Chapter 7: Introduction (Sapphire Kingdom)

14.8K 421 14
                                    

Chapter 7: Introduction (Sapphire Kingdom)

Skye's POV

Nandito ako ngayon sa isang bahay kasama ang isang babaeng blonde ang buhok.

Kapansin pansin ang pagiging kagalang galang niya kaya hangga't maaari hindi ko inilalabas ang ugali kong ayaw niyo ring makita.

"Ako nga pala si Kristen. Ikaw?Anong pangalan mo?" Pagtatanong niya saakin.

"I'm Skye. Skye Lopez." Pagsagot ko.

"Teka, Nasaan ba ako ngayon?" Pagtatanong ko.

"Nandito ka nga—" Naputol ang sasabihin niya nang biglang may kumatok.

Pinuntahan muna ni Kristen yung kumakatok sa pinto at maya maya ay may narinig akong yabag na papalapit dito.

Baka kasi bisita lang ni Kristen kaso nagulat ako ng dinamba nila ako ng yakap.

Halos maluha luha ako dahil sina Kate at Rain pala yung yumakap sakin.

"Papano—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Austin.

"Nandito kami para sunduin ka." Plain na sagot nito.

"Uhm, Kate? Uuwi na ba tayo sa bahay natin?" Pagtatanong ko.

"Hindi tayo uuwi." Malungkot na sabi ni Kate.

"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Magaaral daw tayo dito." Walang kagatol gatol na sabi ni Kate sabay tingin kay Austin ng masama.

"May kapangyarihan man o wala ay dapat magaral raw tayo. Buti nga hindi pa tayo naghehesterical dahil sa mga lumalabas na mahika sa kung saan saan." Sarkastiskong dugtong ni Rain.

"So we're going now. Thanks Kristen. See you sa school." Masayang pamamaalam ni Austin.

Nagulat na lang ako ng biglang nasa harapan na kami ng isang sasakyan.

"What th—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Kate.

"Sanayin mo na ang sarili mo sa ganitong bagay para hindi ka magulat." Wala sa mood na sabi ni Kate.

Habang nasa byahe kami ay nacurious ako kung nasaan ba ako kanina.

Hindi kasi natuloy ni Kristen yung sasabihin niya kasi biglang dumating sina Jiro at agad naman din kaming umalis.

"Uhm Austin, Kung hindi naman masyadong nakakahiya pwedeng magkwento ka naman kung nasaan tayo kanina." Nahihiya kong sabi.

"So, Hindi pa pala nakekwento sayo ni Kristen?" Pagtatanong nito.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Okay. Para malaman mo, kanina ay nasa Sapphire Kingdom tayo." Pagsisimula niya.

"Mamaya na ang tanong mo kung may itatanong ka man." Pagputol nito sa sasabihin ko.

"Wala na tayo sa Mortal World o mas kilala sa tawag na Earth. Nandito ka ngayon sa Immortal World o tinatawag naming Crystal World dahil sa pangalan ng apat na kontinente na bumubuo dito." Pagpapatuloy niya.

"Ang unang kontinente ay ang Diamond Kingdom sa Hilaga kung saan ay sinundo ko si Kate, Pangalawa naman ay ang Emerald Kingdom sa Kanluran kung saan ang sinundo naman namin ay si Rain at ang pangatlo ay ang Sapphire Kingdom sa Silangan kung saan ay nandoon ka, Ngayon ay tinatahak naman natin ang daan papuntang timog kung saan Pearl Kingdom ang pangalan noon, Susunduin naman natin dun si Jewel." Mahabang paliwanag niya.

"Ang Sapphire Kingdom ay pinamumunuan ni King Katsuo Takagi and Queen Kasumi Takagi kung saan ay may dalawa silang anak na babae na ang pangalan ay sina Princess Kristen Takagi and Princess Caitlin Skye Takagi." Pagkukwento pa nito.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon