Prologue

87.5K 937 19
                                    

(Renz POV)

Hay sa wakas! Natapos na yung project na ginagawa namin ni Anamarie, grabeng pagod! Woooh! Kailangan ko ng pumunta sa school para sa try out, baka maging monster na naman ulit si coach eh.

"Babes, alis na ko ha?!"

Sigaw ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit. Pumunta kasi siya sa kusina. Malapit lng naman yung kusina nila sa salas nila kaya sinigaw ko na lang.

"Ha?! Kain muna tayo. Nag-handa pa naman si mommy ng meryenda"

Sagot niya sa 'kin habang naglalakad palabas ng kusina nila.

" Huwag na lang babes. May try out kasi ngayon eh."

"Diba varsity kana?"

"Kailangan daw naming mag-assist dun sabi ni coach. Saka, may band practice pa kami."

"Tss! Sige na nga."

Tapos tumalikod siya. Nag-tampo na naman ang babes ko. Ang cute niya talaga 'pag nagtatampo! Hug ko lang naman katapat ng tampong  yan eh. At dahil naka-talikod siya, binack hug ko siya. 

"Wag ka ng magtampo. Promise, babawi ako mamaya pagkatapos ng try out."

Tapos humarap siya sa 'kin at hinug rin ako.

"Oo na. Basta mamaya ha. Alis ka na. Baka ma-late ka sa try out niyo."

O diba, hug ko lang katapat niyan.

"Tss.  Baka nagtatampo ka pa."

Pakipot ko pa kunwari. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Hindi na po"

Then she pinched my cheeks.

"Sige na nga, sabi mo 'yan ha."

Pumunta ako sa kusina saglit para magpa-alam kay tita.

"Alis na po ako tita."

"Sige, mag- ingat ka ha."

" Yes tita."

Ta's bineso ko si tita at umalis na 'ko. Hinatid ako ni Anamarie papunta sa gate nila. Naglakad lang ako paalis mula sa subdivision nila Anamarie. Nung nasa highway na ko, kinuha ko yung mp3 player ko at nakinig ako ng music. Medyo malapit lang naman ang school namin mula rito eh kaya nilakad ko na lang. Hinintay ko munang mag red light bago ako tumawid, nasa kabilang dulo kasi ng subdivision nila Anamarie yung school namin.

*BEEP BEEP*

Narinig kong bumusina ng isang truck. Pagkatapos ay narinig kong parang may nabunggo itong kung ano. Lumingon ako sa likod at nakita kong parang may dugo sa baba ng truck na tumigil sa gitna ng highway. Hala! May nasagasaan. Tumakbo lahat ng tao sa nasagasaan kabilang na yung mga nakasabay ko sa pag-tawid. Tss, natulog siguro ang driver ng truck na 'to at hindi nakita na nasa red light pa yung traffic light. Kawawa naman yung nasagasaan.

"Hala, sayang naman 'yang babaeng yan. Ang ganda pa naman sana."

Narinig kong sabi ng isang tao sa nasagasaan. So babae ang nasagasaan? Medyo na curious ako at the same time kinabahan ng walang dahilan kaya pumunta ako dun sa crime scene at naki-usyoso. Medyo nahirapan rin akong tingnan kung sino yung nasagasaan kasi ang rami na ring tao na nakiki-usyoso pero naka-raos rin naman sa huli. Nung nasa harapan na 'ko nung babaeng nasagasaan, grabeng bigla ko kasi napakaraming dugo. Grabe siguro yung pagkasagasa sa kanya nung truck. Hindi ko pa nakikita yung mukha ng babae kasi nakaharap sa left side yung ulo niya, nasa right side niya kasi ako, pero yung damit niya familiar sa 'kin. Teka, yung suot nung babae .... Tumakbo ako dun sa may left side kung saan nakaharap yung mukha ng babaeng nasagasaan. At nung nakita ko yung mukha niya, bigla na lang tumulo ang luha ko. Yung nasagasaan, si...










ANAMARIE!!!!



[A/N] HAHAHA!!! Sensya na po sa prologue ko. Intindihin niyo na lang po na baguhan lang po ako sa writing indsurty. XDD!!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now