Chapter 31: Going Back To Mortal World

8.3K 279 3
                                    

Chapter 31: Going Back To Mortal World

Skye's POV

Maaga akong gumising para magluto ng almusal naming apat, ngayon kasi ang araw ng alis namin para pumunta sa Mortal World at napagkasunduan namin na tutuloy kami sa bahay nila Jewel since malapit lang naman ang bahay nila sa Gem Academy and walking distance lang ito.

Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko.

Pumunta ako sa kusina at nagsimulang magluto ng almusal at baon namin.

Habang nagluluto ako ng sinangag na kanin ay siya namang paglabas nilang tatlo sa mga kwarto nila.

"GoodMorning." Pagbati ko.

"GoodMorning rin Skye. Ano yang niluluto mo?" Pagtatanong ni Kate habang kinukusot ang mata nito.

"Sinangag, nga pala nag brewed na ko ng coffee kaya magsalin na lang kayo sa mga baso niyo." Pagsagot ko.

Nang matapos na ko sa pagluluto ay naghain na ko sa lamesa namin at sabay sabay kaming naupo at kumain.

"Ako na pala ang magsesecure dito sa bahay." Sabi ni Jewel habang hinahalo ang kape niya.

"Kumpleto na ba ang mga gamit niyo? Baka mamaya may nakalimutan pa kayo?" Pagtatanong ni Rain.

"Feeling ko wala naman na. Kagabi pa kasi ako nag ayos para hindi magahol ang oras ko ngayong umaga." Pagsagot ko.

"Si Mr. Book baka makalimutan niyo ah? Kailangan natin siyang dalhin kasi hindi siya safe dito." Pagsabat ni Kate.

"Nilagay ko na siya sa bag ko at nakasecure na rin." Paninigurado ko sa tanong ikni Kate.

"Hindi talaga ako makapaniwala na may unang misyon tayo agad at akalain mo na doon pa talaga tayo sa Gem Academy mapapadpad ulit." Natatawang sabat ni Rain.

"Kung may mga naiwan pa kayo sa Mortal World, dalhin na natin dito. Sa natatandaan ko kasi may naiwan ako sa kwarto ko." Kamot ulo kong sabi.

"Basta hindi pwedeng maghiwa-hiwalay tayo." Seryosong sagot ni Jewel.

"Paano pala yung mga companies na naiwan ng mga magulang natin doon? Hindi naman pwedeng mapunta sa iba yung mga pinaghirapan nila." Nakangusong sagot ni Kate.

"I-check na rin natin yung mga business na naiwan nila and ipagkatiwala na lang natin. Hindi natin sigurado kung kailan pa ulit tayo makakabalik doon." Plain na sagot ni Jewel.

Napatango na lang ako sa sinabi nito.

Kahit naman kasi walang oras saamin ang mga magulang namin ay nanghihinayang kami kung mapupunta talaga sa iba yung mga negosyo na naipundar nila tsaka isa pa, masasayang yung mga araw na nangulila kami sa kanila tapos mawawala na lang ng ganun yung company nila.

"Okay girls, ako na ang bahala dito. Maligo na kayo at asikasuhin niyo na ang mga sarili niyo." Pagsagot ko.

"Thankyou, Skye. Napakasipag mo talaga." Natatawang sagot ni Rain sabay gulo sa aking buhok.

"What the hell Rain?" Nakasimangot kong sagot dahil nagulo nito ang buhok ko.

Nag peace sign lang ito at tumakbo na papasok sa kwarto niya.

Haynako.

-.-

Nang matapos na ko sa paghuhugas ng pinggan ay bumalik ulit ako sa kwarto ko at chineck yung mga gamit ko sa backpack.

Pagkatapos kong magcheck ang lahat ng mga gamit ko ay naghanap na ako ng isusuot ko ngayon.

Ang bilin ni Mr. Macrus ay wear something comfortable at dahil buwan ng Mayo sa Mortal World ngayon at sa Pilipinas ang destinasyon namin ay naghagilap ako ng preskong damit.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon