Chapter 14: Questions

11.3K 347 5
                                    

Chapter 14: Questions

Rain's POV

Kasalukuyang nandito na kami sa dorm namin.

Walang imik na pumasok si Skye sa kwarto niya.

Sinenyasan ko sina Kate at Jewel na lumapit sakin.

"Nag aalala ako kay Skye." Panimula ko.

"Kung alam lang sana natin na si Tito Elijah yun baka naagapan pa natin kahit papaano." Malungkot kong sabi.

"Wala na tayong magagawa." Seryosong sabi ni Jewel.

"Nangyari na siya at walang dapat sisihin." Dagdag pa nito.

"Pero, sino naman ang pwedeng gumawa nito?" Nagtatakang tanong ni Kate.

"Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nila tayo." Inis pa nitong sabi.

"Mag obserba na lang tayo. Walang mangyayari kung tutunganga tayo dito." Biglang sabi ni Skye sabay inom ng tubig.

"Ayokong isipin ng kung sino man na napapaikot niya tayo sa mga palad niya." Seryoso pa nitong sabi.

"May point ka." Maikli kong sabi na may kasamang pagtango.

"So paano bukas? Kunyari walang nangyari?" Pagtatanong ni Kate.

"Mukhang ganoon na nga. Mamaya kasi ay nasa paligid lang natin siya o sila." Pagsangayon ni Jewel.

"Well, Good Night!" Pagpapaalam ko sabay lakad papunta sa kwarto ko.

Sandali akong napaupo sa kama ko at napaisip.

Bakit nga ba nangyayari saamin ito?

Parang kailan lang ay masaya kami sa mundo ng mga tao.

Masaya kahit hindi kami nagkakasama ng mga pamilya namin.

Lahat ng mga tanong namin ay puro BAKIT at PAANO.

Bakit kailangang mangyari saamin ito?

Paanong nagagawa niya kaming paikutin sa mga palad niya?

Magulo.

Masyadong magulo dahil una sa lahat ay ilang linggo pa lang kami dito at wala pa kaming masyadong alam sa history ng buong Crystal World.

Tumayo na ako at pumunta sa bintana.

Habang nakatanaw sa mga bituin sa kalangitan ay naagaw ng atensyon ko ang Hell Forest.

Ang Hell Forest ay isa sa mga pinagbabawal na lugar na puntahan dito sa Crystal Academy dahil raw sa maraming namatay sa forest na iyon. Hindi na nila iyon inalis para magsilbing respeto sa mga estudyante na pumasok doon at hindi na nakalabas kahit kailan.

Nakita kong may lumabas na babae doon, nakangisi ito habang nakatingin saakin ng matalim.

Bago ko ialis ang paningin ko sa bintana ay nakita ko kung paano naging pula ang kanyang mga mata at nagkaroon ng pangil.

Vampire.

Agad agad kong pinatay ang lampshade at nagtalukbong.

Kinikilabutan ako sa mga nakita ko.

Paanong may nakapasok na bampira dito sa Crystal Academy?

Nagulat ako na may naramdaman akong hindi maganda sa loob ng kwarto ko.

Hindi ako gumalaw sa kinahihigaan ko at pigil ang aking hininga.

"Gumalaw ka, hindi ka niya makikita."

Nagulat ako sa bumulong saakin ngunit hindi mapigilan ng katawan ko na sumunod sa boses na iyon.

Unti unti akong umalis sa higaan ko at laking gulat ko na may nakapasok nga na tao sa kwarto ko.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon