilan ako sa narinig ko. "St. John Private Hospital?"

"Yes. Bakit?"

I know that hospital. Ibinaba ko ang aking kinakaing burger. "Doon nai-confine si Charles noong buhay pa siya," halos bulong kong sabi. "Did you know him? Isa ba siya sa naging pasyente mo?"

Kumunot ang kaniyang noo, tila inaalala kung naging pasyente niya nga si Charles. "Charles . . . ?"

"Charles Wright."

"Charles Wright." Napahawak siya sa kaniyang baba, inaalala pa rin. Matapos ang ilang saglit, pinatunog niya ang kaniyang mga daliri. "Yes, isa siya sa naging pasyente ko. Sa kaniya ko pala nalamang ikaw si Shane na friend ko. Nalaman ko ring boyfriend mo siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "So, nakita mo na ako noon?"

Tumango siya habang nakangiti. "Yup, nakita na kita noon sa hospital. Grabe ang iyak mo kaya hindi muna ako nagpakilala sa iyo."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kaya nakipag-close ka muna sa mga friends ko bago sa akin?"

"Parang ganoon na nga."

"Eh, bakit naghintay ka pa ng dalawang taon bago ka nagpakilala?" sunod kong tanong ngunit this time, nakaangat na ang kanang kilay ko.

"I have reasons pero these will just remain as secrets," aniya.

"Secrets again?" Ipinaikot ko na lang ang mga mata ko. "Gosh, hindi na ba mababawasan ang mga naglilihim sa akin?" bulong ko sa sarili.

"Sorry, Shane."

"Alright." Bumuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman siya mapipilit na sabihin ang mga iyon at saka siguro, masiyadong personal.

"Change topic na nga. Saan na kayo nakatira ng mama mo?" I asked.

Ngumisi siya. Heto na naman ang nakaiinis niyang ngisi. Hindi ba siya nagsasawa?

"Sa village n'yo rin. Malapit lang sa bahay ninyo."

Automatic akong huminto sa pagkain at napalingon sa kaniya. "Seryoso?"

"Yes. Last year, lumipat kami roon dahil iyon ang gusto ni Mama," paliwanag niya. "'Di ka makapaniwala. Hindi ka naman kasi naglalalabas ng bahay ninyo kaya hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo," dagdag pa niya.

May point siya. Simula noon, wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Ano ang course na natapos mo?" tanong naman niya.

"Nag-take muna ako ng Psychology bago kumuha ng Law," maikling sagot ko.

"Nag-take ka na ng BAR exam?"

"Yes, and I passed."

"So, attorney ka na pala. Alam mo na rin ang gusto mo," pagpuri niya.

I smiled. "Yes, pero itinigil ko ang pagiging lawyer simula noong mamatay si Charles. Nawalan ako ng gana. Nagulo ang isip ko," sabi ko, "Pinilit kong ituloy pero hindi ko talaga kaya. Lagi kong naipapanalo ang mga case na hinahawakan ko noon pero hayun, since then, naipapatalo ko na."

Lumukot ang mukha niya. "Sayang naman kung hindi mo ipagpapatuloy. Hindi lang naman sa kaniya umiikot ang mundo mo."

Ewan ko ba, pero tinamaan ako sinabi niyang iyon. He's right. I must know how to live kahit wala na siya.

"I know. Ipagpapatuloy ko naman pero sa ngayon huwag muna hanggang 'di pa ako nakaka-recover sa pagkawala niya," wala sa sariling wika ko.

Ipinatong ni Andrei ang palad niya sa ulo ko at ginulo ang aking buhok. Sinamaan ko siya ng tingin subalit tinawanan niya lang ako bilang pagbabalewala.

"Don't think too much. Malalagpasan mo rin iyan."

I know. I just have to learn how to live my life without him.

~*~

Buong linggo akong nagkulong ulit sa kuwarto.

Busy silang lahat maliban sa akin. Busy sila May, Ben, at Zy sa kani-kanilang business samantalang si Andrei naman ay sa hospital. Siyempre, hindi siya ang pasyente kundi ang doctor.

Wala akong ibang inatupag kung hindi ang mag-isip. At dahil sa pag-iisip na iyan, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Andrei noong pumunta kami ng amusement park.

"Eh, bakit naghintay ka pa ng dalawang taon bago ka nagpakilala?"

"I have reasons pero these will just remain as secrets."

"Kainis!" bulalas ko sabay bagsak ng sarili ko sa kama. "Puwede niya naman kasing sabihin na lang kung bakit pa siya naghintay ng dalawang taon bago nagpakilala, eh. Pati tuloy ako, nababaliw sa kakaisip."

Tinanong ko si May tungkol dito kanina kahit na alam kong busy siya. Hindi niya raw alam pero iba ang sinasabi ng pakiramdam ko. Hayung para bang . . . may mali? Uh, ewan.

Nagpaikot-ikot na lang ako sa kama. Nagbabaka-sakaling maalog ang utak ko at makalimutan ang tungkol doon ngunit agad din akong napatigil nang mag-ring ang phone ko. Inilabas ko iyon mula sa pocket ng jeans ko at tinitigan muna iyon saglit.

Mama

Agad ko itong sinagot. Matagal na rin mula noong huli kaming nagkausap. "Hello, Ma. Kamusta na po?"

"Hi, Anak. Okay lang naman," wika niyang may kasamang mahinang tawa.

"Ma, bakit po kayo napatawag?" tanong ko at umupo sa kama.

"Anak, I have good news!"

Pagkarinig ko pa lang n'on, bigla akong nakaramdam ng excitement. "Ma, ano po?"

"Uuwi na ako riyan next month," sabi niya, sinadyang bitinin, "for good!"

I smiled ear-to-ear because of that. "Talaga, Ma? Hindi ka na aalis?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi na. Magkakasama na tayo."

"Ma, hindi bale. Kapag nakauwi ka na rito, ako naman ang magtatrabaho. Babalik na ako sa pagiging lawyer—" Bigla akong napahinto at nanlaki ang mga mata ko sa nasabi. Patay. Lagot na.

"Ba't anak? Tumigil ka?"

Heto na. Lagot na ako. Napakamot na lang ako sa batok. "Eh, M-ma, kasi—"

"I understand, Dear. Dahil ba ito sa kaniya?"

So, naaalala pa niya si Charles. Kung sabagay, paanong hindi niya maaalala, eh, siya ang nauna at nag-iisang naging boyfriend ko.

"O-opo." I could no longer hide it from her.

"Okay. Hindi mo ba siya bibisitahin ngayon?"

Natigilan ako, hindi sinasadyang napatingin sa isang calendar na nakasabit sa pader.

May 8, 2018

Death anniversary niya ngayon. Gosh, marami na akong masiyadong iniisip kaya pati ito, nakakalimutan ko na.

Sorry . . . Charles.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon