Chapter 16: Terror Teacher

8.5K 296 22
                                    

Chapter 16: Terror Teacher

Jewel's POV

"Nabalitaan ko na bago na ang teacher natin sa PE."

"Oo nga daw, Palibhasa kasi puro dada si Ms. Sato, Hindi tayo tinuturuan ng mga mixed martial arts."

"Ay bobo! Anong mixed martial arts? MMA Fighter ka na teh?"

"Nabobo na 'ko dahil hindi tayo pinagsasanay ni Ma'am. Sana naman maayos ayos naman 'tong bagong teacher natin."

"Sus ang dami mong kuda sa buhay. If I know, hindi ka naman nakikinig kay Ms. Sato."

"Aba? Eh ikaw nga hindi naman nakikipag participate sa discussion natin. Pag recitation nga halos idikit mo na yung mukha mo sa desk."

"Basta babatuhin ko mamaya ng crumpled paper yung bago nating teacher bago siya pumasok dito sa room para malaman natin kung mabilis ang reflexes niya."

"Bahala ka sa buhay mo."

Tumigil na sa pakikipagdaldalan sina Chavez nang biglang may nagbukas ng pintuan.

Maya maya ay nakita ko na lang na may naghagis ng crumpled paper sa harap.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagulat na lang kami na bumalik na yung crumpled paper kay Chavez at nasapol pa ito sa mukha.

Cool.

"What a warm welcome warrior's section." Malamig nitong sabi.

"It seems that you're ready to fight any minute now." Malamig nitong sabi sabay tingin kay Chavez.

"Introduce yourself." Malamig na sabi ni Ma'am habang nakaturo ang hintuturo nito kay Chavez.

"Chloe Chavez." Mataray na pagpapakilala ni Chavez.

"So Chloe pala ang pangalan mo, pero alam mo kung anong mas bagay na pangalan sayo?" Nakataas kilay na tanong ni Ma'am.

"Bitch, cause you're acting like one." Malamig nitong dugtong sabay upo sa teacher's table.

Akmang lalapit na sana si Chavez nang biglang tumilapon ito papunta sa tabi ko.

"By the way, My name is Sunako Yamasaki. Your new physical education teacher." Nakangisi nitong sabi.

----------------------------------------------------

Recess time na pero yung pagiisip ko ay lumilipad pa rin.

Anong klaseng kapangyarihan ang taglay ni Ma'am Sunako?

How come na masyado yata siyang malakas na ultimo si Chavez ay tumilapon pa sa tabi ko.

I need to go to the library para malaman ko kung anong klaseng ability iyon.

May tumutulak kasi saakin na alamin ko kung anong klaseng ability yun at hindi matahimik ang inner self ko hangga't hindi ko yon nalalaman.

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa library at maya maya ay may naramdaman akong kakaibang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko.

Ang init.

Napapaso na yung buong katawan ko pero wala man lang akong magawa.

Nang biglang—

"Ms. Scott? Are you paying attention?"

Biglang nagising ang aking diwa ng makita ko ang sarili ko na nadito sa room.

Anong nangyari?

Diba dapat papunta ako sa library?

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon