Chapter 1: Dull

99 34 15
                                    

SHANE'S POINT OF VIEW

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Gawin mo ang lahat para maging masaya ka."

"Ayaw ko." Paulit-ulit akong umiling habang pinupunasan ang aking mga luha. "Hindi ko kayang maging masaya, Charles. Hindi ko kaya hangga't wala ka."

"Enjoy your life, Shane. Huwag mong ibaon ang sarili mo sa lungkot."

"Pero—" Napahinto ako sa tangkang pagsalita nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

I really miss this. Miss ko ang bawat yakap niya – ang presensiya niya sa tabi ko.

"Please. If you can't do it for yourself, gawin mo para sa akin, Shane," pakiusap niya.

Hindi na lamang ako kumibo pa. Dinamdam ko na lamang ang init ng yakap niya habang nakapikit dahil alam kong hindi na rin ito magtatagal.

"Please, Shane. Huwag mong ibaon sa lungkot ang sarili mo." Matapos niyang sabihin iyon, hinalikan niya ang aking noo.

Agad akong napaupo sa kama at inilibot ang aking paningin sa loob ng kuwarto. Napatampal na lamang ako sa noo. Panaginip lang pala. Akala ko naman kung totoo na. Pabagsak akong humiga ulit.

Another bad day for me. Maghapon na naman akong tulala rito sa kuwarto. Walang magawa. Boring.

Bakit ang tindi ng tama mo sa akin? Ha, Charles? Why do I love you this much?

"Miss Shane, kumain na po kayo ng almusal."

Sinuklay ko ang aking buhok at saka itinali. Binuksan ko ang pintuan at sinalubong ang aming kasambahay.

"Morning, Yaya," bati ko at pilit na ngumiti. Siyempre, magmumukha akong bastos kung nakasimangot ako.

Kinuha ko ang tray ng pagkain bago isinara ang pinto. Inilapag ko ito sa kama at umupo. Kahit na wala akong gana, pinilit ko pa ring kumain.

Laging ganito ang nangyayari sa pang-araw-araw ko simula noong namatay si Charles dahil sa cancer. Siguro, iniisip ninyo kung sino ako sa buhay niya.

Hi! Ako lang naman si Shane Smith – ang girlfriend niya at soon-to-be wife niya . . . sana.

~*~

Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtantong para akong baliw na nakakulong sa isang mental hospital.

Dahil sa pagkabagot, binuksan ko ang isang bintana malapit sa kama ko. Bumungad sa akin ang malamig na ihip ng hangin.

Muli akong umupo sa aking kama. Sakto namang narinig kong nag-ring ang phone ko. Dali-dali kong inilabas ito mula sa kanang bulsa ng aking blue shorts. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni May sa screen nito.

Matagal-tagal na rin noong huli siyang tumawag sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Siyempre, as a friend, she gives me space in times like this.

"Hello, May."

"Hello, Shane."

"Bakit napatawag ka?" diretsong tanong ko.

"We need to talk."

Pinaikot ko ang aking mga mata. Ilang araw ko lang siyang hindi nakausap, naalog na ang utak niya?

"We're talking," sagot ko, obviously stating.

"Come on! I mean, we need to talk personally. Meet me in our usual restaurant."

Uh, mukhang ako yata ang naalog ang utak.

"Tungkol saan?" tamad kong tanong. I know this. She's trying to cheer me up.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon