Chapter 37: The Dark Plan

7.6K 256 3
                                    

Chapter 37: The Dark Plan

Skye's POV

Pinaandar na ni Arohi yung van at tumingin siya sa mga kasama niya.

"Wala pa tayong lunch, saan niyo balak kumain?" Pagtatanong nito.

"Uwi na lang muna tayo sa bahay natin tapos magpadeliver na lang tayo." Pagsagot naman ni Relaira.

Napatango lang si Arohi at nagfocus na muli sa pagmamaneho.

"Skye and Jewel, napatay na namin yung apat na fake. Ano ng gagawin namin?"

Napatingin ako kay Jewel at seryoso itong nakatingin sa daan.

"Secure our house and make sure na kapag may nakita kayong kakaiba ay asikasuhin niyo agad. Hindi pwedeng madamay ang mga tauhan ko sa misyon natin." Paguutos ni Jewel.

Napansin kong papasok na ang sinasakyan naming van sa isang parking lot.

Nang maipark na ni Arohi yung van ay nagkaniya-kaniya na sila ng baba and as usual ay nakasunod kami ni Jewel habang invisible pa rin kami.

Sumakay sila sa elevator kaya mabilis kaming sumunod.

Nilabas ni Lyle ang phone niya at may tinatawagan siya, bakas sa mukha niya ang iritasyon dahil na rin siguro ay hindi sinasagot ang tawag niya.

"Ayaw sagutin nung mga pinadalang tauhan ni HeadMaster yung phone. Baka busy na sila sa mansiyon nung Jewel." Iritableng sabi ni Lyle.

"I hope they're doing their job kasi malilintikan sila kay HeadMaster kapag wala silang naiuwi na kahit ano." Natatawang sabat ni Denise.

"For now, kumain muna tayo dahil nakakagutom yung pinaggagagawa natin simula kanina." Sagot naman ni Relaira habang hinihimas niya ang sikmura niya.

Bumukas na ang elevator kaya nagsilabasan na rin sila.

Patuloy pa rin ang pagsunod namin hanggang sa makarating kami sa unit nila.

Isa itong penthouse base sa laki nito.

Nilabas ni Arohi yung card niya at iniswipe niya ito sa cardswiper na nasa pintuan niya.

Pagkabukas ng pintuan ay agad silabg pumasok and syempre nakasunod pa rin kami ni Jewel.

"Jewel, nagugutom na ako. Anong kakainin natin?" Pagtatanong ko kay Jewel.

"Pumuslit na lang tayo sa refrigerator nila or sa ipapadeliver nila." Nakangiwing sagot ni Jewel.

Napabuntong hininga na lang ako.

Maya maya ay may nag doorbell at pinagbuksan iyon ni Denise.

"Okay guys, ito na yung food natin. Relaira, maghain ka na tutal ikaw 'tong nagugutom na talaga." Paguutos ni Denise kay Relaira.

Kinuha ni Relaira yung supot ng pagkain at hinain ito sa center table na katapat ng malaking flat screen television.

Binuksan ni Arohi yung malaking tv nila, samantala si Lyle naman ay sinagad yung lamig ng aircon.

Sama sama na silang umupo at nagsimula na silang kumain.

Pumunta kami ni Jewel sa kusina nila at naghagilap ng makakain sa refrigerator.

Good thing na lahat rin ng mahawakan namin ay hindi nila makikita kaya malaya kaming nagkakalkal ng pagkain ngayon.

Agad kong kinuha yung freshmilk at isinalin ito sa dalawang baso, si Jewel naman ay kumuha ng cereals at tinapay.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon