Chapter 19: Fever

Start from the beginning
                                    

"Shane, I'm here."

"Hindi. Wala ka rito. Wala ka na!"

"Shane . . ." Stop. Please. "Shane."

Huminga ako nang huminga nang malalim to clear my mind until I couldn't hear him anymore. Iminulat ko ang mga mata ko para tingnan siya. He's gone.

"Ano ba, Shane?! Gusto mo bang magkasakit?!"

Ngumiti ako kay Andrei na kararating lang at hinarap ako. Basa na rin siya ng ulan tulad ko.

"I saw him again but I made myself stop from hallucinating. Shall I be proud na nilalabanan ko ang depression ko?"

His mad face softened. Hindi siya sumagot. Sa halip ay niyakap niya lang ako.

Tumingin ako sa itaas at pinagmasdan ang bawat patak ng ulan.

"Of course, I must be. I must be because I made a promise to him that I'll set myself free and learn to live without him. I'll move forward."

Napailing na lamang ako sa sarili.

"Nabasa ka ng ulan at nawalan ng malay kahapon dahil sa taas ng lagnat mo," aniya, "As a doctor, I recommend na uminom ka ng vitamins and eat fruits that are rich in Vitamin C. Masiyadong mahina ang immune system mo." Hinawakan niya ang ibabaw ng aking ulo at ginulo na naman ang buhok ko.

"Opo, Doc." Umupo ako at sumandal sa kama. Ginamit ko ang likod ng aking kamay para damdamin ang init ng leeg ko. Napangiti ako nang malamang wala na akong lagnat. "Salamat pala sa pag-aalaga sa akin," pasasalamat ko sa kaniya.

"Welcome." Kumindat siya. "At your service, Ma'am." Tumayo pa siya at nag-bow. Natawa na lang ako. Napaka-cute niya talaga kapag nagbibiro, para siyang bata.

"Nasaan sila May?"

"Nasa labas. Nagmemeryenda sila."

"Ba't hindi ka sumama?"

"Wala kang kasama rito. Mahirap na, baka mag-hallucinate ka naman." Natigilan ako. "Baka makita mo si Charles diyan sa labas ng bintana, bigla ka na lang tumalon diyan para sundan siya," biro niya.

Agad ko siyang hinampas sa kaliwang braso. "Grabe ka sa akin." Napalabi ako at tinignan siya nang masama.

"Bakit hindi? Tumakbo ka nga palabas kahapon kahit na umuulan nang malakas." Balak ko sana siyang hampasin ulit pero hindi na natuloy dahil sa sobrang seryoso ng kaniyang mukha. "Alalang-alala kami sa iyo. Pinag-alala mo ako, alam mo ba iyon?"

Napayuko ako upang iwasan ang mga mata niya. Muntik ko nang makalimutan, gusto niya pala ako.

"I'm sorry." Ramdam ko na naman ang panunubig ng mga mata ko. "Masakit pa rin kasi." Dali-dali kong pinunasan ang mga luha kong kumawala na at tinignan siya. "Nilalabanan ko naman ang depression ko pero masakit pa rin."

Walang sabi-sabing niyakap niya ako. "Shush. You'll get over it soon."

Matapos kong tumahan, naligo muna ako at nagpalit bago kami pumunta sa dining hall, kung nasaan ang mga kasama namin.

Hindi pa kami nakapapasok, rinig na rinig na namin ang mga tawa ni Ben. Nagkatinginan kami ni Andrei at napailing-iling na lang dahil sa kabaliwan ng lalaking iyon.

Nakapuwesto sila sa isang table malapit sa kuhanan ng pagkain. Kumuha muna kami ng makakain bago namin sila nilapitan. Napangiti ako nang mapansing pare-pareho kami ng kinuha - isang plato ng carbonara at one tall glass ng iced tea.

"Hello, guys," bati ko. Malapad silang ngumiti sa akin.

"Hi rin."

"Good morning."

"Hi, Sleeping Beauty."

Umupo ako sa gitna nina Ben at May. Mahirap na. Baka makagawa ng kasalanan si May. Si Andrei naman, umupo sa bakanteng upuan sa gitna nina Zy at Ben.

"Okay ka na, Shane?" tanong ni May sabay subo, "Hindi na masakit ang ulo mo?"

"Hindi na."

"Magaling kasi ang doctor na kasama natin," singit ni Ben, "'di ba, Andrei?" Natawa naman ang huli. "Sa bawat pag-aalaga, may kasamang pagmamahal." Nagsitawanan kaming lahat.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa mga pinaggagawa nila kahapon habang nagpapahinga ako. Ayon sa kanila, nanatili lang daw sila sa room at naglaro na lang ng mga board games. Lagi raw talo si May kaya siya lagi ang bumibili ng mga meryenda at iba pang makakain. Hindi kami tumitigil sa katatawa kasi kada kuwento, may banat si Ben.

Tuloy, hindi ko maubos-ubos itong carbonara ko.

Revival Of The Dead Heart (Completed)Where stories live. Discover now