Chapter 20: Beginning

Start bij het begin
                                    

"Thanks a lot, guys! Ingat!" Kinawayan ko sila.

Sumilip sila sa bintana at kumaway rin. "Welcome! See you!"

Bumuntong-hininga ang katabi ko kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya. Napaangat ang kaliwang kilay ko noong guluhin niya na naman ang buhok ko habang nakangiti. "Hilig mo talagang manggulo ng buhok, 'no?"

Napatawa siya. "Buhok mo lang."

I rolled my eyes. "Whatever." Huminga ako nang malalim. "So, paano? Bye na?"

Tumango siya at kumaway. "Bye na."

Binuhat ko ang aking bagahe at papasok na sana sa gate ngunit napahinto ako nang mapansing hindi pa siya umaalis. Tinignan ko siya. "Ba't nakatayo ka pa riyan?"

"Hinihintay lang kitang pumasok."

Napakurap ako sa sobrang seryoso niya. "A-ah, sige." Dali-dali na lang ako pumasok at ni-lock ang gate. "Bye ulit."

"Mukhang may gusto po sa inyo si Sir Andrei."

Muntikan pa akong mapasigaw sa biglang pagsulpot ni Yaya sa harapan ko. Paanong hindi ako magugulat sa kaniya? Sobrang nangingitim ang paligid ng mga mata niya. Siguro ay dahil sa napuyat siya kahihintay sa akin.

Ngumiti siya nang mapang-asar. "Ikaw, Miss Shane, ah? Luma-love-life ka ulit, ah?"

Natawa na lang ako. "Hindi po."

Cute din pala ni Yaya magbiro. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ito. Ini-hire siya ni Mama three years ago, noong mag-resign ang dati naming yaya dahil nagpasya itong umuwi na sa kanilang probinsiya upang doon na lamang magtrabaho. Mas matanda siya ng apat na taon sa akin kaya parang ate na rin ang turing ko sa kaniya.

Kinuha ko mula sa loob ng bagahe ang malaking paper bag na naglalaman ng mga banana chips at mga special kakanin. Binigay ko iyon sa kaniya.

"Ang ipinangako ko, Yaya."

Todo-ngiti niyang tinanggap ang mga ito. "Maraming salamat, Miss Shane."

"'Shane' na lang po. Tanggalin n'yo na po ang 'Miss'.

Tila nagulat siya sa sinabi ko ngunit unti-unti rin siyang napatango. "S-sige, Shane."

"At ako naman po, ang itatawag ko na sa inyo mula ngayon ay 'Ate Lydia'."

Iniangat ko ang kanang kamay ko sa harap niya. Awkward namang nakipag-apir siya sa akin. Natawa tuloy ako at ganoon din siya.

"May side ka palang ganiyan," komento niya.

"Nahawa lang po sa kabaliwan ng mga kaibigan ko."

"Mas okay palang kasama mo sila kaysa sa magmukmok ka sa kuwarto mo."

"Oo nga po, eh."

Sabay kaming pumasok sa bahay. Tinulungan niya muna akong ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto bago niya ako iniwan. Pabagsak akong humiga sa kama nang maramdaman ko na ang grabeng antok.

Wala sa sariling napabulong ako. "Sana, maulit ang bakasyong iyon."

~*~

Hindi ko maiwasang hindi kabahan habang naglalakad papasok sa St. John Private Hospital. Mas lalong dumodoble ang kaba ko pagpasok ko sa mismong clinic ng psychiatrist ko na nasa third floor ng building.

"It's been two years," saad niya nang makita ako.

Ngumiti lamang ako at umupo sa isang puting upuan sa harap ng desk niya.

"So, how are you? Hindi pa rin ba nakaka-move-on?" tanong niya.

"Um . . . medyo po."

She smiled. Mas nagliwanag ang mukha niyang may mga kaunting wrinkles na rin dahil sa katandaan. "That's a great improvement kumpara noong last na pumunta ka rito, kaunti na lang, isumpa mo na ang mundo."

Natawa na lang ako. "Oo nga po, eh. Uh, Doktora, pasensiya na po kung hindi ko itinuloy ang weekly check-up ko."

"It's fine. I understand." Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Losing someone that is truly valuable in your heart is not easy. Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Just let yourself endure the pain, accept it—"

"—and move forward."

Nabigla siya sa pagtuloy ko roon. "O, naaalala mo pa pala. And good, hindi mo na ako sinumbatan."

Awkward akong napangiti nang maalala ko ang unang check-up niya sa akin. Sinabi niya rin kasi ang linyang iyon sa akin noon. Wala namang mali sa sinabi niya kaso, may depression na ako noon kaya hayun, nasumbatan ko siya nang marinig ko iyon. Siyempre, paanong hindi ako susumbat? Hayung tipong sobrang galit ka na sa mundo dahil sa namatayan ka tapos biglang may magsasabi sa iyo ng ganoon? And take note – napaka-casual niya pang sinabi, parang wala lang.

"Endure, accept, and move forward," ulit ko.

"Tama, Attorney."

Ngumiti ako. "Kaunting push na lang po, malalagpasan ko na ito."

Revival Of The Dead Heart (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu