Chapter 23: Unlocking Powers and Abilities

9.3K 299 31
                                    

Chapter 23: Unlocking Powers and Abilities

Kate's POV

Nandito kami ngayon sa sala at nagpaplano kung paano namin babamtayan ang mga kilos ni Eurydice Valerio.

That girl was giving me headaches simula pa kahapon.

"She's completely unaware sa kung sino ang binabangga niya. Once na malaman ko kung anong balak niya saatin masasakal ko talaga siya." Seryosong sabi ni Jewel.

After kasi ng incident sa kusina ay hindi na kami mapakali, lagi na naming pinapakiramdaman ang paligid sa kadahilanang baka nandyan lang siya at nakikinig sa usapan namin.

Pero may positive side din yung ginawa niya dahil napapractice namin ang 6th sense namin.

"What if kung si Eurydice Valerio pala ay mabait and she was protecting us from that Psycho?" Pagtatanong ni Skye.

Napaisip ako.

What if may mabuti palang hangarin saamin si Eurydice?

Kaso bakit kasi siya nakikinig sa usapan namin noong isang araw?

Masyadong magulo.

Pero may chance na baka may mabuti siyang hangarin saamin.

Sabi nga nila, don't judge a book by its cover.

"Calm down, Jewel. May point si Skye sa sinabi niya." Pagsagot ko.

"What if namisinterpret lang natin siya nung nadatnan natin siya sa kusina?" Pagtatanong ko.

"Pero inappropriate pa rin yung ginawa niya. Trespassing iyon and paglabag sa privacy ng tao." Pagsagot ni Jewel.

Ayaw talaga magpatalo ni Jewel.

"Alam niyo, we should asked her in a nice way." Pagsabat ni Rain.

"Maraming what ifs kaya we should hear the latter. Hindi pwede na panigan natin yung kung ano lang ang nakita natin. Dapat balance at pantay ang paghusga natin." Dagdag ni Rain.

"Pwede ka ng maging lawyer,Rain. Bagay na bagay sayo." Natatawa kong sagot.

"Okay, I'll take your advice Rain. I got your point pero mali pa rin yung ginawa niya." Pagsagot ni Jewel.

"Oo na Jewel. Kumalma ka nga. Kapag nakita natin siya ay kakausapin natin siya ng maayos at mahinahon, okay?" Pagtatanong ni Skye.

Tumango si Jewel bilang sagot.

Agad na kaming nagsipasukan sa mga kwarto namin at agad na rin kaming natulog.

------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan

Nagluluto na ako ng almusal nang may marinig nanaman ako na kumalabog sa sala.

Umagang umaga at may nanggugulo nanaman dito.

Kinuha ko yung walis at dahan dahang naglakad papunta sa sala.

Sinubukan kong magconcentrate para makita kung sino yung nasa sala.

As the day goes by, natuklasan ko 'tong bagong kapangyarihan ko and I found out na isa pala itong x-ray vision.

So back to our topic, nakita ko na may babae sa sala at palinga linga siya.

Iniisip niya siguro kung mayroong tao na ang lumabas sa apat na kwarto na malapit sa sala.

Nang biglang bumukas ang kwarto ni Jewel ay naglaho yung babae na parang bula.

Weird.

Hindi ko kasi masyadong naaninag yung babae sa kadahilanang hindi ko pa masyadong gamay 'tong bagong kapangyarihan ko.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon