Chapter 19: Skye Lopez Vs. Ms. Sunako Yamasaki

772 33 0
                                    

Chapter 19: Skye Lopez Vs. Ms. Sunako Yamasaki

Skye's POV

Nakabalik na kami dito sa pwesto namin at inaantay ko na lang na matawag ang number ko.

Nakakagulat nga na mabilis lang matapos yung laban ng iba.

Yung iba nga ay wala pang isang minuto tapos makikita na lang namin na iika-ika o 'di kaya ay bugbog ang katawan na nagiging sanhi minsan ng pagkakahimatay nila.

Hindi namin nakikita yung buong laban dahil bigla silang nawawala na parang bula tapos may babalik na isang luhaan.

"Calling the attention of Number 15. Please come in front." Anunsyo ni Ms. Yamasaki.

Tumayo na ko at nginitian ko ang mga kaibigan ko.

"Goodluck sayo! Yakang yaka mo yan." Nakangiting sabi ni Kate.

"Kung si Kate nga kinaya, ikaw pa kaya. You can do it Skye." Pagchecheer up ni Rain.

Tinapik ni Jewel ang balikat ko at nginitian.

"Tandaan mo yung mga natutunan natin sa Mortal World. Makakatulong yun." Pagbulong ni Jewel sakin.

Naglakad na ako papunta sa harap at nginitan si Ms. Yamasaki.

"Ready na po ako Ma'am." Seryoso kong sagot.

Tumango lang ito at maya maya ay nasa gubat na kami.

"You can use anything you can see here but you cannot use your abilities. Got it?" Pagpapaalala nito.

Tumango ako bilang sagot.

"Freshen up yourself before we start. Im giving you 2 minutes." Nakangiti nitong sabi sakin.

Ininom ko yung baon kong tubig sa tumbler at inayos ko ang pagkakasintas ng sapatos ko.

Tinali ko rin ang mahaba kong buhok at yung baon kong panyo ay inikot ko sa kanan kong palad.

Niluwagan ko ang necktie ko at inayos ko rin ang pagkakasinturon ng pantalon ko.

Tumango ako kay Ma'am, senyales na handa na ako at nagulat na lang ako ng bigla ako nitong sinipa.

Shit.

Ang bilis niyang kumilos.

Nag backflip ako sabay tadyak sa sikmura niya, medyo tumalsik siya pero nakabangon siya agad.

Binilisan ko ang kilos ko at agad kong dinampot yung sanga ng kahoy na nasa gilid ko at agad kong hinampas sa likod niya.

Napahiga siya pero mabilis na umikot siya at nagulat na lang ako na tumalsik nanaman ako.

Medyo masakit na yung likod ko dahil lagi na lang ako tumatalsik pero bumuntong hininga ako.

"Tumayo ka, bumwelo ka at sipain mo siya sa sikmura niya."

Nagulat ako sa boses na narinig ko pero kusang sumunod ang katawan ko sa utos ng boses na iyon.

Nakita ko na lang yung sarili ko na nakaibabaw kay Ma'am.

Nginitian ko ito sabay hatak sa damit nito pataas at agad ko itong sinuntok sa sikmura.

Binitawan ko na siya at nilayuan para uminom ng tubig at nararamdaman kong nasa likuran ko na siya kaya hinampas ko sakaniya yung tumbler ko.

Sinugod ako nito at pinaulanan ng suntok at sipa pero sinasalag ko lang ito.

Alam kong pinapagod ako ni Ma'am para sumuko na ako pero hindi ako susuko.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon