Chapter 18: Kate Hernandez Vs. Ms. Sunako Yamasaki

865 32 0
                                    

Chapter 18: Kate Hernandez Vs. Ms. Sunako Yamasaki

Kate's POV

Inayos ko ang pagkakatali sa buhok ko at seryosong tumingin kay Ma'am.

Ramdam ko ang aura ni Ma'am at sumisigaw yun ng FIERCE POWER.

Kahit na natatakot ako sa mangyayari sakin ay tinatagan ko ang loob ko.

Let's do this self.

Sinugod ako ni Ma'am at akmang itutulak ako nito nang iniwasan ko siya sabay tulak sakaniya sa sahig.

Nang makita ko siyang nakatingin sa lapag ay binalak ko na sipain siya pero nahakawan nito ang paa ko.

Pilit niyang pinipilipit ang paa ko pero wala akong maramdaman na sakit, kitang kita ko na naiinis na si Ma'am kaya tinadyakan ko ang sikmura niya sabay hatak sa damit nito.

Tinitigan ko siya sa mukha niya at ngumiti sabay inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya.

Doon ako nakaramdam ng sakit pero gusto ko na talagang tapusin 'tong laban na 'to kaya sinasagad ko na yung lakas ko sa bawat atake na binibitawan ko.

Medyo nahilo si Ma'am pero bumangon agad siya para sugurin ako, mabilis niya kong sinuntok sa sikmura ko sabay tadyak sa tagiliran ko.

Napaupo ako.

Nanghihina na ako pero tumayo ako at sinugod ulit siya.

Bumwelo ako ng konti tapos bigla kong tinalunan ang ulo ni Ma'am, tinadtakan ko siya sa likod na sanhi nang pagkakahiga niya sa sahig.

Dumura na siya ng dugo at masama niya akong tinitigan.

Uh-oh.

Mukhang mamemersonal na si Ma'am.

Sa 'di malaman na dahilan ay nakaramdam ako nang naguumpaw na lakas sa katawan ko, pakiramdam ko ay nabuhayan ako kaya sinugod ko ulit si Ma'am at nagpalitan kami ng suntok.

Sinasalag niya yung mga suntok ko at nang makita kong napapagod na siya ay tsaka ko siya tinadyakan sa sikmura.

Napaupo na siya non.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hatakin at ibalibag na sanhi nang pagkasakit ng likod ko.

Ang solid non ah.

Akala ko tapos na pero nakabangon pa pala siya.

Dahan dahan akong tumayo at tinitigan siya ng masama.

Nginisian niya lang ako na sanhi ng pagkainis ko sakaniya.

Talaga nga namang sinusubukan niya ako.

Sinugod ko siya at pinaulanan ng suntok, panay lang ang salag niya.

Nang mainis na ko ay sinuntok ko siya sa batok na sanhi ng pagkakahiga niya sa sahig.

Mukhang napatulog ko na ata siya.

Aalis na sana ako nang biglang dumilim ang paligid ko.

Nawala sa paningin ko yung mga kaklase ko na nanonood sa laban namin ni Ms. Yamasaki.

"Well, well, well." Nakangising sabi ni Ms. Yamasaki.

"It was just an excersice. Ito na yung totoong duel natin." Seryoso nitong sabi.

"Sabi ko na eh, talagang may ibubuga ka. Hindi ka basta basta kaya susubukan ko ang kakayahan mo dito." Dagdag pa nito.

Napaayos ako ng tayo at agad na hinubad ko ang blazer ko, inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon