Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)

17.5K 498 28
                                    

Chapter 5: Introduction (Diamond Kingdom)

Kate's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na napatingin ako sa estrangherong lalaki na nakasama namin sa gubat.

"Well, Good Morning bitch! I'm Austin at susunduin kita ngayon." Maarte nitong sabi.

Bakla ba 'to?

Nako.

Sayang naman ang lahi niya kung ganun.

"I'm not gay. Sadyang ayaw lang kita na sunduin." Bagot nitong sagot habang nakasandal sa pinto.

"Bakit mo pa ako sinundo? Kung ayaw mo naman pala?" Mataray kong tanong.

"Paano ako tatanggi? Si HeadMaster na ang nag bigay ng utos saakin." Kamot ulo nitong sagot.

"Gumayak ka na. Susunduin pa natin yung tatlo mo pang kaibigan." Bagot nitong sabi.

"Ayaw mo ba munang pumasok? Tubig? Juice?" Pagsusuggest ko.

"Nah, I can manage." Cool nitong sabi.

"Okay, antayin mo muna ako after one hour." Nakangisi kong sagot.

"What?!" Exaggerated nitong sigaw.

"Bakit sobrang tagal naman? Anong gagawin mo sa banyo? Mag oorasyon?!" Pasigaw nitong sabi.

"Malamang maliligo! Obvious naman eh." Nakangisi ko pa ring sagot.

"Fine. Papasok na lang ako dito sa room mo." Inis nitong saad.

"Papasok ka rin naman pala. Ang dami mo pang satsat." Nakangisi ko pa ring sagot.

"Ano pa bang inaantay mo pasko? Maligo ka na pero kung gusto mo ak----" Naputol ang sasabihin niya ng bigla kong binusalan ng unan ang bibig niya.

"Shite Kudasai." Matalim akong tumitig sakanya sabay pasok sa banyo.

---------------------------------------------------------------------

Binuksan ko na ang shower at unti unting bumuhos dito ang malamig na tubig.

Mapapaisip ka na lang na pagkatapos ang engkwentro namin kay Psycho ay makakaligtas pa kami at lubos akong nagpapasalamat dahil natakasan namin yung baliw na yun.

Dapat talaga Psycho pangalan nun eh, hindi Psyche.

His name is far from his personality.

Akala ko iyon na ang pinakamalas na pangyayari na nangyari sa buong buhay ko.

Pero ngayon, may bagong daan nanaman kami na tatahakin.

Daanan na kung saan hindi madali para saamin na tahakin.

"Hoy! Tapos ka na bang magsenti dyan?" Inis nitong tanong.

"Anong senti ka dyan?!" Pagtanggi ko sabay labas sa banyo.

"Aray! Nanandya ka ba?! Alam mo naman na nandito ako sa pintuan ng bathroom mo?!" Nanggigil nitong sabi sabay himas sa namumula niyang ilong.

"Tss. Malay ko ba na nandyan ka?Pasalamat ka at yung pinto lang ang tumama sa pagmumukha mo." Bored kong sagot.

"Oh? Ano na? Hindi pa ba tayo aalis?" Nakataas kilay kong tanong.

"Sandali lang." Inis nitong sabi.

Kinumpas nito ang kamay niya at maya maya ay may ban-aid na ang ilong niya.

Pwede naman na i-heal na lang niya ang sarili niya kesa maglagay siya ng ban-aid.

"Ano bang pakialam mo? Sa gusto ko na ban-aid ang ilagay ko e." Mataray nitong sabi.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon