Chapter 24: The Mystery Book

7.8K 296 8
                                    

Chapter 24: The Mystery Book

Skye's POV

Lunch time na at kasalukuyang nasa library kami ngayon para maghanap ng hihiramin na mga libro.

"Guys, tingnan niyo 'to." Pagtawag samin ni Kate.

Tiningnan namin yung hawak niyang libro.

The Powers Within Us

"Hiramin natin yan." Seryosong sabi ni Jewel.

Naupo kami sa isang medyo tagong part ng library at tsaka namin binuksan yung libro.

Lumiwanag ito sandali na ipinagtaka namin.

"Sa wakas at nahanap niyo na rin ako."

Nagulat kami nang biglang may nagsalita.

"Sino ka?" Mapanghamon na tanong ni Rain.

"Ako yung libro na hawak ng kaibigan mo."

Napatingin kami sa libro at patuloy pa rin itong nagliliwanag.

"Kayo talaga ang tunay na nagmamay-ari saakin, marapat lang na kunin niyo na ako bago pa may ibang tao na makakuha saakin."

"Paano kami makasisiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Panghahamon ko.

"Titigan mo ako ng mabuti at sabihin mo kung anong kulay ang pumapalibot saakin."

Tinitigan ko itong mabuti at nagulat na kulay puti ang pumapalibot sakaniya.

"Mabuti akong libro at nagsasabi ako ng totoo. Tutulungan ko kayo kung paano niyo hahasain ang mga kakayahan ninyo. Ako ang magsisilbi niyong gabay."

"Nagsasabi siya ng totoo." Seryoso kong sagot.

"Paano ka nakakasigurado?" Pagtatanong ni Kate.

"Kulay puti na aura ang dumadaloy sakaniya noong tinitigan ko siya ng mabuti. Wala akong nararamdaman na panganib sakaniya." Seryoso kong paliwanag.

"Okay, Mr. Book. Magtitiwala kami sayo, pero once na sinira mo ang tiwala namin, susunugin kita." Pagsagot ni Kate.

Napatingin ako kay Kate.

"What? Nagsasabi lang naman ako." Mataray nitong sagot.

Pagkatapos naming hiramin si Mystery Book ay dumiretso kami sa cafeteria para umorder ng kakainin.

Mayroon pa naman kaming isang oras na vacant bago pumunta sa klase ni Mr. Edogawa.

---------------------------------------------------------
Cafeteria...

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Rain.

"So anong plano natin kay Eurydice?" Pagtatanong ni Rain.

"We will stalked her." Pabulong na sagot ni Jewel.

"Wait, dapat pag ganitong paguusapan natin siya kahit saan we should give her a nickname para hindi halata." Pagsagot ko.

"What if Riri ang nickname natin sakaniya?" Suggestion ni Rain.

"Good suggestion, Rain." Pumapalakpak na pag sang-ayon ni Kate.

"Para kapag narinig ng iba ay mapagkakamalan nilang kababata natin." Nakangising sabat ni Jewel.

"Wait, hindi ba siya iyon?" Pagsingit ko habang nakatingin sa may pila ng counter.

"Oo nga siya nga." Pag sang-ayon ni Rain.

"Kailan ba natin sisimulan yung plano?" Pagtatanong ko.

"Bukas agad para habang maaga pa ay malaman na natin ang pakay niya saatin." Serysong sabi ni Jewel sabay inom sa kaniyang juice.

Napatingin ako sa relo ko at sinenyasan ko sila na kailangan na naming umalis sa kadahilanang ayaw ni Mr. Edogawa na may nahuhuli sa klase niya.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay napatigil si Kate.

"Guys pumunta muna tayo sa comfort room kahit sandali." Seryoso nitong sabi.

Lumiko kami sa isang pasilyo at doon ay dumiretso kami sa pinakamalapit na comfort room.

Sinilip muna ni Kate kung may ibang tao tsaka niya ito nilock.

"Anong problema Kate?" Pagtatanong ni Rain.

"Yung libro sa bag ni Skye, umiilaw." Seryoso nitong sabi.

Agad kong binuksan yung bag ko at kinuha doon yung misteryosong libro na hiniram namin sa library. Nagulat ako na umiilaw nga yung libro kaya binuklat ko ito.

"Buti naman at napansin niyo rin ako."

"Anong nangyayari Mr. Book?" Seryosong tanong ni Jewel.

"Ngayon pa lang ay dapat matutunan niyo na ang telepathy."

"Anong telepathy?" Naguguluhan kong tanong.

"Paguusap gamit ang inyong isip."

"Pwede bang mamaya na lang namin aralin yan? Mahuhuli na kami sa klase. Strikto pa naman si Mr. Edogawa." Bagot na sabi ni Rain.

"Absent siya ngayon kaya aralin niyo na yung telepathy ngayon."

And on cue biglang tumunog ng sabay sabay ang mga phone namin. It was a message from Mr. Edogawa na hindi siya makakapunta sa klase dahil may urgent meeting raw ang lahat ng mga teachers.

"Okay Mr. Book. Anong gagawin namin?" Pagtatanong ko.

"Sabay sabay kayong pumikit at huminga ng malalim. Pagkatapos, pakiramdaman niyo ang inyong mga sarili. Isipin niyo na yung lock sa isip niyo ay kayang mabuksan ng bawat isa sainyo para magawa niyo yung telepathy. Kapag naisip niyo na kaya niyo ay isipin niyo naman yung susi na gagamitin niyo para sa lock ng bawat isa, pagkatapos ay unti unti niyo itong i-unlock at tsaka na kayo magsalita sa isip niyo."

Ginawa namin ang sinasabi ni Mr. Book at habang sinusubukan naming gawin yun ay nakaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid namin. I immediately make ourselves invisible kasama na si Mr. Book. I made sure na soundproof itong comfort room and no one can hear the conversation we had.

Nang magawa ko na ang pinapagawa ni Mr. Book ay nagmulat ako ng mata at nagsalita sa isip ni Jewel. Napatingin saakin si Jewel at nag thumbs-up. Tanda na narinig niya ako. Ginawa ko rin yun sa iba at sabi nila ay narinig daw nila ako.

Agad kong binalita sakanila yung ginawa ko dahil sa naramdaman kong kakaibang aura. Sumang ayon saakin si Rain dahil nakaramdam siya ng kakaibang presensya kanina habang isinasagawa namin yung telepathy.

"Magiingat kayong apat. Baunin niyo palagi ang mga turo ko sainyo."

Pagkatapos magsalita ni Mr. Book ay tumigil na ito sa pag ilaw. Pinasok ko na siya ulit sa bag ko.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

Nangitian kamk at lumabas sa comfort room na parang walang nangyari kakaiba.

"So saan na diretso natin ngayon? Last subject na natin si Mr. Edogawa." Pagtatanong ko.

"Gusto niyo na bang umuwi?" Pagtatanong ni Jewel.

"Hindi pa." Sabay sabay naming sagot.

Ayoko pa talaga umuwi dahil boring pa sa dorm at hindi pa naman ako inaantok. Gusto ko na munang gumala or maglakad lakad sa labas.

"Simulan na natin ngayon." Makahulugang sabi ni Jewel.

Napatuwid ako ng tayo.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mahanap natin siya. Kapag nahanap na natin, use telepathy para makapunta tayo sa location kung saan siya nahanap. Are we clear?" Pag uutos ni Jewel.

"Aye aye captain." Pagsagot namin.

----------------------------------------------------------------------------

04-14-20

UPDATED

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon