Chapter 11: First Day Of School

12.3K 400 5
                                    

Chapter 11: First Day Of School

Kate's POV

Pinauna muna namin palabasin ang ibang mga estudyante dahil ang iba ay pilit na siniksik ang kanilang mga sarili makalabas lang dito sa Auditorium. Nang konti na lang ang nagsisilabasan na mga estudyante ay tsaka kami lumabas at sumakay sa elevator.

"Oh? Saan ang sunod natin na pupuntahan?" Pagtatanong ko.

"Hmm, hanapin ko na muna. Sandali lang." Pagsagot naman ni Jewel.

"Unang araw pa lang natin pero mukhang hindi maganda ang sasalubong saatin." Biglang sabi ni Rain.

"Oo nga eh. Iba ang atmosphere dito kaysa sa Mortal World." Pagsang ayon naman ni Skye.

"Okay. Ang next stop natin ay ang Academic Building, Fourth Floor, Room Nineteen." Biglang sabi ni Jewel.

*Ting*

Agad kaming lumabas sa Facility Building at agad na natungo sa Academic Building na katabi lang nito.

Bali ang arrangements ng building ay:

🏢 🏢 == 🏪 === 🏫 == 🏤 == 🏬== == ⛩ === 🏛

Dormitory Buildings // Facility Building // Academic Building // Crystal Mall // Confidential Building // Training Hall // Research Building

Unang pasok pa lang namin sa building ay maraming estudyante ang nagkalat sa hallway.

Sumakay kami sa elevator at pinindot ang Fourth Floor.

Marami kaming nakasabayan na mga estudyante at kanina ko pa napapansin na kanina pa nila kami tinitingnan tapos magbubulungan sila at maya-maya naman ay magtatawanan.

Nababaliw na ba sila?

Nang makarating na kami sa Fourth Floor ay agad kaming lumabas sa elevator at hinanap ang Room Nineteen.

"Ang lawak naman pala dito." Namamangha kong sabi.

"Hindi ko nga akalain na ang bawat palapag ay may limang kwarto hanggang sa ikaanim na palapag." Namamangha na sabi ni Jewel.

"Tabi! Mga harang sa daan!" Nagulat na lang kami ng biglang tinulak ng isang babae si Rain upang makadaan.

"Babae ba yun?" Gulat na tanong ni Skye habang tinutulungan niya na makatayo si Rain.

"Ang lakas niya." Bigla kong nasabi.

"Shoot! Malalate na tayo sa una nating klase." Biglang sabi ni Jewel habang nakatingin sa schedule.

Mabilis kong hinatak ang mga kaibigan ko papasok sa Room Nineteen na hindi kalayuan sa pwesto namin and just in time ay nakapasok kami at nakaupo sa pinakadulong bahagi ng kwarto na ito bago pa dumating ang magiging guro namin.

Ang bilis ko naman yatang tumakbo.

"Good Morning! I'm Ms. Rodolfo." Pagpapakilala nito.

"I want to know your names. So introduce yourself at magsimula tayo sa likod." Biglang sabi ni Ms. Rodolfo habang nakaturo saakin.

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa harap ng may pumatid sakin.

Akala ko ay mahahalikan ko na ang sahig ngunit ilang sandali pa ang lumipas ay wala akong naramdaman.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at ganun na lang ang gulat ko ng nakatayo pa rin ako.

Pati na rin ang pumatid saakin ay gulat na gulat.

Bago ako maglakad ay inapakan ko ang paa niya para lang makaganti dahil sa pagpapatid niya.

"Ouch." Maarte nitong daing.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon