Chapter 25: Hatred

6 2 0
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

Sumakay ako sa kotse at nagdesisyong magpunta sa amusement park na dalawang beses na naming pinuntahan ni Andrei. Malakas naman ang memorya ko kaya malinaw kong naaalala ang daan patungo roon.

Mga sigawan sa mga rides, masasayang tawanan sa mga booths, at matatamis na mga ngiti ang makikita – napakasaya ng mga taong naroon. Ako lang ang out-of-place. Siyempre, medyo namumugto pa ang mga mata ko at nakasimangot rin. Paanong hindi ako ma-a-out-of-place sa lugar na ito?

"Daddy!"

May nakita akong isang batang babae 'di kalayuan mula sa akin. Masaya siyang tumakbo palapit sa daddy niya at nagpabuhat. Napangiti naman ang mommy niya habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Daddy, Mommy, buy me an ice cream. Please," sabi ng bata matapos ituro ang ice cream vendor na nasa kanang gilid ko lang pala.

Natawa ang mommy niya. "Kakakain mo lang, ah."

"I want some more."

Sumagi sa isip ko ang alaala ko noong bata pa ako. Ganiyan din kami noon nina Papa at Mama. We used to be a happy family but, now, we are broken. At dahil iyon kay Papa, sa pambababae niya.

Sa murang edad, nalaman ko na ang tunay na dahilan. Kararating pa lang namin noon sa bahay ng isang kamag-anak ni Mama rito sa Manila, sinabi niya na sa akin ang lahat.

Isang gabi, lumabas si Papa nang hindi nagpapaalam kay Mama. Buti na lang, dahil gising pa si Mama noon at umaaktong tulog lang. Matagal niya na rin kasing pinaghihinalaan si Papa.

Sa isang bar malapit sa bahay namin nagpunta si Papa. Hinarang si Mama ng mga bouncer kaya hindi siya agad nakapasok subalit, nakahanap siya ng ibang way, sa backdoor siya dumaan.

Sa kabutihang palad, nakita niya agad si Papa na nakaupo sa counter at umo-order ng drinks.

Lalapitan niya sana ito at aanyayahang umuwi kaso may lumapit na isang babae rito. Kung titignan pa lamang, halatang malandi na ang babae dahil sa suot nitong mga alahas at napakaikling pulang damit na sobrang hapit sa katawan nito.

Doon nagsimulang kumulo ang dugo ni Mama sa galit at mas lumala pa iyon nang makipaghalikan si Papa sa babaeng iyon. Pinigilan ni Mama ang kaniyang sarili mula sa pag-eeskandalo. Napaiyak na lamang siya at umuwi.

Kinabukasan, kinompronta ni Mama si Papa. Nag-away sila. Sa araw na iyon, doon na natapos ang lahat sa kanila – naghiwalay silang dalawa. However, walang annulment na nangyari kaya technically, mag-asawa pa rin sila.

"Miss, bibili ka ng ice cream?" tanong ni Manong Tindero habang nakangiti sa akin.

"Ah, hindi po."

"Bili ka na, Hija. Ang sabi nila, nakagagaan ng loob ang pagkain ng ice cream." Napangiti ako dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit na simpleng banat niya lang iyon para makabenta, tumagos pa rin sa akin.

"Sige po. Bibili na po ako. Isa pong cone ng vanilla ice cream." Iniabot ko ang aking bayad mula sa shoulder bag ko at kinuha na ang aking order.

Sinulyapan ko ulit ang bata kasama n'ong mga magulang niya. Aalis na sana ako ngunit, nagsalita si Manong.

"Alam mo, Hija, kanina pa kita napapansing nakatingin sa kanila. Siguro, may problema ka sa pamilya ninyo."

Hindi ako nakakibo. Napatingin na lamang ako sa mukha niya, medyo kulubot na dahil sa katandaan.

"Malalagpasan mo rin iyan, Hija. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kung anuman iyang hinanakit mo, huwag mong hayaan iyang lamunin ka. Sa mundong ito, walang taong hindi nakagagawa ng mali kaya matuto tayong magpatawad. Anyone deserbs (deserves) a sekkand (second) chance," nakangiting litanya niya.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon