Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)

8.1K 260 26
                                    

Chapter 39: Go Hard Or Go Home (Part 2)

Jewel's POV

Akmang susugurin na kami ni Arohi nang biglang sumulpot ang mga itim na kaluluwa.

"Umalis na tayo dito, sila na ang bahala saatin." Sigaw ni Johan.

Ito pala ang kapangyarihan nila.

Kaya pala nila magsummon ng mga kaluluwa, napaka angas.

Tumakbo agad kami sa likurang bahagi ng bahay ko kung saan nandoon ang malaking puno na magiging portal namin.

"Yohan and Johan, kayo ang magbukas ng portal, alam niyo raw yan." Hinihingal na sabi ni Skye.

"Kami na bahala sa mga asungot na susunod saatin." Nakangising sabat ni Kate.

Napatango na lang ang dalawa at pumwesto na agad sila sa malaking puno.

Kusang kumilos ang katawan ko at kumawala sa mga kamay ko naglalakihang mga sanga ng tinik.

Isinawalang bahala ko na ito kahit punong puno ng pagtataka aking isipan sa kung paano ako nagkaroon ng ganoon.

Biglang nagteleport ang apat na babae sa harap namin at ngumisi sila.

Bigla silang nagpakawala ng mga dagger kaya hinarang ko ang mga sanga ng tinik na lumabas saakin.

Nakita ko na lang na nagpakawala ng mga nag aapoy na bola si Kate at binato iyon sa apat.

Agad na may dinukot si Arohi sa bulsa niya at bigla itong hinagis saamin.

Umusok ang kapaligiran namin kaya ang ginawa ni Skye ay nagpakawala siya ng mga ipo ipo.

Nawala na ang usok kaya inalerto namin ang mga sarili namin.

Nakita kong nagpakawala si Rain ng mga kidlat at pinatamaan nito ang dulong bahagi ng likod bahay ko.

"Sorry, Jewel. Nakita ko kasi sila doon." Kamot ulong sabi ni Rain.

Agad akong nagteleport papunta kila Yohan at Johan at pinalibutan ko ang pwesto nila ng mga baging para hindi sila malapitan nung apat na mga babae.

Bumalik ako sa pwesto namin kanina at nagsimulang magpakawala ng kulay itim na bola si Relaira.

Sa sobrang bilis nilang umatake ay nadaplisan ako sa balikat kaya napaatras ako.

Nagaalalang tumingin saakin ang mga kaibigan ko pero nginitian ko sila.

Nagpakawala ako ng mga tinik at mabilis ko itong inatake kila Arohi.

Ngumisi yung tatlo kong kaibigan at tumango.

They choose to go hard instead of going home kaya inipon ko ang buong lakas ko tsaka ko binuo ang kulay berde na bola na may mga tinik sa loob.

Napakatingkad nito pero paniguradong masakit ang tama nito.

Nakita kong nakahanda na rin ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Kate na nakangisi.

Highschool pa lang kami pero tuwang tuwa talaga si Kate pagdating sa mga fantasy genre movies lalo na kapag may mga special effects ito.

Nangarap siya magkaroon ng ganoon at ngayon napasakamay na niya ang ability na yun.

Pinagsamang red and violet ang kulay ng bola ni Kate, si Rain naman ay kulay darkblue at sa loob noon ay may pa kidlat pa, habang si Skye naman ay kulay abo ang kaniyang bola at may umiikot na maliit na ipo-ipo sa loob.

Tumango kami sa isa't isa at doon ay pinaulanan namin ng atake yung apat na babae.

Pinapaulanan rin nila kami ng nagbabagang kulay itim na bola pero iniilagan lang namin iyon.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon