Chapter 25: Stalking (Part 1)

8.8K 301 10
                                    

Chapter 25: Stalking (Part 1)

Rain's POV

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan at ang una kong pinuntahan ay ang Crystal Mall.

Don't get me wrong ha?

Hindi ako nagpunta sa Crystal Mall para mamasyal, inuna ko lang talaga na puntahan 'to kasi baka may chance na nandito siya at naglilibot.

Habang naglalakad ako ay naisipan kong maupo sa bench na malapit lang sa pwesto ko.

I need to concentrate para malaman ko kung nandito ba talaga yung presensya niya o wala.

Sandaling pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid.

Unti-unting nawala sa pandinig ko ang ingay ng mga tao na nagsasaya sa mall.

Huminga ako ng malalim at mas lalo pang nag-concentrate.

Pilit kong hinahanap yung presensya niya hanggang sa mahanap ko siya sa comfort room.

Agad akong nagteleport papunta sa comfort room at pinakiramdaman ko ang buong paligid.

Ramdam na ramdam ko ang presensya niya dito kaya I use the telepathy para macontact ko yung tatlo.

"Guys." Pagtawag ko sakanila.

"Magteleport kayo dito sa Crystal Mall, sa labas ng comfort room na malapit sa arcade." Seryoso kong sabi.

Maya maya ay nasa harapan ko na sila at seryosong nakatingin saakin.

"Kate. Use your x-ray vision para malaman natin kung siya ba talaga yan." Pagkausap ko sakaniya gamit ang isip ko.

Tumango ito at lumapit sa pintuan ng comfort room.

Pinikit nito ang mga mata niya at maya maya ay dumilat rin at sinenyasan niya kami na tama ang hinala ko.

"Make yourselves invisible, susundan natin siya kung saan siya pupunta." Maotoridad na utos ni Jewel.

Biglang bumukas ang comfort room and right on time ay invisible na kami.

Good thing na walang makakaramdam ng presensya namin habang invisible kami dahil sabi ni Mr. Book ay special daw kami.

Ginawa pa niya kaming special child -.-

Sinundan namin si Eurydice sa kung saan man siya pupunta.

Napakaseryoso niya habang naglalakad at mukhang may malalim na iniisip.

Naisipan niyang umupo sa bench sa pinanggalingan ko kanina at nilabas nito ang phone niya. Panay ang silip niya sa phone niya na parang may inaantay na tawag o text na galing sa kung sino man.

Nagkatinginan kaming apat.

Mukhang makikipagkita siya at base sa obserbasyon ko ay may mahalaga siyang sasabihin.

"Skye." Pagtawag ko kay Skye gamit ang aking telepathy.

"Bakit?" Pagtatanong nito.

"Subukan mo nga na tingnan yung aura niya para malaman natin kung may instances ba na masama si Eurydice." Seryoso kong sabi.

Tumango ito bilang sagot at nakita kong pinikit na ni Skye ang mga mata niya, senyales na nagco-concentrate siya sa gagawin niya. Maya-maya ay iminulat niya ang mga mata niya at nakita kong naguluhan siya.

"Anong nakita mo Skye?" Nagaalala kong tanong.

"Ang labo niya Rain. Hindi ko maidentify kung white or gray ba yung nakikita ko, basta naghahalo siya at malabo sa paningin ko." Malungkot nitong sabi.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon