Chapter 4: Missing (Part3)

16.9K 470 6
                                    

Chapter 4: Missing (Part3)

Rain's POV

Naputol ang usapan namin nang may kung anong lumabas sa damuhan at nagulat na si Skye ang lumabas sa nagtataasang mga damo.

"Skye!" Maluha luha kong sigaw sakanya sabay yakap.

"Kate?Rain?" Naiiyak nitong tanong.

Nakayakap ako sakanya ng yumakap rin si Kate.

Umiiyak kami dahil sa wakas at tatlo na kaming magkakasama ngayon.

"N-nasaan si Jewel?" Kinakabahan kong tanong.

"Nagkahiwalay kami." Malungkot nitong saad.

"Nagkahiwalay? Ibig sabihin magkasama kayo kanina?" Naguguluhan na tanong ni Kate.

"Oo, siya pa nga ang nagligtas saakin kanina. Paalis na kami habang nagkukwentuhan ng biglang mapagusapan namin yung estranghero raw--"

"Teka, sino yung estranghero na sinasabi mo?" Nahihiwagaan kong tanong.

"Pwede bang patapusin mo muna ako?" Inis nitong sabi sabay halukipkip.

"Sorry." Hingi ko ng paumanhin sabay kamot sa kilay ko.

---------------------------------------------------------------------

Natapos na si Skye na magkwento at kaming dalawa naman ni Kate ay nakanganga dahil hindi namin masyadong naabsorb yung kinwento niya.

Seriously?

Hindi ko alam kung kalaban o kakampi ba si Austin at yung kasama nitong babae.

Hmm.

They must be really so mysterious.

"Oh, mukhang napasarap yata ang kwentuhan ng aking mga prinsesa."

Isang malamig na boses ng lalaki ang biglang nagpatigil sa kwentuhan namin.

Unti unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon na halos malaglag ang aking panga sa aking nakita.

No.

It can't be.

"Nice to see you again, my princesses. How was the feeling that we see each other again?" Nakangisi nitong sagot sabay unti unti siyang lumalapit saamin.

That mysterious guy in his black cloak.

"Hmm, masaya naman kaming makita ka ulit." Malamig na sagot ni Kate sabay tago ng kanyang kutsilyo sa palda niya.

"Yeah, she's right. Nice meeting you again, Mr?" Nagiinsulto kong sagot.

"Mr.Psyche. Teka, alam niyo ba kung bakit ako naparito?" Nakangisi niyang tanong sabay baba ng kanyang cloak.

"Hindi eh." Sagot naman ni Skye sabay lapit saamin ni Kate.

"Kapag sinabi kong takbo, tatakbo kayo, please be safe guys." Mahinang bulong ni Kate sabay baling kay Mr. Psyche.

"Naparito ako para sunduin ko kayo." Malamig nitong sabi sabay labas ng kanyang kutsilyo

"Bakit mo naman kami kailangan sunduin?" Mapanuring tanong ni Skye.

"Kasi gusto ko lang. Bakit ba ang dami niyong tanong? Mukhang nililito niyo ako ah." Nakangisi nitong sabi kasabay nito ang unti unti nitong paglapit saamin.

"Kung ayaw niyo pang mahirapan, sumama kayo saakin ng matiwasay. Walang masasaktan at walang mamamatay kung sasama kayo." Malamig nitong sabi.

Unti unti pa niyang nilapit ang kanyang sarili sa kinalalagyan naming tatlo at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa kaba.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon