Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)

11.7K 367 9
                                    

Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)

Jewel's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng pumasok kami dito sa Crystal Academy.

So far sina Chavez pa lang naman ang bumabangga saamin nung unang araw namin dito.

Naging usap-usapan din ng mahigit tatlong araw ang panghaharang saamin ng grupo nila Chavez.

After kasi ng paguusap namin sa office ni Mr. Macrus ay halos isang linggo rin na hindi pumasok ang grupo nila Chavez at ang sabi ng iba ay kinulong daw ang mga ito sa Punishment Room sa Sixth floor.

Nandito kami ngayon sa classroom at History Subject namin ngayon.

Halos lahat ay hinihikab bukod saaming apat na walang alam sa history ng buong Crystal Academy.

"Okay, ang Crystal World ay tinitirhan ng mga mabubuting nilalang noong unang panahon. Ngunit nang naging sakim at nabalutan ng inggit ang kakambal ni Prinsipe Hephaestus na si Prinsipe Vulcan ay gumawa ito ng lihim na hukbo na maghuhudyat ng digmaan. Tinipon niya ang mga taong may lihim na galit lalo na kay Haring Zeus na ama nito at kay Prinsipe Hephaestus." Pagkukwento nito.

"Nagsimula ang digmaan nang inanunsyo ni Haring Zeus ang isang malaking piging para sa lahat ng kanyang nasasakupan pero ang hindi niya alam na ang lahat ng kanyang mga makakasama ay siyang tatapos sa kanyang buhay at pamumuno." Dagdag nito.

*Kring* *Kring* *Kring*

"Class Dismiss." Bigla nitong sabi sabay labas ng classroom.

"Sayang! Hindi tinapos ni Mr. Ranmaru yung kwento." Pagmamaktol ni Kate.

"Well. Ganon talaga tsaka gusto ni Sir Ranmaru na bitinin ka." Natatawang sabi ni Skye.

"Tsk! Tara na, uwi na tayo." Nakasimangot na sabi Kate.

Naglalakad na kami palabas ng makasalubong namin sina Mitch.

"Kate!" Malakas na sigaw ni Austin.

"Bakit panget?!" Nakangising sigaw ni Kate.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dahil sa pagsigaw ni Kate.

"Shut the fuck up, Kate! Pinagtitinginan na tayo." Naiinis kong bulong sa kanya.

"Sorry. Lakas kasi ng loob na isigaw yung maganda kong pangalan." Nakanguso nitong sabi sabay peace sign sa harap ko.

"Hi there ladies!" Nakangiting sabi ni Israel.

"Hello!" Tipid na sagot ni Rain.

"Tapos na class hours niyo?" Pagtatanong ni Austin.

"Obvious naman diba?" Inis na sagot ni Kate.

"Hindi ikaw ang kausap ko, bitch. Si Jewel kaya ang kausap ko." Inis na sagot ni Austin.

"Right, Jewel?" Sabi nito sabay kindat sakin.

WTH.

"What are you talking about?" Nakakunot noo kong tanong.

"BURN!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan nito.

"Buti nga sayo!" Natatawang sabi ni Kate.

"Sinadya namin talaga kayo dito para yayain mag dinner sa may Crystal Mall mamaya." Nakangiting sabi ni Kristen.

"Woah?! Para saan naman ang dinner natin?" Natutuwang tanong ni Skye.

"Well, we have many things to talk about." Seryosong sabi ni Mitch.

"We're coming up." Pagdedesisyon ko.

"All right. Seven PM sa may entrance ng Crystal Mall." Pagsagot naman ni Israle.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon