Chapter 40: Preparation For The Annual Maze Runner

7.9K 266 3
                                    

Skye's POV

Natapos na namin i-tour ang Cambria Twins kaya napagdesisyunan namin na hindi na muna pumasok tutal ay pinayagan naman kami para makapagpahinga sa misyon na nagawa namin ng maayos.

Ngayon ko lang rin nalaman na magkaiba ang oras ng Crystal World sa Mortal World dahil umalis kami ng gabi doon at dumating kami dito ng bandang tanghali.

Akala ko rin na isang linggo lang ang itinagal namin sa Mortal World pero halos mag iisang buwan na pala mula nang umalis kami dito sa Crystal World.

But anyways, prenteng nagpapahinga ako dito sa sofa at nanonood ng movie nang tumunog ang intercom namin.

"Attention everyone, please proceed to Auditorium. We have an announcement."

"Attention everyone, please proceed to Auditorium. We have an announcement."

"Attention everyone, please proceed to Auditorium. We have an announcement."

Pinatay ko ang intercom at tinawag ko
yung mga kaibigan ko na nagpapahinga sa kanilang mga kwarto.

Dito lang kasi sa sala may intercom kaya kung sino man ang tao na malapit sa intercom ay siya lang ang makakarinig.

"Guys." Pagtawag ko sakanila gamit ang aking isip.

"Bakit?" Inaantok na sagot ni Jewel.

"Kailangan natin magpunta sa auditorium, may announcement raw." Pagsagot ko.

Agad silang nagsilabasan at pupungas pungas pa silang lumabas.

"Iidlip pa lang sana ako eh." Nakasimangot na sabi ni Kate.

"Hayaan mo na yun, puntahan na lang natin yung auditorium." Natatawa kong sabi.

Inayos muna nila ang mga sarili nila bago kami lumabas ng kwarto.

"Teka si Mr. Book, saan niyo nilagay?" Pagtatanong ni Jewel.

"Nandito sa bitbit kong bag para hindi mawala sa dorm natin." Pagsagot ni Rain.

Dahil ayaw naming magteleport ay sumakay kami sa elevator at inantay namin na makaabot kami sa Ground Floor.

May mga nakasabayan kami and as usual ay pinagtitinginan nanaman kami and pinaguusapan.

Nababasa ko ang mga nasa isip nila pero isinawalang bahala ko na lang dahil puro mga walang kwentang bagay lang naman iyon.

Nang makababa na kami ay nakasalubong namin ang Cambria Twins na agaw pansin dahil isa silang bagong estudyante ng Crystal Academy.

Kalat na kalat kasi ang biglaan nilang paglipat dito dahil nag announce si Mr. Macrus ng mga bagong estudyante na dumating saaming private page.

"Hi Guys!" Pagbati saamin ni Yohan habang nakangiti.

"Tara sabay-sabay na tayong magpunta para magkakatabi tayo sa upuan." Suhestyon ni Kate.

Tumango lang ang kambal at sinabayan kaming maglakad.

Nang makarating na kami sa auditorium ay pumwesto kami sa may bandang harapan dahil puno na yung gitnang parte at ayaw naman namin pumwesto sa may likurang bahagi.

"Mukhang kumpleto na tayo." Pag agaw ni Mr. Macrus sa atensyon namin habang nakatayo na pala sa pinaka stage ng auditorium.

"Please give respect to our royalties." Nakangiting sabi ni Mr. Macrus.

Tumayo kami at sabay sabay na yumuko para magbigay galang sa royalties na naglalakad papunta sa stage.

Nang makarating na sila sa harap ay sabay sabay kaming naupo lahat.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon